Chapter 24

267 45 33
                                    

I recommend listening to Ikaw at Ako by Moira Dela Torre and Jason Marvin in the middle part of the chapter:>

CHRISTINE

"San mo ba kasi ako dadalhin?" tanong ko kay Kent. Nasa biyahe kami ngayon pero ni ilaw man lang ay wala akong maaninag dahil sa blindfold na tumatabon sa mga mata ko ngayon.

Pero ni isang sagot din ay wala akong narinig mula sa kaniya.

The last thing he told me is that may pupuntahan na naman daw kami. Nonetheless, wala na siyang ibang sinabi.

Tatlong araw na lang ang natitira at Moving Up Ceremony na naming mga grade 10 kaya wala nang masyadong gawain sa school.

Karamihan sa mga estudyante ay pumupunta nalang sa school para magpa sign ng clearance. And since natapos na namin ng Kent yung samin, free na kaming pumunta kung saan saan.

Actually, plano ko talaga siyang yayain ulit na mamasyal sa boulevard pero naunahan na niya ako. And worse is hindi niya sinasabi sakin kung saan kami pupunta kasi 'surprise' nga raw.

"Heto, anong oras nalang?" tanong ko. Gusto ko siyang irapan pero useless naman yun kasi nakablindfold ako.

"Basta, maaga pa," sabi niya lang. Aba, kahit oras hindi ko pwedeng malaman? Ang alam ko lang ay pasado alas tres na ng hapon.

Ilang minuto pa ay naramdaman ko na rin ang paghinto ng sasakyan. Inalalayan niya akong bumaba and I thought he's gonna pull this thing off my eyes na pero hindi pa rin niya ginagawa.

"Wala pa ba tayo sa pupuntahan natin?" tanong ko.

"Nandito na tayo pero hindi pa natin napupuntahan yung pupuntahan natin," sabi niya dahilan para mapakunot yung noo ko.

What does he even mean? Ang gulo ha!

Sa totoo lang, kanina ko naiisip ang isang good idea. What if tumakbo ako papalayo sa kaniya para magkapalit kami ng katawan at para malaman ko na kung nasan kami?

Pero wag nalang, marami pa naman akong naririnig na mga sasakyan. Baka sa kalsada pa ako dumiretso at masagasaan ako.

Patuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa makaramdaman ako ng paggalaw ng aming kinatatayuan. Mukhang nasa elevator ata kami.

Tumunog na yung bell at narinig ko na ang pagbukas ng elevator. Inalalayan niya ulit ako sa paglalakad.

Few more steps at tumigil na rin kami. I'm not sure kung nasaan kami ngayon but the ambience seems mesmerizing kahit wala akong nakikita. The calm breeze hitting my body is already speaking its beauty.

Hindi ko na rin naririnig ang mga maiingay na sasakyan at tanging hangin na lamang at mahihinang lumalagaslas na alon ang naririnig ko ngayon.

Teka? Alon? Nasa dagat kami?

"Pwede mo na tanggalin yang tela sa mata mo," sabi niya kaya agad ko siyang sinunod.

Pero bago ko pa man tuluyang matanggal ito ay naririnig ko na ang tunog ng isang gitara.

Binilisan ko ang pagtanggal ng blindfold, dahilan para tumambad sa akin si Kent bitbit ang gitarang iyon. He was plucking its strings while smiling in front of me. Napatingin ako sa paligid at nasa isang rooftop kami.

Our Theory of 11:11Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon