Chapter 10

357 76 29
                                    

CHRISTINE

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

CHRISTINE

Madilim ang paligid at naghahari ngayon ang dilim subalit nararamdaman ko parin ang matinding pananabik ng mga taong naririto ngayon. Bakas ito sa bulong bulungan na naririnig ko ngayon na animo'y hinihintay na nila ang unti unting pagliwanag ng paligid. At nangyayari na nga aming inaasam asam. 

Unti unti ng bumubukas ang mga ilaw na ngayon ay nakatutok sa entablado. Nagkaroon ng panandaliang katahimikan sa mga tao habang hinihintay nila na magsalita ang announcer.

"And our last performer, but definitely not the least, please help me welcome, from St. Luiz High, Mr. Christian Del Rosario," narinig kong sabi ng announcer dahilan para kami lahat ay maghiyawan.

Dahan dahan ng lumabas si Kuya mula sa backstage at ngayon ay papunta na siya sa malaking grand piano na nasa gitna ng entablado. Habang naglalakad siya ay sinusundan siya ng spotlight hanggang sa makarating siya sa gitna. Nagbow siya sa amin lahat at ngayon ay papunta na siya sa piano.

Naghari muli ang katahimikan at ngayon ay hinihintay na lang namin ang pagsisimula niya sa pagtugtog. At namangha nga kaming lahat ng nagsimula na siyang magtanghal. 

Inumpisahan niya ang kanyang performance sa pagtugtog ng 'Nocturne op.9 No.2 ni Chopin.'

Maluha kong pinagmasdan si Kuya Christian sa pagtugtog. Bawat pikit niya sa kaniyang mga mata at bawat galaw ng kaniyang mga kamay ay bakas dito ang pagmamahal niya sa musika. Dati'y nakikita ko siyang parating kaharap ang kaniyang piano sa bahay at palagi siyang tumtugtog para sa akin. Ramdam ko ang simoy ng malamig na hangin sa paligid na ngayon ay tila nakikisabay sa musikang tinutugtog ni kuya.

Pagkatapos niyang tugtugin ang kantang iyon ay akala ng lahat na tapos na siya subalit nagkakamali sila. May isa pa siyang kantang tinugtog na nakapagpabagabag sa buong paligid.

"Anong title ng kantang yan?"

"Classical song ba yan?"

"Sinong nagcompose? Ang ganda naman," rinig kong bulong bulongan ng mga tao ngayon. Hindi sila mapakali habang pinagmamasdan si kuya. Pilit nilang inaalam kung anong title ng kantang siyang bumihag sa kanilang mga damdamin ngayon. Habang nababagabag sila, heto naman ako, payapa pa ring nakikinig kay kuya. Hindi katulad nila ay alam ko kung sino ang may gawa ng kantang iyan. Si kuya mismo. Siya ang nagcompose ng kantang iyan at hindi ko maitatangging napakaganda talaga nito.

Lumipas na ang oras at tapos na ang pagtatangal. Bagamat marami sila na nagtanghal kanina, may mga bata pa, may mga kasing-edad ko, at mga matatanda pero halos lahat ay nakatuon ang attention kay kuya. Yung iba, nagpapapacture, may iilang media men ding iniinterview si kuya. Pagkatapos nito, kami naman nila mom and dad ang lumapit para icongratulate si kuya.

Our Theory of 11:11Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon