CHRISTINE
Isang araw na ang lumilipas mula nung magkita kami ni Kent. Mas lalo tuloy akong naguguluhan ngayon.
Blinock niya ako sa lahat ng social media accounts niya. Cannot be reached na rin ang number niya.
May nangyari ba sa kaniya na hindi ko alam? O may nagawa kaya akong mali? Kung puntahan ko kaya siya ngayon sa bahay nila?
Agad akong naghanda at nagbihis. Nagluto na rin lang ako ng instant noodles. Maaga kasing umalis sina mommy at daddy kanina at sabi nila'y magtatake out na lang daw sila kaya walang ulam ngayon sa bahay.
Akmang aalis na sana ako nang biglang mahuli ng mata ko ang sasakyan namin na ngayon ay pinapark na sa garage. Bumaba na si mommy at sumunod naman si daddy habang bitbit ang dalawang supot.
Wala na tuloy akong nagawa kundi umupo nalang muna sa sofa.
"Halika na anak, lunch na tayo," tugon ni mommy pagkapasok niya sa bahay. Sa totoo lang, naiilang ako sa kanila ngayon.
Simula kasi nung umalis na lang ako bigla sa kwarto nila ay hindi na kami nagkibuan pa. Ngayon nalang ako ulit kinausap ni mommy.
Well, maiintindihan ko naman kung magagalit sila sakin dahil sa ginawa ko.
Tahimik na kaming kumakain ngayon. Gusto ko sanang magsorry kaso kinakain ako ngayon ng hiya ko. Ni isang salitang sorry ay hindi magawang lumabas sa bibig ko.
"Ayos lang kung may lakad ka ngayon Christine," biglaang tugon ni daddy nung mapansin niyang bihis na bihis ako.
Napatango naman ako at napangiti ng bahagya sa sinabi ni daddy. Magsasalita na sana ako kasi naunahan naman ako ni mommy.
"Siya nga pala anak, kukuha na tayo ng full time maids. Pababalikin na rin natin si Jose. Mas mabuting ituon mo na lang ang buong atensyon mo sa pag-aaral at paghahanda para sa senior high," sabi ni kommy dahilan para mapatingin kami ni daddy sa kaniya.
Sa totoo lang, medyo labag pa rin sa kalooban ko ang desisyon nila pero pinili ko na lamang huwag umangal ngayon.
"Speaking of that mommy, sorry nga po pala sa inasal ko kahapon," nakayuko kong tugon.
Nakita ko naman na napangiti si mommy sa sinabi ko."Ayos na yun anak. Naiintindihan ka naman namin," sabi ni mommy tsaka mabilis siyang tumayo. Akala ko kung saan siya pupunta pero nagulat na lamang ako ng bigla niya akong yakapin.
"Mahal na mahal kita anak," dagdag pa ni mommy pero mas ikinagulat ko 'yon dahil may pag-iyak na sa bawat salitang kaniyang binibitawan.
"Ayos lang po ba kayo mommy?" sabi ko pagkatapos niyang kumawala sa yakap.
"Ayos lang ako anak," nakangiting tugon naman ni mommy pero patuloy pa ring bumabagsak ang mga luha mula sa kaniyang mata.Nahuli ko namang lumingon siya kay daddy ng panandalian.
"Bilisan na natin ang pagkain anak. May pupuntahan tayo," sabi ni mommy tsaka bumalik na sa pwesto niya sa hapag.
_
Katulad nung mga nagdaang araw ay medyo makulimlim pa rin ang kalangitan subalit sa palagay ko'y malabo nang umulan pa ito kasi kakaulan lang din kaninang umaga.
Nakabukas lang ang mga binata ng sasakyan kaya amoy ko ang basang cemento mula sa daan, na animo'y sa matagal na panahon ay nakamit na rin nito ang ulang basbas mula sa langit.
Ang mga puno ay may mga patak pa rin ng ulan kaya bihira lang ang mga ibong aking nakikita na dumadapo dito.
Lumipas ang ilang minuto at sa bawat segundo ay naroroon din ang unti unting pagkawala ng mga puno at napapalitan na ito ng mga matataas na gusali. Nagsimula na ring bumagal ang aming pag-usad dahil sa traffic.
BINABASA MO ANG
Our Theory of 11:11
Teen FictionChristine Del Rosario's current goal in life is to study in a top university abroad. It wasn't that hard for a smart and straight-A student like her. Pero simula no'ng dumating ang mayabang at out-of-the-world kung mag-isip na si Kent Cruz, do'n na...