KENT
Okay, fine. Truth be told? Medyo nagulat ako dun sa sinabi ni Christine na upcoming performance pero pinilit kong huwag yun ipahalata sa kaniya.
"Halika, may ipaparinig ako sayong kanta," paguulit ko. Bakas sa mga mata ni Christine na para bang nagdadalawang-isip siya. Tahimik lang kami ng mga ilang segundo habang nakangiti ako sa kaniya pero kalaunan ay nagsalita rin siya.
"Ayoko," saad niya tsaka umalis. Mabilis siyang naglakad papalayo dahilan para makabalik na ako sa katawan niya. Sandali akong lumingon kay Christine na ngayon ay nasa katawan ko na. Walang kang emosyon na makikita sa kaniya ngayon. Kinuha niya lang yung guitar case tsaka isinilid na yung guitar.
_
Alas 5 na at ngayon ay nasa bench ulit ako kung saan kami huling nagkita ni Christine kanina. Balak ko sanang humingi ng sorry kung na offend ko man siya kanina kaya hinihintay ko siya ngayon. Ilang minuto na rin ang lumipas at paunti nalang ng paunti yung mga tao ngunit hindi ko pa rin nakikita ang sarili kong katawan na lumalabas mula sa main hall. Alam kong dadaan dito si Christine kasi wala naman talagang other way papasok o palabas ng school liban nalang dito.
Naghintay pa ako ng ilang minuto hangga't sa makita ko sina Ethan at Augustus. Agad akong tumayo para salubungin sila pero nagtaka ako kasi hindi nila kasama si Christine. Asan kaya siya?
"Uhm, excuse me, bakit hindi niyo kasama si Kent," tanong ko kina Ethan na ngayon ay napatigil sa paglalakad matapos ko silang harangin. Mukhang napatulala din sila sa sinabi ko. Saksi kasi 'tong dalawang 'to kung gaano kasnob si Christine sakin dati kaya baka nagtataka sila ngayon sa ginawa ko.
"U-uhm, hindi siya sumabay samin ngayon eh," pautal utal na sagot ni Ethan.
"Hindi na kami madalas magksama ngayon ni Kent. Parang bigla nalang siyang nag-iba eh. Di na namin siya masyadong nakakausap pagkatapos ng prom," sabi naman ni Augustus. So napapansin pala talaga nila?
"Saan siya ngayon?" tanong ko.
"Hindi namin alam pero huli namin siyang nakita kanina dun sa music room. Mga isang oras na din ang nakalipas," sabi ni Augustus.
Matapos sabihin ni Augustus yun ay hindi ko alam kung bakit pero bigla na lamang akong napatakbo ng mabilis patungo sa music room. Malakas ang kutob ko na baka nandoon pa rin si Christine hanggang ngayon. Pagkarating ko ay tila walang tao pero bukas ang mga ilaw at naka-on pa rin ang aircon.
Dahan dahan akong pumasok ng hindi pinapatunog ang pintuan. Nakapile na ang mga upuan. Tinakpan na rin ang piano at ibang mga musical instruments na nandito. Ibig sabihin ay tapos na magmeeting at magpractice ang music club pero bakit nakasindi pa rin ang mga ilaw?
Napatigil ako sa paglakakad ng may mapansin akong taong nakatayo sa awards museum. Isa itong room kung saan doon nakalagay ang lahat ng mga trophies, certificates at mga pictures and paintings ng lahat ng mga contest na naipanalo ng St. Luiz sa larangan ng musika at sining. Dahan dahan ko itong nilapitan at hindi nga ako binigo ng aking nararamdaman sapagkat ako ang taong iyon na nakatayo. Ibig sabihin, si Christine ang nakikita ko ngayon.
BINABASA MO ANG
Our Theory of 11:11
Novela JuvenilChristine Del Rosario's current goal in life is to study in a top university abroad. It wasn't that hard for a smart and straight-A student like her. Pero simula no'ng dumating ang mayabang at out-of-the-world kung mag-isip na si Kent Cruz, do'n na...