CHRISTINE
Wala nang nagtangka pang magsalita pagkatapos niyang sabihin sa akin 'yon. Pansin ko ring medyo naiilang na si Kent. Lumabas na kami sa karaoke room at ngayon ay nag-iikot nalang kami sa mall habang tahimik lang siyang nakasunod sa akin.
"Uuwi na ako," sabi ko nang hindi na lumilingon sa kaniya. Agad naman akong lumayo sa kaniya dahilan para mapunta na ako sa katawan niya.
Gamit ang katawan niya ay agad na akong naglakad papunta sa kabilang direksyon. Narinig ko pang tinawag niya ako pero di na ako lumingon pa.
Nasa biyahe na ako ngayon pauwi sa bahay nila Kent sakay ang isang taxi. Tulala lang ako ngayon habang nakatingin sa mga nadadaanan ng sasakyan habang naguguluhan ang isipan ko ngayon. Hindi ko pa rin maiwasang mapaisip sa mga sinabi niya sa akin kamakailan lang.
Hindi ang mga binitawan niyang salita ang bumagabag sa akin ngayon. Ang bagay na totoong bumabagabag sa isipan ko ay kung ganon na nga rin ba ang nararamdaman ko para sa kaniya sa kabila ng maikling panahon na puno ng mga unbelievable experiences.
'Di ko na namalayang tulala na pala ako at natauhan na lang ako ng huminto na ang taxi sa gate ng subdivision. Agad ko rin namang binayaran yung taxi tsaka bumaba na. Maglalakad na sana ako papasok pero bigla na lamang may huminto na sasakyan sa tapat ko na mukhang galing din sa labas.
"Sakay na bro," napalingon ako at nakita kong si Kyle pala 'yon.
Nagdadalawang isip pa ako kung sasakay ba ako o hindi. Sa totoo lang, pwede naman akong magpahatid dun sa taxi sa tapat mismo ng bahay pero pinili kong dito na lang sa entrance ng subdivision bumababa kasi gusto ko rin namang mag-isip isip habang naglalakad.
Pero sa huli ay sumakay na rin ako. Baka magtaka pa siya kung hindi ako sasabay sa kaniya. Pinili ko na lang manahimik sa sasakyan pero bigla niya akong kinausap.
"Kent?" tawag niya.
Napataas naman ako ng kilay habang nakatingin sa kaniya sa rear-view mirror.
"Matagal mo na bang kilala si Christine?" tanong niya dahilan para mabigla ako. Ba't niya biglaang tinatanong ngayon si Kent tungkol sakin?
"Bakit?" Tanong ko.
"Wala naman. I just happen to know his late brother too," sabi niya dahilan para maalala ko kong kilala niya nga pala si kuya.
"Paano niyo nga pala siya nakilala kuya?" Tanong ko. Curious lang talaga ako.
"Kaklase ko kasi siya nung high school pero hindi naman kami masyadong close," sabi niya dahilan para mapatango ako. Sabi ko na nga ba. Mukhang magka-edad din kasi sila ni kuya Christian.
_
Malalim na ang gabi at pandandalian ako ngayong tumitingin sa newsfeed ko sa facebook. Patuloy lang ako sa pagscroll nang bigla kong makita ang post ni Kent 4 hours ago. Isang poker-face emoji ito na may katabing heart.
BINABASA MO ANG
Our Theory of 11:11
Teen FictionChristine Del Rosario's current goal in life is to study in a top university abroad. It wasn't that hard for a smart and straight-A student like her. Pero simula no'ng dumating ang mayabang at out-of-the-world kung mag-isip na si Kent Cruz, do'n na...