KENT
2 Years Earlier
"Oh pare, akala ko ba matatagalan ka pa sa ibang bansa?" tanong ni Augustus. Na sa bahay lang kami ni Ethan ngayon.
Bumisita kasi agad si Augustus nung nalaman niyang nakauwi na ako. Matapos kasing makulong si dad ay dito na muna ako tumira kila Ethan.
"Huy!" tawag pa ulit ni Augustus. Mukhang natulala na naman ako.
"W-wala, hindi niya na ako naalala," sagot ko naman.
"Sino ba kasi yang tinutukoy mo?" tanong naman ni Augustus pero hindi na ako sumagot pa.
Nakalimutan na rin nila. Nag-iba na lang ang lahat pagkatapos nung huling pagkikita namin ni Christine. Nung sumunod na mga araw kasi, pumunta ako sa bahay nila pero hindi niya na ako kilala.
Kahit ang mga kaibigan ko rin ay hindi na naniniwala sa mga sinasabi ko tungkol sa kaniya. Kahit yung mga pictures namin sa cellphone ay nawala na rin.
Gusto ko alamin kung ano na naman 'tong mga nangyayari. Gusto kong malaman kung bakit biglang hindi niya na ako naaalala.
Kaya ko napagdesisyonang sundan siya sa States. Nagpanggap ako bilang Aarzoo. Niresearch ko pa yung meaning nun. Baka may maaalala siya sa mga pinagsamahan namin pagmabanggit ko yung salitang "wishes".
Pero bigo ako. Hindi niya ako naaalala. Kahit ang mga naaalala niyang bagay ay iba na rin. Wala na ako sa mga masasayang araw niya. Masakit mang isipin pero kung nangyayari ito dahil sa kapangyarihan ng 11:11, alam kong para ito sa ikabubuti niya.
Wala na akong magagawa pa kaya bumalik na lang din ako sa pinas. Marahil ay natupad yung huli niyang sinabi sa akin nung huli naming pagkikita.
Pero kung bibigyan man ako ng isa pang pagkakataong humiling, hihilingin kong sana maalala niya pa ako. Kahit hindi niya na ako kayang tanggapin dahil sa ginawa ni dad, sana hindi pa rin ako mawala sa alaala niya.
Sana maging parte pa rin ako ng nakaraan niya.
_
Nasa mall kami ngayon ng mga kaibigan ko. Balak kasi naming manuod ng sine. Ngayon na ipapalabas yung hinhintay naming Marvel movie.
Dahil medyo huli kaming nakakuha ng tickets, hindi na maganda yung pwestong nakuha namin. Hindi ko tuloy masyadong naiintindihan yung palabas.
Ilang saglit pa, nakaramdaman ako ng pagtawag ng kalikasan. Akmang tatayo na sana ako para pumunta sa cr nang biglang humatsing ng malakas yung katabi ko dahilan para mapatingin sa kaniya ang lahat.
"Hehe, sorry naninibago lang ako sa temperature. Kakauwi ko lang kasi galing abroad," sabi niya pero hindi ko masyadong marinig yun dahil nagulat na lang ako nung mapalingon ako sa kaniya.
Si Christine.
Pero, imposible, na sa States siya diba?
Mabilis na lumipas ang oras. Hindi ko na naintindihan yung buong palabas dahil tinututukan ko lang yung katabi ko kanina sinehan.
Medyo hindi klaro yung mukha niya dahil madilim. Iba rin yung buhok niya at medyo mas payat siya kung ikukumpara kay Christine.
Baka nga namalikmata lang ako.
Kasalukuyan ako ngayon gumagamit ng facebook habang hinihintay na dalawin ako ng antok. Sa totoo lang, dito ako nag-aabang ng mga balita tungkol kay Christine. Walang araw na hindi ko siya na-aalala, kabaliktaran ng mga nangyayari sa kaniya kasi wala ding ni isang araw na na-aalala niya ako.
BINABASA MO ANG
Our Theory of 11:11
Genç KurguChristine Del Rosario's current goal in life is to study in a top university abroad. It wasn't that hard for a smart and straight-A student like her. Pero simula no'ng dumating ang mayabang at out-of-the-world kung mag-isip na si Kent Cruz, do'n na...