CHRISTINE
Tumambad sa akin ang maaliwalas na puting ilaw na nasa harapan ko ngayon. It was so bright that it made my eyes close again.
Ramdam ko ang matinding pangangalay at tila napakabigat ng buong katawan ko ngayon pero sa huli ay nagalaw ko rin ang mga daliri ko.
Medyo blurry pa rin ang paningin ko ngayon at tanging ang liwanag lang ang nakikita ko.
Teka, patay na ba ako?
"Anak," dinig kong sabi ni mommy kaya dahan dahan akong lumingon sa kung saan galing ang boses niya at unti unti ko na ngang nasilayan ang mukya niya.
Patuloy ko pang ginalaw ang mga daliri ko hanggang sa may maramdaman akong naka dikit sa kamay ko.
Naka dextrose pala ako.
"Christopher, gising na si Christine, tumawag ka ng doctor," sigaw ni mommy kay daddy kaya tumakbo ito papalabas.
Gusto ko mang magsalita pero tila natutuyo ngayon ang lalamunan ko at ni isang salita ay walang lumalabas mula sa bibig ko.
Medyo masakit rin yung ulo.
Inilapat ni mommy ang kamay niya ngayon sa buhok ko at dahan dahan itong hinimas pero makalipas lang ang ilang sandali ay nagbukas na ang pintuan at pumasok ang isang lalaking doctor kasama ang dalawang nurse at si daddy.
Agad akong sinuri ng doctor gamit ang isang stethoscope at sinuri din niya ang mga mata ko.
Pagkatapos niya akong suriin ay agad naman niyang sinenyasahan sina Mommy at Daddy na sumunod sa kaniya.
Nag-usap silang tatlo pero hindi ko masyadong narinig ang usapan nila kasi nasa malayo sila. Kasalukuyan namang inaadjust ng dalawang nurse ang dextrose ko.
Nung maayos na nila lahat, agad namang lumabas yung dalawang nurse at bumalik naman sina mommy at daddy sa tabi ko.
Lumipas ang ilang oras at mag aalas sais na ng umaga. Madaling araw pa pala nung naging conscious na ako. Binabantayan lang ako ngayon ni mommy habang si daddy naman ay umalis muna para mag groceries at pumunta sa pharmacy.
Kanina pa ako niyayaya ni mommy na kumain pero umaayaw lang ako. Wala talaga akong gana. Tulala lang ako ngayon habang inaalala ang mga nangyari. I was just too tired kanina that even my brain can't process what had happen.
Pero ngayon ay unti unti ko ng naalala ang mga nangyari.
Sumakay ako ng taxi galing sa bahay. Ang naalala ko ay may gusto akong puntahang lalaki.
Pero sino siya?
Pilit ko pang inaalala ang mga detalyeng iyon pero bigla na lamang akong nakaramdam ng kaba ng unti unting may pumapasok na mga alaala sa isip ko.
Flashback...
Unti unti ng nawawala ang hangin na dumadaloy ngayon sa baga ko. Sa bawat paghinga ko ay tila napakabigat nito.
Nababalot ako sa sarili kong dugo. Pilit ko pang binubuksan ang aking mga mata ko pero unti unti ng lumalabo ang paningin ko.
Gayunpaman, bago pa man ako tuluyang mawalan ng malay ay nahuli pa ng aking mga mata ang lalaking nais kong makita matapos ang dalawang taon na hindi ko siya naalala.
Pero katulad ko, tinutulak din siya ngayon habang nakahiga sa isang stretcher, habang nababalot din ng dugo.
Nagtama pa ang mga mata namin bago tuluyang dumilim ang paligid at balutin ng itim ang paningin ko.
BINABASA MO ANG
Our Theory of 11:11
Ficção AdolescenteChristine Del Rosario's current goal in life is to study in a top university abroad. It wasn't that hard for a smart and straight-A student like her. Pero simula no'ng dumating ang mayabang at out-of-the-world kung mag-isip na si Kent Cruz, do'n na...