KENT
Sabado na ngayon at dalawang araw na rin ang nakalipas mula nung nagkaroon ng semi final exams. Wala namang masyadong nangyari nung sumunod na mga araw. Nagpiano lessons lang kami ni Christine pagkatapos ng klase. Bilib talaga ako sa kaniya kasi ang bilis niyang matuto. Kaso hanggang ngayon, hindi pa rin siya nakakapili ng kantang tutugtugin kaya sa pagbabasa ng nota at mga simpleng piano chords lang muna yung itinuro ko sa kaniya.
Dahil weekend naman, nasa bahay lang ako ni Christine ngayon at tinutulungan ang mga hired na taga-linis niya tuwing weekend. Abala sa paglilinis ang lahat habang yung iba naman ay inaasikaso yung garden.
"Ma'am Christine, narito na po yung groceries," sabi ni Aling Flore habang tinutulungan yung dalawang kasambahay na kagagaling lang sa grocery store. Napag-alaman kong siya pala ang pinaka pinagkakatiwalaan ni Christine na kasambahay.
"Ah, paki arrange nalang po doon," sabi ko sa kaniya. Natatawa din ako sa sarili ko ngayon kasi pilit kong ginagaya yung pananalita at kilos ni Christine. Siya yung medyo mahinhin lang pero may awtoridad talaga kung magsalita.
Lumipas na ilang oras at patapos na kami sa mga gawaing bahay. Magtatanghali na rin at isa-isa naring nagsi-uwian ang mga kasambahay. Nung ako nalang mag-isa, agad akong umakyat sa kwarto para kunin sana yung cellphone ko pero may biglang nagdoorbell. Nabanggit sakin ni Christine noon na wala naman daw siyang mga inaasahang bisita kaya medyo nagtataka ako ngayon kung sino ang nasa labas.
Mabilis akong pumunta sa gate para buksan iyon. Yung gate nina Christine ay yung tipong hindi mo nakikita yung nasa labas kaya hindi ko pa talaga alam kung sino talaga 'tong patuloy na nagdodoorbell.
"Sandali lang," tugon ko kaya mabilis naman silang tumigil sa pagdoorbell.
Pero nung pagbukas ko ng gate, laking gulat ko nalang ng bigla akong niyakap ng isang lalaking medyo may edad na. Sumunod rin yung babaeng medyo may edad na rin at animo'y mahigpit na maghigpit ang kanilang yakap ngayon sa akin. Magsasalita na sana ako kaso napaestatwa nalang ako ng maunahan nila ako sa pagsasalita.
"Namiss ka namin anak, kumusta ka, kumakain ka ba ng maayos? Medyo pumayat ka yata," sabi nung babae.
S-sila ba ang parents ni Christine?
"Mommy? Daddy?" Tugon ko at napatango tango naman sila.
Ibis sabihin, sila nga ang parents ni Christine. Pero bakit sila nandito? Akala ko ba, sa susunod na taon pa ang uwi nila?
"Ano yun anak?" Tanong ng tatay ni Christine habang hawak hawak ngayon ang mga pisngi ko.
Hala, anong sasabihin ko?
"B-bakit hindi po kayo nagsabi in advance na uuwi pala kayo?" Pagpapalusot ko nalang. Imposible naman sigurong alam na 'to ni Christine kasi kung alam niya na 'to, tiyak na sasabihin niya 'to sakin.
BINABASA MO ANG
Our Theory of 11:11
Teen FictionChristine Del Rosario's current goal in life is to study in a top university abroad. It wasn't that hard for a smart and straight-A student like her. Pero simula no'ng dumating ang mayabang at out-of-the-world kung mag-isip na si Kent Cruz, do'n na...