CHRISTINE
"Inumin mo na yan tsaka magpahinga ka na muna," tugon ko kay Kent na ngayon ay parang nag-aalab sa sobrang init.
Kaagad naman niyang kinuha yung paracetamol tsaka ininom kasabay ang tubig. Nasa kwarto na kami ngayon sa bahay ko. Dito na muna kami dumiretso kasi basang basa talaga kami kanina. Kaso pagdating namin dito, bigla nalang nilagnat si Kent kaya nakahiga lang siya ngayon sa kama at bakas sa kaniyang mukha ang pagdurusa ngayon dahil sa sobrang init niya. Mabuti nalang at kasya naman sa kaniya yung iilang damit ni kuya kaya yun na muna ang ipinahiram ko sa kaniya.
"Mag-init ka na lang ng tubig sa baba para mapunasan kita," sabi ko sa kaniya. Ang gusto kong iparating ay magpalit na muna kami ng katawan at siya nalang ang mag-init ng tubig sa labas total ayos lang naman ako.
"Ayoko," sabi niya lang at pumikit.
"Aba, ikaw na nga 'tong binibigyan ko ng favor eh. Tinatamad ka bumaba? Sorry ha, hindi ko kasi kakayanin na ako pa mismo ang gagawa nun pagnagkapalit tayo ng katawan knowing na mafefeel ko ang lagnat mo," pagsusungit ko sa kaniya. Akmang tatayo na sana ako pero bigla niyang hinila ang braso ko dahilan para mapalapit ako sa kaniya ng husto.
"Kaya nga eh. Huwag kang aalis sa tabi ko para 'di mo maexperience 'tong lagnat. Ayos lang ako," tugon niya at ngumiti sa akin dahilan para maistatwa ako ngayon sa posisyon ko. Nakahiga siya ngayon at tinititigan ako habang nakaupo sa kama. "Please? Ayoko lang kasi maramdaman mo 'tong lagnat ko pagnagkapalit tayo ng katawan," dagdag pa niya at pilit na inaabot ang buhok ko para tapikin.
Bigla na lamang tumibok ng malakas ang puso ko dahil sa sinabi at ginawa niya na animo'y nakikipagkarera ito sa isang matulin na sasakyan.
"Sige na nga, dito lang ako sa tabi mo," sabi ko nalang at lumayo ng konti sa kaniya. Pagkatapos nun ay ngumiti lang siya sa akin at pumikit na muli.
Hindi ko alam kung bakit pero hindi ko mapigilan ang sarili ko na pagmasdan ngayon ang hubog ng maginoo niyang mukha. Hindi ko rin alam kung bakit pero napangiti na pala ako habang pinagmamasdan siya ngayon na tila natutulog na ng mahimbing.
Bigla ko tuloy naisip yung sitawasyon namin? Hanggang kailan pa ba namin susuungin ito? Sa tuwing magkalayo kami, ang weird ng lahat. Pero sa tuwing magkalapit kami, yung literal na magkalapit, animo'y nagiging normal ang lahat. Malalim na pala ang gabi pero pansin kong wala pa ring tigil ang pagbuhos ng ulan sa labas. Siguro bukas nalang ako mageexplain kay Kyle kung bakit di ako nakauwi ngayon. Siguradong nagaalala na yun kay Kent.
Inabot ko ang aking cellphone ngayon para magfacebook sana pero bigla na lamang umilaw ang mahiwagang aklat. Sa totoo lang, kaya pa ako hindi natutulog ngayon kasi hinihintay ko talaga ang muling pagliwanag nito. At hindi naman ako nabigo kasi katulad ng dati ay muli nga itong nagliwanag. Agad ko itong nilapitan. Medyo malapit lang naman ang mesa sa kama kaya hindi naman kami nagkapalit ng katawan ni Kent. Dahan dahang may namumuong sketch sa aklat at katulad ng dati ay may nakasulat muling mga salita sa ibabaw nito.
BINABASA MO ANG
Our Theory of 11:11
Teen FictionChristine Del Rosario's current goal in life is to study in a top university abroad. It wasn't that hard for a smart and straight-A student like her. Pero simula no'ng dumating ang mayabang at out-of-the-world kung mag-isip na si Kent Cruz, do'n na...