=|CHAOS POV|=
Nandito ako ngayon sa kwarto ko, nag-iisip ng paraan para makabawi sa Sophia na yun. Wala pang nakakagawa ng nagawa nya kanina, wala pang nangbara-bara sakin, kahit na ang magulang ko ay hindi pa yun nagawa.
Paano nga ba magagawa eh parati namang wala ang mga iyun?.
"Ijo" nalingon ko ang pinanggalingan ng boses at nakita ko si Nanay Minda
Sya ang tumayong magulang ko Simula pagkabata, sya ang nagtatanggol sakin, nag-aalaga tuwing may sakit, kahit nga walang sakit ay sya pa rin ang nag-aalaga sakin at higit sa lahat, sya lang ang nakakakilala ng tunay na ako. Sya lang ang nakakakilala sakin na maging ang magulang ko hindi ako kilala.
Paano nga ba nila ako makikilala kung wala naman silang balak kilalanin ako? Ang mahalaga lang sa kanila ay ang trabaho nila at ang nakakatanda kung kapatid. Ano pa nga bang aasahan ko? Isa lang akomg bastardo.
Tama na nga ang drama!.
"Nay Milda" tawag ko sakanya, lumapit ito sakin at sinuklayan ang buhok ko gamit ang kaliwang kamay nya
"May problema, hindi ba ijo?" Kitam, kilala nya ako at alam nya tuwing nagsisinungaling ako
"Hindi naman po ganun kaseryoso" sagot ko sakanya
"Pero sa itsura mo kanina parang ang seryoso, ano nga yun ijo? Sabihin mo na sakin" pangungulit nya
"Sige na nga po, pasalamat kayo at mahal ko kayo" sinabayan ko pa ng tawa at kindat
"Ikaw talagang bata ka! Matanda na ako at hindi na uubra ang charm mo, maghanap ka ng kasing edaran mo" iiling-iling pa sya ng sinabi nya yan at tumawa
"Eh paano kapag ganito?" Tanong ko sakanya at umaktong bata, nakasimangot lang naman ako at pinangusap ang mga mata
"Hahaha, ikaw na ang panalo pero ano nga ba ang problema?" Pagsuko at tanong nya sakin
Malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko at tumingin sa kawalan
"Pumasok lang po sa isip ko sina dad and mom" sagot ko na nagpatahimik sakanya at nagpahinto
"Bakit naman bigla- biglaan silang pumasok sa isip mo?" Tanong nito sakin
Bakit nga ba?
"Kanina lang po kasi ay iniisip ko yung babaeng siaraulong mayblakas ng loob na bara- barahin ako na kahit sino ay wala pang nakagawa, kahit ang magulang ko. At duon ko naalala na paano nga ba nila magagawa iyun eh parati naman silang wala rito" sagot ko sakanya.
"Ijo, intindihin mo ang magulang mo, para rin naman sayo ang mga ginagawa nila, nagtatrabaho sila para sa hinaharap mo, ninyo ng kapatid mo" ng dahil sa pagbanggit ni Nanay Minda sa kapatid ko ay mas lalo akong nakaramdam ng pagkalungkot
"Yun na nga eh" pagak akong natawa "Ang kapatid ko"
Hindi na nagsalita si Nanay, dahil siguro naramdaman nya na ayoko ng makipag-usap lalong- lalo na kung mapapasama sa usapan ang kapatid ko.
"Nanay, puntahan ko muna ang mga bata ha" hindi ko na hinintay ang isasagot nya at dali daling umalis dala ang wallet, cellphone at susi ng kotse ko
Namiss ko na ang mga bata
Huminto muna ako sa grocery para bumili ng pasalubong sakanila. Chocolates, Chips and Candy lang naman. Sinamahan ko narin ng mga pangluto na maari nilang maluto para sa mga bata, siguro pati laruan at iilang libro pang bata.
Subalit kapag minamalas ka nga naman oh!_
"Oh? Hi Chaos" masayang bati nya sakin "Di ko akalain na pumupunta ka sa ganitong klaseng lugar, ano bang libro ang mga binili mo" tanong nya at bago ko pa maitago ang mga fairytale books ay nakita na nya at pinagtawanan ako.
"Di ko alam na ganyan ang hilig mo hahahaha" tss nalang ang nasagot ko sakanya at inis na umalis sa harap nya.
Pupuntahan ko nalang ang mga bata para mawala ang inis at lungkot ko, at least kapag nandun ako, walang sino man ang titingin sakin na tila ako na ang pinakamasamang tao, at least, hindi ko kailangang maging the great kundi isang ordinaryong tao lang.
BINABASA MO ANG
All Started with the Dare
General FictionHe is the coolest guy in their University, he's rich, popular, and every girls dream guy. He's Chaos Kellion Knivestone known as the great Chaos in every girls life. He's life was perfect until he was dared by his friends to court the famous Uni...