C12 E: Nobita

76 4 0
                                    

=|SOPHIA POV|=

Good Morning" pagmulat ko palang ng mata ko ay bumungad kaagad sakin si Sensui. Wait, sino? Si Sensui? Anong ginagawa nya sa kwarto ko?.

" Anong ginagawa mo rito? Pano ka nakapasok sa kwarto ko?!" Sigaw ko sa kanya sabay balikwas sa pagkakahiga.

" Pumasok ako sa pinto, tapos nakapasok na ako" sagot nya sakin na may tinging, Isn't it obvious?. Tinignan ko sya ng masama pagkatapos ay binato sya ng unan.

"Bwisit ka, umayos ka ng sagot. " sigaw ko ulit sa kanya at muli syang pinagbabato. Loko 'to! Bwisit.

" Hey wait! Philo stop!" Rinig kong sigaw ni Keah mula sa labas.

" Keah? Ba't ka nandito?" Gulat na tanong ko sa kanya. " At bakit nandito ang lalaking yan! Keah, hindi nyo na ba ako mahal at ibinibigay nyo nalang ako kahit kanino?" Madrama ko pang tanong. Lumapit sya sakin akala ko ay yayakapin nya ako pero binatukan ang natnggap ko.

" Gaga ka! Hindi mo ba alam pinaggagagawa mo kagabing babae ka!?" Tanong nya sakin na inis na inis. Huh? Ginawa ko kagabi?

" Sinukahan mo si Sensui kagabi at nagkalat ka sa daan habang pauwi, hindi mo ba naalala?" Tanong nya ulit sakin. Talaga? Totoo ba ang sinasabi ni Keah? Pero? OHM my god! Napakagat nalang ako ng labi, naaalala ko na.

Flashback....

" Philo, wag kang mag-alala poprotektahan ka namin" pagchicheer up sakin ni Kendra.

" Lokong matanda yun, balak pa nyang kunin ang ganda mo? Manigas sya!" Dagdag ni Pia.

" Buti nalang nandun si Sensui, kundi baka nakuha ka na nya" dagdag ni Shaira.

" Salamat sa inyo" nasabi ko nalang. This is the second time na nakarinig ako ng poprotektahan ako ng ibang tao. Ayaw kong umasang magkakatutoo yun pero hindi ko mapigilan. Hindi ko parin makalimutan ang nangyari, muntik na ako kanina, muntik na'kong makuha ni Diego kanina.

" Sshhh, don't cry. We're here now, Philo. We're here" pagpapataha sakin ni Sensui.

  Pinunasan nya ang luhang kong hindi ko namalayang kumawala na pala sa mga mata ko. Pero imbes na tumigil ay mas napahagulgol pa ako ng iyak. Why is this happening to me?, bakit sakin pa? Bakit ako pa?.

" Philo naman eh, naiiyak rin kami" reklamo ni Kendra.

" I'm.. So..rry" sabi ko sa pagitan ng paghikbi ko.

" Alam mo iinom nalang natin yan!" Suhestyon ni Pia na sinang- ayunan ng lahat.

" Kayo nalang, hindi ako nag-iinom. Ayaw ko" sagot ko.

" Ano ka ba, ikaw ang may problema dapat ikaw nag-iinom sasamahan ka lang namin" sabi naman ni Kendra.

" Hindi na, salamat nalang" sagot ko ulit pero mapilit sila.

" Sige na, kailangan mo yan" sabi ni Keah. Himala dahil sya pa ang nagturo sakin mag inom ngayon.

" Sige na, tikman mo lang" sabi ni Shaira. Wala na akong nagawa kundi uminom. Pero ang tikim na sinubukan ko ay nakaubos ako ng ilang bote.

" Isa pa!" Sabi ko at tinaas ang bote. Sinubukan kong tumayo pero parang cotton ang paligid ko, ay hindi pala parang goma, ay slime pala. Tinignan ko ang mga kaibigan ko at natawa ako nang mukha nila Doreamon, Soneo, at Nobita ang nakikita ko.

" I'm in a doreamon world!" Sigaw ko at nagsasasayaw. Pero may humawak sakin at umalalay sakin.

" Tama na, lasing ka na!" Sabi nya na boses ni Nobita.

" Nobita!? Ba't wala ka yatang salamin?" Tanong ko sa kanya sabay tawa. " Ang cute mo!" Sabi ko tapos pinisil ang pisngi nya. Pero hindi yata pisngi yung nahawakan ko. Butas yata ng ilong yun eh.

" Philo, uuwi na tayo. Lasing ka na" sabi ulit ni Nobita

" Ayaw ko!" Sabi ko at tinulak ko sya. Tumakbo ako pero natumba ako, grabe para talaga akong nasa slime world, ang lambot ng inaapakan ko. Tatayo na sana ako pero may swimming pool kaya lumangoy ako. Lumalangoy ako nang may humawak sakin, si Nobita nanaman.

" Nobita, hindi ako si Sizuka kaya bitawan mo ako. " sabi ko pero hindi nya ako binibitawan.

" Kilala mo ba ako? Ako si Philo, Philo Sophia. Hindi ako si Sizuka" sabi ko pa sa kanya at akmang tatayo pero sumakit yung tyan ko. Pinilit kong pigilan pero di'ko nagawa. Sumuka ako, hindi lang isang beses paulit-ulit.

Habang naglalakad ay nakakita ako ng pilay. Bumitaw ako kay Nobita tapos nilapitan si Kuyang pilay. Halos gumapang na ako kase feeling ko gumagalaw yung inaapakan ko e.

" Kuya? Kaya mo po ba magtambling?" Tanong ko pero may humatak sakin. Sindi lang si nubita lima na sila ngayon. Tumawa nalang ako ng tumawa.

End of flashback...

Namula ako't hindi makatingin ng diretso kay Sensui. Pero narinig ko ang pagtawa nya.

" I think she remembered everything last night" sabi ni Sensui. Dahan - dahan kong inangat ang tingin papunta sa kanya.

" Sorry" hiyang - hiya kong sabi.

Ayaw ko nang tumingin sa kanya. Nakakahiya, ano bang katangahan ang pinaggagagawa ko!? Hindi na talaga ako mag-iinom..

" Tanong ko lang," tinignan ko ulit sya. " Kamukha ko ba si Nobita?" Tanong nya. Bigla akong natawa pero pinigilan ko yun.

" Sorry na... Sensui" sabi ko at nagpeace sign pa. Tumawa lang sya't ginulo ang buhok ko.

"Mamaya, samahan mo ako. Magpi-paint ako_at magreready para sa exhibit kong gaganapin sa susunod na sabado" sabi nya. Painting exhibit, i like it. Agad akong tumango.

" Di'ba may party yun?" Tanong ko na tinanguan nya.

" Kasama ako?" Tanong ko ulit. Ngumiti sya't tumango. Yes! Hahaha sasama ako sa sosyalin na event.

" Bilhan mo 'ko nang damit, mayaman ka naman eh!" Sabi ko at lumabas na. Gutom nako, kakain nako...



~•~

KyuT|A.A.

All Started with the DareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon