=| SOPHIA POV |=
Naghahanap ako sa bookstore ng bagong librong mabibili. Feeling ko kase ay kulang na yung collection ko.
Namimili ako ng mga bagong labas ng paburito kung author nang mapadaan ako sa fairytale books, bigla kong naalala yung anime na napanuod ko, yung Cinderella na anime adaptation. Pero, hindi ko inaasahan ang taong nakita ko. It's Chaos at may hawak syang libro.
Wow naman, sa 1 month na naging kami hindi ko alam na nagbabasa at mahilig rin pala sya sa libro?.
"Oh? Hi Chaos" masayang bati Ko sa kanya. "Di ko akalain na pumupunta ka sa ganitong klaseng lugar, ano bang libro ang mga binili mo?" Tanong ko sa kanya pero grabe ang pagpipigil ko sa tawa ko nang makita ang hawak nyang libro pero ang ending_ hindi ko napigilang mapatawa. Eh, sino ba naman kase, kahit sino kayang makakita kay Chaos sa gantong sitwasyon ay matatawa. The Great Chaos in every girls life is buying fairytale books at little mermaid pa ah!.
Inaasahan ko nang makikipagbangayan sya pero hindi yun nangyari. Inirapan nya lang ako. Tsk, yun lang ang narinig ko tapos pumunta na syang counter, tapos sabay labas ng bookstore.
Totoo ba to? Si Chaos ba talaga yung nakita ko?. Wait, ma-check nga, baka hindi sya yun eh.
Nilapag ko muna lahat ng libro sa kung saan pagkatapos nagmadali akong pumunta sa labas para icheck kung si Chaos nga ba yun. Pero, kilalang - kilala ko yun e, sya talaga yun. Pero... Ayt, nasaan na ba yun?.
Inikot ko ang tingin sa labas pero hindi ko nakita si Chaos. Hanggang sa makarinig ako ng makina ng sasakyang pinapagana ang makina, and boom! Sasakyan yun ni Chaos.
Sabi na, sya yun eh. Nagmadali akong naglakad para lapitan ang kotse ni Chaos pero nakaandar na yun paalis. Hahabulin ko pa sana pero may nabunggo ako, ay hindi nakabunggo ko pala. Nabunggo rin kase nya ako eh, diba ang gulo. Basta, nagkabungguan kami, yun na yun.
Nahulog nya ang dala nyang plastic bag na naglalaman siguro ng pinamili nya sa bookstore. Palabas palang kase sya. Mga paintbrush, paints na iba't- ibang kulay at papel na blangko. Sa dami ng paintbrush na nahulog ay tinulungan ko na syang mamulot.
" Sorry ah" paghingi ko ng paumanhin habang tinutulongan ko syang mamulot. Tumingin ako sa kanya pero hindi sya nakatingin sakin dahil abala sya sa pagpulot ng mga paintbrush na nasa lapag parin kaya tumingin nalang ulit ako sa mga pupulutin pang paintbrush.
" It's ok, don't worry" sagot nya. Medyo maganda ang boses nya ah, in fairness singer siguro to.
Hindi ko na sya tinignan nung nagsalita sya dahil pinulot ko yung paintbrush na nasa kalayuan. Last na paintbrush na yun kaya nung napulot ko na ay tumayo na ko. Sakto naman at tumayo narin si Mr. Paintbrush guy. Hindi ko pa alam name nya kaya ginawan ko nalang ng nickname.
" Thanks for your help" pasalamat nya sakin dahilan para salubungin ko sya ng tingin. And I didn't expect this thing. For God sake, ang pogi nya mga pre!.
" Ah, ano... Ano... Ano nga yung sasabihin ko?" Grabe nakalimutan ko sasabihin ko sa sobrang pogi nya. Hula ko hindi 'to Pilipino, o half foreigner. Ang puti nya at para syang anime character. Japanese to for sure.
" A..lam ko na, your welcome pala" sabi ko.
" Ah, ok. By the way, I have to go now. I'll be late to my meeting" sabi nya. Meeting? Ano to, busy-ng business man ganun? Eh kasing edad ko lang naman sya ah?.
" I'm a painter. I have a meeting for my next exhibit " sabi nya na nahalata yatang nagtataka ako sa sinabi nya. Napatango -tango nalang ako.
" Ok, babye nalang pala. Goodluck sa meeting and exhibit narin" sabi ko nalang dahil mukhang nagmamadali nga sya.
" If that's it, k bye" sabi nya't kinawayan ako kaya kinawayan ko rin sya. Pero nakakailang hakbang palang sya ay tumingin ulit sya sakin.
" I almost forgot, I'm Kiryushi Sensui." Nakangiting pagpapakilala nya.
" Philo Sophia, nice meeting you Mr painter" pagpapakilala kong ikinangiti nya.
" Philo Sophia, I think I won't forget your name. Your name is kind of art, beautiful name" sabi pa nya bago sya ulit magpaalam at tuluyang umalis.
Mmn, Kiryushi Sensui? Sounds like Japanese name, sabi na e.. Hahaha talas ng instinct ko. Pero, parang nakita ko na sya somewhere before, di ko lang maalala kung saan.
Pero pogi nya talaga. Pwede syang gumanap na character kay Conan, kulang nalang yung salamin e.
.................
" Ang pogi talaga nya, para syang anime character" pagkukwento ko kina Keah.
" Shaira, you think nagsasabi ba ng totoo itong si Philo? " tanong ni Keah kay Shaira na parang nagdadalawang isip rin kung maniniwala ba sakin o hindi.
" Anong name? Tanong ni Kendra na kumakain ng popcorn habang nagi-scroll ng cellphone.
" Sabi nya, Kiryushi Sensui" sagot ko. Tumango si Kendra pagkatapos ay iniharap sakin ang cellphone nya.
" Saan dyan?" Tanong nya. Tinignan ko ang cellphone nya't tinignan ang mga profile na naroon. Sinerch talaga e.
" Ang papangit naman nyan, wala dyan" usal ko.
" Arte mo!, ganda ka te?" Singit ni Pia. " Patingin nga!" Inagaw nya yung cp kay Kendra.
" Bhe, ang papangit nga." Bulalas nya nang makita yung nasa cp ni Kendra.
" Maka panget ka ah, ganda ka!? Ganda ka?" Ganti ko sa kanya na inirapan nya.
" Duh, kahit pa nagsasabi ka ng totoo tyak na mas pogi naman for sure dun si Prince Chaos kellion" sabi ni Kendra.
Ba't nanaman kaya nasama sa usapan si Chaos. Ayt, nako nako... Pero, oo nga noh? Sino kayang mas pogi, si Chaos o si Sensui?. Mnn... Ang hirap mamili, pero bakit ko ba pinahihirapan ang sarili ko e labas na'ko dun.
" Mukhang hindi naman nagsisinungaling si Philo e" si Shaira naman ang nagsalita na ngayon lang sinagot ang tanong ni Keah.
" K, naniniwala nako kay Philo." Deklara nya na nagpangiti sakin. " Pogi ba talaga? " tanong nya.
" Opo naman yes, yep yep!" Taas noong sagot.
" Claim estimate?" Tanong nya.
" 99.99 percent" sagot ko.
" Bakit need mo pa ng alpha na 0.001?" Tanong nya." Kase, i need to make sure. Yes to Null Hypothesis ako" sagot ko.
" So, you're not hundred percent sure huh?" Sabi nya.
" Mmn, dun nako sa realistic" sabi ko.
" My ghad!" Sabay kaming napatingin ni Keah kay Shaira.
" Ansabe? Estimate claim?" Tanong ni Kendra.
" Null daw? Ano yun yung horror movie na may madre?" Tanong ni Pia.
" Bugok! Nun yun!" Puna ni Shaira kay Pia.
" Basta naintindihan ko lang yung Alpha, anong related sa taong lobo ang pinag-uusapan nyo?" Dugtong ni Shaira." Hey, Statistics yun" sabay naming sabi ni Keah. Ano ba tong mga kaibigan naming to?. Bakit ba kami nagkaroon ng mga kaibigang kasing bugok ng tatlong itlog nato?. Ay sus ko po.
"Stat nanaman? Kayong dalawa kung hindi law ay STatistics naman ang way ng pag-uusap nyo! Nakakabobo naman kayo kasama" reklamo ni Kendra.
" Sana all matalino diba?" Sabi ni Shaira.
" Sana ol, kamag anak ni Einstein!" Si Pia naman.
" Sa susunod sabihin nyo nalang samin kung ayaw nyo kaming isama sa usapan at aalis nalang kami, hindi yung gagamitin nyo yang mga utak nyong pagtinabi sa utak namin ay nagmumukhang kulangot yung utak naming tatlo" reklamo ulit ni Kendra. Natatawang napahawak nalang kami sa noo ni Keah. My gad, what happen to the Philippines?.
" Mga bhe bhe, kahit ganyan kayo ka bugok, mahal namin kayo" sabi ko namang na umaaktong umiiyak.
" Mabuti naman" sabi ni Kendra.
" Mahalin mo lang kami" si Shaira.
" Sayang naman yung mga libre namin sayo kung hindi mo kami mamahalin" si Pia naman na ikinatawa naming lima.
BINABASA MO ANG
All Started with the Dare
General FictionHe is the coolest guy in their University, he's rich, popular, and every girls dream guy. He's Chaos Kellion Knivestone known as the great Chaos in every girls life. He's life was perfect until he was dared by his friends to court the famous Uni...