=|SOPHIA POV|=
"Si Chaos naaksidente!"
" Chaos, malala nasa ospital."
" Si Chaos, 50/50 na" mga naririnig ko habang naglalakad ako. Ba't puro Chaos ang naririnig, ano bang nangyayari?. Nagsisimula na 'kong kabahan.
" Sophia..." umiiyak na bungad sakin ni Kendra. Pati yung tatlo ay balisa at namumutla.
" Bakit, ano bang nangyayari?" Tanong ko sa kanila pero matagal bago sila makasagot.
" Sophia, si Chaos... Wala na sya!" Nang marinig ko ang sinabi ni Kendra para akong nabingi. Hindi kaya, hindi kaya kasalanan ko 'to?.
Sinubukan ko lang namang layuan sya eh. Lumayo ako para makalayo rin sa uncle nya, naalala ko pa paglabas ko sa bahay ni Chaos. Nakita ko ang uncle nya, mabuti nalang at nakalayo agad ako kung hindi, makikita ako ng uncle nya. Kailangan kong lumayo kay Chaos, wala akong ibang purpose kundi makalayo kay Diego. But, pagkatapos nung mga sinabi kong yun? Wala namang ibang ibig sabihin yun eh. Chaos, bakit naman ganto?.
Nanginginig ang buo kong katawan habang tumatakbo papunta sa ER. Bumagal lang ang paghakbang ko nang huminto sina Kendra sa isang ER, nag-aalisan na ang mga doctor kaya sinalubong ko yung isa.
" Doc, kamusta po sya?" Si Keah ang nagtanong.
" Kayo ba ang kamag-anak ng pasyente?" Tanong ng doctor.
" Opo" si Pia ang sumagot.
" He's death" sagot ng doctor bago umalis.
Naiwan kaming walang imik, wala sa sariling napatingin ako sa loob. Nakabalot na sya ng puting kumot, totoo ba to?. Pero bakit? Bakit ang aga naman?. Hindi ko mailabas ang luha ko dahil sa sobrang hindi ako makapaniwala sa mga nangyari. Kung totoo 'to, kasalanan ko lahat ng ito.
Hanggang sa natagpuan ko nalang ang sarili kong hawak ang bibig at pigil ang mapaiyak.
" Hoy, gago ka! Gumising ka dyan. Wag mo 'kong pinaglololoko, ulol ka!" Mura ko sa kanya pero hindi sya gumalaw. Ayaw kong alisin ang takip nya sa mukha, ayaw ko. Hindi pa sya patay di'ba? Di'ba hindi?.
" Chaos naman eh, wag mo namang gawin sakin to! Loko ka! Bumangon ka!" Sigaw ko na pinagsusuntok sa katawan ang nakahigang lokong 'to. Bakit naman ganto!" Hindi ko na napigilan ang luha ko, napaluhod nalang ako habang sinusuntok parin si Chaos.
" Philo..." boses iyun ni Kendra na hinahaplos ako sa likod.
" Philo, sorry..." sabi ulit ni Kendra. Rinig ko ang bulungan nila, bulungang nagsisisihan.
" Philo, alis na tayo rito?" Si Pia iyun.
" Hindi... Hindi ako pwede umalis. Kasalanan ko 'to eh... Ako ang may kasalanan ng lahat" sabi ko.
" No, Philo. Kami, kami ang may kasalanan" pagtatama sakin ni Shaira.
" Tara na, bago pa dumating mga kamag anak nya" sabi naman ni Kendra.
" They're right, Philo. We should go now" si Keah naman iyun na kinainis ko na.
" Sabing hindi ako aalis eh, kailangan kong humingi ng tawad sa mga magulang nya!" Sigaw ko at tinapunan sila ng matalim na tingin. Pero namutla ako nang makita ang isang taong hindi ko dapat makita.
" Philo Sorry...!!" Nag-iiyakan na ang apat kong kaibigan. Natulala ako, hindi ko alam kung anong iisipin ko.
" Pagsiselosan ko ba yang pangit na yan?" Tanong ni Chaos sakin. He's alive? But, who's this. Damn it!.
Napalunok ako napaatras nang makita ang lalaking kanina lang ay iniiyakan ko. Hindi yun si Chaos. Kayong apat kayo, sabi nyo patay na si Chaos!?. Mamatay ako sa inyo ng maaga! Gusto kong sigawan ang apat pero nadala ako ng inis kay Chaos.
" Gago ka! Walang hiya ka! Bwisit ka!" Mura ko sa kanya.
" Akala ko patay ka na! Mamamatay ako sa takot sayong lintik ka. Grabeng sisi ko sa sarili ko tapos malalaman ko buhay ka! Hinayupak ka talaga!" Sigaw ko sa kanya saka sya pinagsusuntok.
" Hey, hindi nga ako namatay sa aksidente papatayin mo naman ako!" Reklamo nya. Sinuntok ko pa sya ng mas malakas.
" Papatayin talaga kita! " sigaw ko tapos tinulak sya. " Loko ka!" Sigaw ko bago ako tumakbo palayo.
Bwisit, grabe akala ko patay na sya. Ang sakit sa puso nun ah. Tinutuyo ko ang luha ko habang nasa labas ako ng ospital nang makita ko ang isang napakalaking bangungot sa buhay ko. Si Diego, napaatras ako't handa nang tumakbo pero nahawakan nya ako.
" Found you!" Sabi nya pagkatapos ay hinila ako.
" Bitawan mo ko! Tulong..." sigaw ko habang nagpupumiglas.
" Philo..." rinig kong sigaw ni Keah.
" Sophia..." si Chaos yun. Nagmadali sya't patakbong tinungo kung nasaan ako pero mahuhuli sila. Nakarating na kami ni Diego sa sasakyan nya.
" Sakay!" Utos nya sakin.
" Ayaw ko! " sigaw ko at nagpumiglas. Pero masyado syang malakas. Makakapasok na sana ako sa sasakyan pero isang lalaki ang sumuntok kay Diego.
" Sensui!" Bigkas ko sa pangalan nya. Nakipagsuntukan sya kay Diego hanggang sa natalo nya si Diego.
" Let's go, Philo" tawag sakin ni Sensui kaya mabilis akong lumabas ng sasakyan.
" Salamat dumating ka!" Humahagulgol kong sabi habang yakap sya ng mahigpit.
" Philo..." rinig ko ang boses ng tatlo kong kaibigan. Tumingin ako sa kanila at bumitaw sa pagkakayakap kay Sensui.
" Ok ka lang ba? Umalis na tayo " si Keah yun na agad akong niyakap. Niyakap rin nila ako pabalik.
" Umalis na tayo rito, tara na Philo" napatingin ako kay Sensui. Nakalahad ang kamay nya na agad kong tinanggap.
" Sophia.." sa wakas narinig ko si Chaos. Tinignan ko sya pero ang malungkot na mga mata nya ang bumungad sakin.
" Sumama ka na sa kanya. Mag- ingat ka. " sabi nya na malungkot ang tono. " Sensui, Protect her please" pakiusap nya kay Sensui.
" Kahit hindi mo sabihin gagawin ko" sagot ni Sensui pagkatapos ay giniya nya na ako paalis.
BINABASA MO ANG
All Started with the Dare
General FictionHe is the coolest guy in their University, he's rich, popular, and every girls dream guy. He's Chaos Kellion Knivestone known as the great Chaos in every girls life. He's life was perfect until he was dared by his friends to court the famous Uni...