=|SOPHIA POV|=
"Yun din ba ang tingin mo? Sasaktan ko ang taong mahal mo?"natigilan ako nang marinig ang sinabi nya.
Ako? Mahal ko si Sensui?.
Saan nanggaling ang pinagsasasabi nito? Magsasalita na ako para itama ang sinabi nya pero naalala ko yung mga panahong kasama ko si Sensui.
Sya ang nagsilbi kong tagapagtanggol, proteksyon, and I don't know if I can still stand on my own without him. I want him to protect me forever. Oo, mahal ko sya dahil ayaw kong mawala sya sa tabi ko. Mahal ko sya dahil mahal nya ako, mahal ko sya bilang isang tagapagtanggol ko.
Tumango ako, tinignan ko muna sya sandali bago umalis. Bago ko buksan ang pinto muli ko syang tinapunan ng tingin at dun ko nakita ang pagdaloy ng luha nya mula sa kanyang mga mata.
Bakit? Bakit sya umiiyak? Anong dahilan? Para saan?. Gusto ko syang tanungin pero mas pinili kong wag nang makialam at umalis nalang.
"Philo" tawag sakin ni Sensui na mukhang papunta rin sa clinic kung nasaan si Chaos, kakalabas ko lang ng pinto kaya bakas sa mukha ni Sensui ang pagtataka.
"So, you're the one who sent him here" hindi yun tanong kundi paninigurado. Tumango ako, dahilan para bumuga sya ng hangin.
"Ano pa bang aasahan ko?" Nagpantay ang kilay ko nang marinig sya.
"Huh?" Tanong ko nalang.
"You don't know?" Tanong nya na tinanguan ko.
"Remember it, sweetheart" nakangising sabi nya sakin bago naglakad palayo.
"Hey, Sensui. Hintayin mo ako!" Tawag ko sa kanya at hinabol sya pero ang kumag feel na feel magpahabol. Binilisan yung pagtakbo.
"Wag ka nang tumakbo!" Nanggigigil na sabi ko sa kanya habang sya ay namimilipit sa sakit dahil sa nakapilipit nyang tenga na hawak ko.
"Aray.... Oo na... Hindi na!, bitawan mo na ako" Nakapikit ang isang matang pakiusap nya.
"Hmmn? Ayaw ko nga" tatawa- tawang sabi ko.
Napapikit nalang ako nang hatakin nya ako at pinaikot, ngayon sya na ang nasa pwesto ko kanina at nasa pwesto na nya ako. Ilang sandali pa ay nakarinig ako ng sigawan....
"Is that the flirty woman?"
"Sya yung ex ni Chaos di ba?"
"Tsk, tsk, ngayon si Sensui naman? Malandi talaga"
Nagkusa na akong kumawala mula sa pagkakakulong sa bisig ni Sensui at hinarap ang mga babaeng nakapalibot samin.
Nakita ko ang bolang bahagya pang gumugulong, kung tama ang hinala ko ay binato nila ako pero si Sensui ang sumalo.
Tumama ang tingin ko sa mga babae, tinignan ko sila mata sa mata isa-isa.
"Who the hell, did that thing?" Matapang na tanong ko. I know, Sensui is my protektor but in this situation? Kaya ko ang sarili ko.
"I said who!?" Sigaw ko. Naghiyawan ang mga kalalakihan at ang mga babae naman ay hindi makapaniwala.
"Them!" Sabay - sabay na turo ng mga lalaki sa tatlong babae. The campus queen and her ipokritas.
"I think you can handle them alone?" Rinig kong bulong ni Sensui sakin. Nngumiti ako't hinarap sya.
"Basta ba ikaw bahala sa babayaran kapag may mga nasira" nagpapacute na sabi ko.
Tumango sya kaya buo ang lakas loob na nilapitan ko ang tatlong nangahas na batuhin ako. Sorry nalang sila but I'm not a weakling girl that they expected. At mas lalong hindi ako banal na ubod ng bait.
"Let me talk to you bitch!" Panimula kong dahilan ng hiyawan.
"How dare you_" sasampalin sana nya ako pero nasalo ko ang kamay nya.
"Bago mo ako sampalin pwede bang mag alcohol ka muna. Baka kase may virus ka. Mahilig ka sa exotic, remember? Exotic sizes?" Nakangising sabi ko.
Muling naghiyawan ang mga nanonood kaya mas lalong nainis ang babaeng 'to. Yung dalawang kaibigan nya ay hinawakan ako sa magkabilang kamay at itong babaeng nasa harap ko ay malaya akong sinampal.
Ngumisi ako bago tapakan ang paa ng dalawang alepores nya. Nabitawan ako ng dalawa kaya malaya ko syang nasipa sa sikmura.
Pipigilan pa sana ako ng dalawa nyang alipores pero maagap ko silang nahawakan sa buhok at pinag - untog. Sabing kalahi ako ni super man eh, 'di ba?.
Nilapitan ko ulit yung campus queen pagkatapos ay sinampal ng malakas. Panay lang ang iyak nya't hindi makalaban.
"Tsk, nagkamali ka ng hinarap, sweety!" Nakangising sabi ko bago lapitan si Sensui.
"Let's go baby?" Nakangising aya ko sa kanya. Tumawa sya't proud akong inakbayan.
"Yes, sweetheart let's go!" Parang abnormal lang eh? Kanya-kanyang call sign?.
BINABASA MO ANG
All Started with the Dare
General FictionHe is the coolest guy in their University, he's rich, popular, and every girls dream guy. He's Chaos Kellion Knivestone known as the great Chaos in every girls life. He's life was perfect until he was dared by his friends to court the famous Uni...