=||SOPHIA POV||=
" Pakanta - kanta pa ako habang naglalakad, medyo malayo 'tong bahay na pupuntahan ko ah.
Nakabike lang ako ngayon kase nasira yung motor ko. Weekend ngayon kaya, nasa trabaho ako. Delivery girl ako ngayon.
Number 57? Nasa number 54 nako kaya binilang ko ang mga bahay na kasunod. Wow, ang laki ng bahay, yayamanin 'tong pagdidilever-an ko. Pero bumagal ang pagpidal ko ng bike nang unti- unti akong nakalapit sa bahay.
Isang pamilyar na magarang kotse ang nasa harap ng bahay at mas lalo akong naintriga nang lumabas dun ang dalawang tao. Hinila ng lalaki yung babae at agad niyakap. Ang higpit ng yakap nila sa isa't - isa. Tsk, makayakap hindi kayo sweet, ang laswa po! Napapairap na sabi ko sa isip. Yakap- yakap pa magbibreak din naman kayo. Sabi ko sa isip na ikinatawa ko. Bakit ba napakabitter ko? Anong pinaghuhugutan ko?.
Mukhang yung dalawa ang may-ari ng bahay kaya, hintayin ko muna sila matapos sa pagyayakapan, nakakahiya naman e. Para lang akong nanonood ng romantic movie nang umikot ang nagyayakapan, kung kanina ay babae ang nakaharap sakin ngayon ay ang lalaki naman. Halos, mabitawan ko ang bike nang makita ko kung sino ang lalaking yun. Sinasabi ko na nga ba, kotse nya yun e. Hindi ako nakakilos, napako yata yung paa ko sa kinatatayuan ko. My gad, what Am I going to do!? The heck. Nakakahiya pinanood ko pa silang dalawa.
Sinubukan kong bumalik nalang pero huli na dahil nakita na'ko ni Chaos. Paktay! Lagot na. Kahit medyo malayo ako ay naaninag ko sa mukha nya ang gulat at kaba. Kaba? Saan? Bakit?. Napalunok ako't nag ipon ng lakas. Ano ba yan!? After 3 days na iniwasan ko sya dahil lang sa pagiging delivery girl ay ako pa ang lalapit?. Pinaglalaruan ba ako ng tadhana?. My ghad cassey! Help me...
Medyo malapit na'ko sa kanila kaya narinig ko ang paghikbi ng babae. Luh? Umiiyak? Bakit kaya? Ano kayang ginawa ng mokong nato? Tsk, tsk babaero talaga. Manang mana sa uncle nyang uhaw sa babae. Pero, opposite yata sila ng uncle nya dahil mukhang mas matanda yung babae sa kanya.
Aba! Iba din, kung si Diego ay pedophile, ito naman ay seniorphile, luh ano daw? Seniorphile!? Hahaha konte nalang ay kukutusan ko na tong utak ko, kung ano ano naiisip e. Lumuwag ang yakap ni Chaos sa babae at tinuon ang buong pansin sakin. Nahalata siguro yun ng babae kaya bumitaw rin sa pagkakayakap kay Chaos at napatingin rin sakin. In fairness ganda sya ah. Sana ol angelic face, ako kase evil face e, charot HAHAHA mukha pala akong pera.
Pareho na silang nakatingin sakin, my ghad kaya ko ba 'to? Magsasalita na ba ako? Anong sasabihin ko?. Magdedeliver lang naman ako eh, pero nanood kang kupal ka ! Sabi ng isa kong utak. Ehhh, diko naman sinasadya e.
Wait, hindi ko yata talaga kaya. Magsasalita na sana si Chaos pero nilagpasan ko sya. Lumapit ako sa gate at pinindot ang door bell. Sumipol pa'ko na parang walang tao sa likod ko.
" Hey, I'm here. Ako ang may-ari ng bahay na yan" rinig kong sabi ni Chaos. Fine, kailangan ko talaga syang harapin, pero gosh nakakahiya. Naistorbo ko pa sila, pero bakit kase PDA sila?. May virgin eyes... Gosh.
" Ikaw po ba?" Nakangiting tanong ko. Napakunotnoo sya pati yung babae. Kaya ko na talaga 'to.
" Pizza, delivery po sir" sabi ko na nagsayaw pa. Napangiti yung babae pero si Chaos ay nakakunot noo parin.
" Ito na po oh!" Sabi ko.
" Pizza? Hindi ako nag order ng pizza" nagtatakang sabi nya. Luh, pero. Nanlaki ang mata ko nang makita ang number na nakasulat sa gate. 56? May goodness. Napatingin ako sa katabing bahay at may matandang lalaki ang nag-aabang.
What the pack!? Ano ba to? Philo naman... " Ay, hehe... Wrong address. " sabi ko sabay takbo papunta sa kabilang bahay.
" I'm sorry po talaga lo... I'm sorry... May mga aso kase sa daan kanina kaya natagalan ako" palusot ko dahil mukhang highblood na si lolo. Ano sabi ko? Aso? At san ko napulot ang dahilan na yun?. May aso si lolo kaya aso nasabi ko. Pero mukhang effective.
BINABASA MO ANG
All Started with the Dare
General FictionHe is the coolest guy in their University, he's rich, popular, and every girls dream guy. He's Chaos Kellion Knivestone known as the great Chaos in every girls life. He's life was perfect until he was dared by his friends to court the famous Uni...