C21 D: Unintention

58 4 0
                                    

=|CHAOS POV|=

Habang naglalakad ako patungo sa gym ay sinalubong ako ng mga myembro ng gangsta boys. Niyaya nila ako sa ground saka sinumulang atakihin.

Iwas lang ako ng iwas pero ng maglabas si Marvin ng kutsilyo at iaambang isaksak sakin ay agad kong hinawakan ang kamay nya at pinaikot dahilan para mabitawan nya ang kutsilyo saka ko sya malakas na sinipa sa tagiliran.

Rinig ang pagtunog ng buto nya at ang paghiyaw nito. Sunod kong sinuntok ang taong pinakamalapit sakin subalit napaluhod ng may tumamang matigas sa ulo ko.

Ramdam ko ang mainit na likido na dumaloy sa noo ko. Titira pa sana ito ng sipain ko ang paa nya dahilan para madapa ito. Agad kong kinuha ang bakal at hinampas sya ng mas malakas sa ginawa nya sakin.

"Lahat ng frat at gang dito, uubusin ko!" Sigaw ko saka umalis ruon, binigyan naman ako ng daan ng mga estudyante at tinungo ko na ang gym

"Chaos, your la..." Hindi natapos ni couch ang pagsesermon ng makita nya ang sugat ko sa noo

"Anong nangyari sayo?" Nagaalalang tanong ng manager namin. Agad syang lumapit sakin at hahawakan na sana ang noo ko na agad pinigilan kong na at nilampasan sya.

"Magsimula na tayo!" Walang emosyong utos ko pero agad akong pinigilan ni couch at manager

"Hindi pwede!" Kontra ni couch

"May sugat ka!"

"Wala akong pake kaya dapat kayo rin" giit ko

Hindi ba nila naiintindihan?

"Kung wala kang pake, kami meron" sagot ng isang boses ng babae.

Dahil ruon ay natigilan ako. Dahan-dahan ay napalingon ako sa pintuan ng gym at nakita syang nakatayo mula ruon

"You are not allowed he.."

"Yes she is" putol ko sasabihin ng manager namin

"But Kell..."

"Its Chaos Bitch" malamig na putol ko sa sasabihin nya at matalim na tiningnan sya, kitang-kita ang takot nito at panginginig kaya naman napangisi ako pero ang ikinagulat ko ay namula pa into at tumango

Ganito ba talaga ang epekto ko sa babae? Pero bakit kay Sophia ay wala?

"Let's start the game" blanko kong utos pero umepal na naman ang couch namin

"Hindi ka pwede maglaro, gamutin mo muna ang sugat mo" utos into

"Ako na! Ako na ang gagamot sakanya" presinta ng manager pero umiling ako saka tinungo ang pwesto ni Sophia na nasa di kalayuan dahilan para matigilan sya

"Kung hindi nya ako gagamutin, itutuloy natin ang laro kahit may sugat pa ako" demand ko tukoy kay Sophia.

"Ako.."

"Sya lang ang gusto ko" malamig na putol ko na nagpayuko sa kanya dahil sa hihiya

"Pwede mo bang magawa yun Miss?" Magalang na tanong ni Couch

"Pero...." Magsasalita pa sana si manager pero pinigilan na sya ni couch sa pamamagitan ng hand gesture

"O-ok po" nautal at nahihiyang sagot ni Sophia kaya naman tuwang-tuwa akong hinila sya paalis ruon habang nakaakbay pa rin sakanya subalit ng wala ng nakatingin ay kinurot nya ang tenga ko. Malakas akong napadaing sa sakit pero parang wala lang ito sa kanya.

"Nakakainis ka! Isip bata ka talaga kahit kailan" komento nya at naunang tumungo sa clinic

Pagkapasok na pagkapasok ko ay agad na lumapit sakin yung school nurse at hahawakan na sana ang noo ko kaya pinigilan ko ito at malamig syang tiningnan. Si Sophia ang gusto konv gumamot sakin at wala mg iba.

"Get out!" Malamig na utos ko sa nurse.

"No!" Sabat naman ni Sophia.

"Nurse, ikaw ang maggamot sakanya!" Dugtong pa nya at tiningnan ang nurse na parang nagmamakaawa pero inilingan lang sya nito bago ito mabilis na umalis

Masayang umupo ako sa kama at sya naman ay nagpapapadyak na tinungo ang cabinet

Kinuha nya rito ang alcohol, betadine, bulak at ang iba pang kakailanganin

Bumighay pa ito bago ako simulang gamutin

"Bakit ba ang isip bata mo?" Tanong nya

"Sayo lang ako isip bata" nakangising sagot ko

"Bakit hindi mo maintindihan na kailangan mo munang gamutin at bawal kang maglaro?" Tanong nya

"Bakit hindi nila ako maintindihan?" balik tanong ko habang nakangisi, kita sa mukha nito ang pagkainis kaya lalo akong natawa

"Bakit di mo maintindihan na ayaw kitang gamutin?" Inis na tanong nito

"Bakit di mo maintindihan na gusto ko lang mapansin mo ako at makasama kita?" Seryosong tanong ko bilang sagot

"Eh sa ayaw kitang makasama!!!" Sigaw na nito at medyo nadiinan ang bulak dahilan para lalo itong dumugo pero di ko pinansin, kita sa mukha nito ang gulat at pagsisi subalit bago pa ito makahingi ng tawad ay inunahan ko na

"Kung ayaw mo pala ako kasama, kung ayaw mo pala ako makita in the first place, bakit ka nasa gym?" Seryosong tanong ko

"Gamutin na natin ang sugat mo"

"Sagutin mo muna ang tanong ko" seryosong demand ko

"Nandito lang ako para sabihan ka na, wag na wag mong idadamay si Sensui! Pag may nangyaring masama sa kanya ay hindi kita mapapatawad" may diing banggit nya

"Yun ba?" Tanong kong parang may umapak sa puso kong dumudurog nun. Nanunubig na ang mga mata ko pero pinigil kong kumawala ang namumuong luha ruon.

"Anong 'yun ba'?" Tanong nya. Lumunok muna ako't pinilit itago ang mga emosyon ko. Ayaw kong makita nito ang kahit anong emosyon kong magpapakita ng kahinaan ko.

"Yun ba ang dahilan kung bakit ka nandito? Para lang kay Sensui?" Walang emosyong tanong ko ngunit umaasang hindi ang isasagot nya.

Hindi ko alam, namanhid na yata ako

"Oo yun lang" sagot nya

"Yun din ba ang tingin mo? Sasaktan ko ang taong mahal mo?" Tanong ko sakanya, kahit na ayow kong tanggapin ay yun ang katotohanan

Natigilan sya sa tanong ko pero kalaunan ay tumango at iwan akong mag-isa pero bago yun, di ko alam kung nakita nya ba ang butil ng luhang dumaloy na o baka imahinasyon ko lang

Why?

Why Sophia?

What have you done to me?

Why do I feel this irritating feeling of mine? When I saw you with Sensui? When you hurt me unintentionally?

Unintentionally nga ba? O sinasadya mo na?

All Started with the DareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon