Chapter One

13.9K 192 10
                                    

CHAPTER ONE

TUMITILI na ang production manager na si Mimosa. Bakit hindi, alas-otso na pero nagse-set-up pa rin ang crew ng kanilang mga gamit. In thirty minutes ay darating na ang kanilang director na ubod ng sungit. Tiyak na mabubulyawan silang lahat.

Kahit natetensiyon ay kalmadong tiningnan ni Carrie ang screen ng kanyang Mac Laptop. So far ay okay naman ang lahat. Siya ang head writer ng Periwinkle Productions- ang na-commission ng isang sikat na Ad Agency para gawin ang latest TV commercial ng leading energy drink na ENERGIZE!

Magaling na writer si Carrie. Dalawang taon siyang nagsulat for a radio program at tatlong taon din sa isang women’s magazine bilang assistant editor ng literary section. Pero nang magtayo ng kumpanya ang dati niyang boss na si Madam Ava two years ago, sumama na siya para naman maranasan niya ang masabak sa production.

So far ay enjoy siya dahil sa iba’t ibang experience na dala ng kanyang trabaho. Marami siyang nakikilala at nakakasamang celebrities. Pero hanggang trabaho lang lahat- hindi naman kasi siya mahilig tumambay sa mga bar at maglalagi sa mga parties. Mas gusto niyang manood ng sine, mag-DVD marathon sa bahay o kaya ay magbasa ng mga pocketbooks.

“Excuse me, would you mind telling me where the comfort room is?” Mahinahon pero halata ang sosyal na British accent sa nagsalita. Ramdam ni Carrie ang pagtigil ng kanyang paghinga nang makita niyang nakatayo sa harap niya ang modelong si Nathan Richards.

Topless ang lalake at tanging white towel lamang ang nakatakip sa ibabang bahagi ng katawan nito. In 10 seconds ay na-assess na agad ni Carrie ang kaharap mula ulo hanggang paa at isa lamang ang pumasok sa isip niya.

Greek God.

“Miss?” si Nathan uli, na tila nagtataka kung bakit nakatanga lang siya.

Saka pa lamang tila natauhan si Carrie. Kahit ramdam niya ang pamumula ng kanyang pisngi ay nagawa pa rin niyang ituro kay Nathan kung nasaan ang CR. Kung puwede nga lang sumama na rin siya!

Diyos ko Lord, ano bang nangyayari sa akin? Hindi makapaniwala ang dalaga na natataranta siya ngayon dahil sa isang lalake.

Magti-twenty eight na siya pero single pa rin. Ang mga classmates niya noong elementary at high school sa probinsya- halos lahat ay may mga asawa’t anak na. Nagka-boyfriend na rin naman siya dati, si Aldrin noong college at si Louie two years ago.

Meant For LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon