Chapter Four

3.9K 146 6
                                    

CHAPTER FOUR

SA gitna ng dalawang venti-sized Green Tea Frappuccino ng Starbucks at dalawang slice ng makasalanang Blue Berry cheesecake, ikinuwento ni Carrie kay Nathan ang problema niya- lahat- pati na ang naudlot na pagpapanggap ni Miguel bilang boyfriend niya.

Kung tutuusin ay hindi niya kalaban si Miguel- pumayag pa nga ang lalake sa kapritso ni Bronson- although siyempre, dahil may vested interest din ito para sa sariling career. Still, sana hindi na lang ito tumango kung aatras din lang pala, hindi na sana siya nasaktan at napahiya sa sarili. Pero hindi niya masisi ang lalake kung maging mahina ito- dahil ayun nga kay Bronson nang tumawag ito kanina habang nasa counter si Nathan- may dumating daw kasing importanteng raket ang lalake- out of the country show at kailangang makita ng producer kaya hindi nakasipot sa coffee shop.

Pero naisip na rin ni Carrie na mahal talaga siya ng Diyos, dahil eto at si Nathan ang kasama niya ngayon at hindi ang isang starlet na pumapatol sa matrona and God knows kung kanino pa!

“So this reunion thing is important to you,” seryosong deklara ni Nathan, in between sips of Green Tea.

Tumango ang dalaga, hindi nagawang magsalita dahil may laman ang bibig.

Daig pa ni Carrie ang pakiramdam ng isang bold star- na naghubad na sa publiko dahil bukod sa naikuwento na niya kay Nathan lahat, ngayon ay walang pakundangan pa niyang nilantakan ang Blue Berry Cheesecake! Pero tao lang siya, at paborito niya ang naturang pagkain!

“Hmmmm….” Yun lang ang tanging lumabas na sound mula kay Nathan habang tila nag-iisip ito. He was holding the frappuccino with his left hand while his other hand was on the table, his fingers tapping slowly.

Pati tuloy si Carrie, napapaisip na din. Ano nga kaya ang mabuti niyang gawin sa lintek na Alumni Homecoming na yan! Marami na kasi ang nadadamay. Si Bronson, sumumpang ipaghihiganti siya kay Miguel at inilagay ang pobreng starlet sa hit list nito! Tapos ngayon, pati si Nathan- yes- ang hottest model of the land lang naman, ay tahimik at nag-iisip habang umiinom ng frappuccino. Baka naman ma-Senate Hearing pa ang naturang Homecoming kapag nagkataon!

Well, definitely hindi ako magdo-donate ng one million pesos! Saka na, kapag nanalo siya ng 100 million sa lotto!

Kapag umuwi siyang walang dalang milyones at wala ring boyfriend katulad ng kanyang description, magmumukha siyang katawa-tawa. Knowing her batchmates, she won’t last a minute in agony. Lalo na kapag naiisip niya sina Bon-bon, tiyak na hahagupitin siya ng tatlong maldita! Ang masaklap, baka siya na ang maging biggest joke sa history ng school niya, paano pa siya makakauwi sa mga susunod na taon, if ever?

Meant For LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon