Chapter Two

5.3K 150 9
                                    

CHAPTER TWO

“ARE you sure it’s really okay?” Nathan was putting his seat belt and Carrie couldn’t help but notice the well-defined muscles in all the right places. Naka-walking shorts lang kasi ang lalake at plain shirt na eksakto lang sa katawan nito.

“Yeah.” Tipid na ngiti lang ang pinakawalan ng dalaga, baka kasi masyado na siyang halatang kinikilig. Sino nga naman ang hindi? Kung puwede nga lang niyang halikan ang manibela ng kanyang Toyota Corolla, ginawa na niya!

“So you don’t have any plans this weekend?” Sasagot sana si Carrie pero nagulat nang muling magsalita si Nathan. “Wala nang overtime or something?”

“Marunong kang mag-Tagalog?” Nang tumango ang lalake ay gustong mapahalakhak ng dalaga dahil halos dumugo na ang ilong ng mga kasamang staff sa kai-English kay Nathan pero marunong pala itong mag-Tagalog!

“I mean, not that much but I can understand and speak the basic.” Again, that boyish grin.

Nanlalambot na ang tuhod ni Carrie, pero kelangan niyang maging tough- dahil traffic papuntang Airport ang tatahakin nila!

Mula sa Cubao ay pinili ng dalaga na sa Libis na dumaan para makapag-C5, alam niyang masyadong ma-traffic sa Edsa kapag rush hour. Tahimik lamang si Nathan habang nakatingin sa dinadaanan nila. Binuksan ng dalaga ang car stereo para naman kahit papano ay hindi sila lamunin ng katahimikan sa loob ng sasakyan. Ikinabit na din niya ang kanyang i-pod sa car stereo para ang kanyang mga paboritong music ang mapakinggan habang nagda-drive.

“You like songs from the 80’s?”

Napangiti si Carrie sa tanong ni Nathan. Isang maikling yes ang kanyang isinagot. Kasalukuyang tumutugtog ang Big In Japan ng Alphaville. Mula sa isang sulok ng kanyang mata ay nakita niyang tumatango-tango si Nathan, mukhang alam na alam din ang kanta. Maging sa Wishful Thinking at Ghost In You ay tila enjoy ito at sumasabay pa sa lyrics.

Walk Like An Egyptian?!” Napapitlag si Carrie sa tinuran ni Nathan, akala kasi niya kung napano ang lalake.

“Why? What’s wrong? You don’t like the song?” Sasapakin niya ang katabi kapag pinintasan ang kanyang paboritong kanta!

Meant For LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon