CHAPTER TWELVE
FIVE months later ay nasa Boracay uli sina Nathan at Carrie.
“OH MY GOD!!!” Hindi mapigilan si Bronson, maya’t maya ay nag-o-Oh My God ito dahil hindi pa rin daw ito makapaniwala na ikakasal ang bestfriend at kay Nathan pa. “Juice kuh Lord, daig mo pa ang tumama sa lotto!!”
Hindi naman magawang mapikon ni Carrie sa mga pinagsasabi ni Bronson dahil kahit siya, ganun ang pakiramdam. Masyadong fantastic ang buhay niya kaya ganun na lamang ang pasasalamat niya sa Diyos.
“Sabi ko naman sayo Corazon, makikita ko pang ikakasal itong si Carrie. God is good,” narinig naman niyang pahayag ng lola niya.
Beach wedding ang napagkasunduan nina Carrie at Nathan, after all, memorable sa kanila ang Boracay.
Isang simpleng strapless white dress ang suot niya, tinernuhan ng puting flat sandals. Hindi iyun gown kundi beach dress na mahaba at manipis. Naka-all white din si Nathan- na lalong gumwapo. Para itong sasabak sa pictorial para sa magazine!
Kumpletong dumating ang mga kasama ni Carrie sa production, headed by Madam Ava na isa sa mga principal sponsors nila. Trip to Bali, Indonesia ang regalo nito sa kanila.
Aside from his parents and sister Ella, in full force din ang mga kaibigan ni Nathan mula sa fashion world- hindi lang mga models ang dumating, may ilang artista din at designers kaya nagmistulang big event ang kasal nila kahit gusto sana ni Carrie na maging simple lang ang lahat. But then again, she had to remind herself that she was marrying the hottest model in the land so everything was big deal.
Of course dumating sina Bon-bon, Ditas, Pamela at karamihan sa mga ka-batch niya. Isang batalyon yata silang sumugod sa Boracay para lang masaksihan ang kanyang kasal.
Bago nagsimula ang wedding ceremony ay lumapit pa si Bon-bon kay Carrie at bumulong.
“I owe you an apology. Talaga palang kayo ni Nathan.”
“Bakit naman?” Nakita ni Carrie na may pilyang ngiti sa labi ang dating kaklase.
“To be honest, inisip kong palabas lang ang lahat nang umuwi ka for the reunion. I didn’t really believe you when you brought him and introduced him as your boyfriend.”
“What?” Hindi makapaniwala si Carrie na hindi pala kumbinsido si Bon-bon sa palabas nila noon ni Nathan! “Ang sweet sweet nga namin noong reunion, di ba?”
“Carrie, napepeke ang ka-sweetan, okay?” Sinundan iyun ni Bon-bon ng mahinang tawa. “I saw his Friendster account, you know. Ibang babae ang naka-post dun.”
Lintek na Friendster yan! Nagmental note si Carrie na ipapa-delete ang Friendster account ni Nathan pagkatapos ng kasal nila!
“Bon-bon, don’t believe everything you read on Friendster. Maraming fake accounts diyan,” Ubod ng sweet ang ngiti ni Carrie. “Thanks for coming to my wedding!” Kumindat pa siya bago tuluyang hinawakan ang kamay ni Nathan.
“Ready, baby?”
“Since day one.”
Natawa si Nathan sa sinabi niya kaya hinapit siya nito at hinalikan, nagpalakpakan tuloy ang mga tao sa paligid.
“Excuse me, magsisimula pa lang po tayo,” sabad ng pari.
Napuno ng tawanan ang paligid. It was a good sign. A happy wedding to start with. Carrie can’t wait to begin her new life with Nathan.

BINABASA MO ANG
Meant For Love
ChickLitPublished December 2011 by Bookware (under my real name) and posted with permission.