CHAPTER FIVE
“MY GOD, Carrie, kanina pa kita pinagmamasdan from my table. Talagang hindi nawawala ang ngiti sa labi mo! At blooming ka, day!” Umikot pa si Mimosa sa may work station niya para lang pagmasdan siya ng husto.
“Hoy, tigilan mo nga ako at marami akong ginagawa!” Kunwari’y naiinis niyang saway sa ka-trabaho. Pero alam niya ang ibig sabihin ni Mimosa. She really feel good about herself, kaya siguro nararamdaman iyun ng mga tao sa paligid niya.
Dalawang linggo na siyang regular na nagti-treadmill at hindi kumakain ng mga matatamis. Kung noon ay wala siyang pakundangan kung lumamon, ngayon ay in-moderation lahat ng pagkain niya- kasi narealize niya na kung si Nathan nga ang kasama niya sa reunion- she has to look her best. Ayaw naman niyang magmukha silang Beauty and the Beast sa importanteng gabing iyun- si Nathan ang Beauty at siya ang Beast!
Kaya nag-go-glow nga siguro siya dahil bukod sa pag-aalaga niya ngayon sa katawan niya, masayang masaya din ang puso niya. Well, alam ni Carrie na palabas lamang ang lahat- but what the heck- at least sa kanya si Nathan sa gabi ng reunion! And she could live with that for the rest of her life!
“Are you finally in love?” biglang sumulpot si Wanda out of nowhere. Ang akala ni Carrie ay nasa meeting ito sa labas.
“Hindi ha,” agad niyang depensa. Walang kaalam-alam ang mga ka-trabaho sa pinaggagawa niya!
“Well dear, you have that look in your eyes.” Si Wanda uli.
“Look? What look?” Kunwari’y inosente niyang sagot. “Baka kasi puyat ako kaya kung anu-ano ang nakikita niyo sa akin,” sinundan niya iyun ng mahinang tawa.
“Hindi e, iba na ang nakikita ko sa’yo. Saka pumapayat ka yata, in fairness!” si Mimosa naman. “Ramdam ko, inspired ka!” tila kinikilig pa ito.
“Heh!” saway uli niya sa babae. “Hay naku, ang mabuti pa, umuwi na lang ako kesa andito nga ako at hindi naman makapagtrabaho ng mabuti,” sinundan niya iyun ng halakhak.
“Oh My God. So you are in-love!” deklara ni Wanda na puno ng conviction- na animo’y daig pa ang Senate President!
BINABASA MO ANG
Meant For Love
ChickLitPublished December 2011 by Bookware (under my real name) and posted with permission.