Chapter Nine

3.4K 145 10
                                    

CHAPTER NINE

GANUN ka-casual ang pagbalik ni Aldrin sa buhay niya- parang walang nangyari. Parang walang gap- parang hindi ito nawala ng ilang taon.

Of course hindi niya agad tinanggap ang lalake. Aba, kahit naman wala siyang boyfriend, may pride naman siya. Talagang sinaktan din siya nito nang hindi na bumalik. Pakiramdam kasi noon ni Carrie ay pinaasa lang siya. In fairness ay nag-explain naman si Aldrin. Nahirapan daw kasi itong makabalik agad ng Pilipinas dahil nakahanap ito ng trabaho at talagang sineryoso. Hindi na niya namalayan ang mga nagdaang taon- nang makabili na ng sariling bahay at makapag-ipon, saka nito naisip na bumalik na sa Pilipinas at hanapin si Carrie.

“Mabuti nga nakuha ko sa mama mo ang address mo dito,” hinawakan ni Aldrin ang kamay ng dalaga pero agad niya iyung binawi. Hindi na siya sanay sa presensya ng lalake!

“Paano pala kung may asawa na ako at anak pagbalik mo dito?”

“Ewan ko. Pakiramdam ko kasi hinihintay mo ako dito, and I guess I’m right kasi single ka pa din hanggang ngayon.”

Kapal naman the face! Gusto nang magsuplada ni Carrie pero hindi niya ginawa. After all, may pinagsamahan naman sila ni Aldrin kahit papano. Hindi nga lang niya talaga ma-take na medyo may hangin na ito pag nagsasalita. Ganun ba ang nagagawa ng Canada?

Guwapo pa rin si Aldrin, naroroon pa rin ang boyish looks nito na nagustuhan niya nung college pa sila. Nasa 5’9 ang height nito at binagayan ng katamtamang katawan. Good catch ito kung tutuusin dahil matalino, guwapo at stable na sa buhay. Pero bakit ganun? Wala siyang excitement na nararamdaman sa pagbabalik nito?

“Please give me another chance, Carrie.” Muling kinuha ni Aldrin ang kamay niya at tila nagmamakaawa ito. “Patutunayan ko this time na mahal talaga kita.”

“Bakit noon? Mas mahal mo ang ambisyon mo?” Surprisingly ay wala nang hinanakit sa dibdib ng dalaga. Wala na rin siyang makapang damdamin para sa dating boyfriend.

Ironic, dahil eto’t may lalakeng binalikan siya at nagpapahayag ng pag-ibig pero ang puso at isip ni Carrie ay lumilipad. Deep inside ay si Nathan ang gusto niyang kausap ng mga oras na yun!

Meant For LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon