CHAPTER ELEVEN
BAGUIO was a disaster in terms of Carrie’s lovelife. Ang pangako niya sa sarili na hindi na papansin si Nathan at kakalimutan for the sake of her heart ay hindi natupad. Paano, bawat pihit niya ay naroroon ang lalake. Lahat na ng pag-iwas ay ginawa niya pero lubhang napakaliit ng ginagalawan nilang lugar dahil laging nagkukrus ang landas nila ng lalake. Mas lalo pang nakadagdag sa inis ni Carrie ang presence ni Betina na isang araw ding nagstay sa Baguio at mukhang gustong bantayan si Nathan.
Kung dati ay fondness ang nararamdaman niya para kay Nathan, ngayon ay bad trip na siya sa lalake. Iba ang babaeng naka-post sa Friendster nito. Iba rin ang nakita niya sa condo unit at eto pa si Betina na kulang na lang ay maging anino niya. Kung hindi ba naman saksakan ng playboy!
He’s just another typical model na porke guwapo ay nagbibilang ng babae! Lalo pang naiinis ang dalaga sa sarili dahil kahit halos isumpa na niya ang lahi ni Nathan, tuwing nakikita niya ito ay hindi naman niya maiwasang hindi kabahan. Worse, parang laging nagkakaroon ng mga tambol sa loob ng dibdib niya!
Ilang beses kasing muntik-muntikan na silang mapagsolo ni Nathan. One time ay nang ibigay niya sa lalake ang revised copy ng script, may sasabihin sana sa kanya si Nathan pero biglang dumating si Mimosa kasama ang wardrobe assistant kaya agad na nakaalis ang dalaga. Minsan naman ay pabalik na siya sa tinutuluyang bahay, nakisabay si Nathan sa kanya dahil isa lang ang service vehicle nila sa Baguio. Mabuti na lang at nakisabay din sina Wanda at Dada. Kaya hindi talaga sila nagkaroon ng chance na makapag-usap. Which is a good thing dahil hindi rin naman alam ni Carrie kung ano ang sasabihin if ever.
Nakahinga lang siya nang finally ay bumalik na sila ng Maynila.
Pagkatapos ng shooting ay isang party ang ibinigay ng producer sa buong cast and crew. Sa Tagaytay iyun ginanap, pero hindi nakapunta si Nathan. Kahit papano ay nalungkot ang dalaga. Pero dahil tapos na buong production, at least thankful siya dahil hindi na niya makikita pa si Nathan. Kung puwede nga lang lumipat na lang talaga siya ng ibang planeta para hindi na niya masalubong man lang ang lalake. Na-realize na kasi niya na si Nathan ay parang government warning: bad for her health!
“RESIGN? What do you mean magre-resign ka?” First time narinig ni Carrie na tumaas ang boses ni Madam Ava. Hindi naman galit ang may-edad na babae, pero obviously ay na-upset ito sa balitang hatid niya.
Totoong sinabi niyang magreresign na siya. Actually, ang gusto niya ay magkaroon ng indefinite leave. Magbabakasyon siya sa malayong lugar. Baka sa Sagada, o di kaya sa Palawan- basta within the bounds of the Philippines but definitely not Basilan, gusto pa naman niyang mabuhay. Gusto lang muna niyang magpahinga, mag-isip at balak din niyang magsulat ng libro na matagal na niyang pangarap gawin. A compilation of short stories. Oo, yun ang isa sa mga gusto niyang gawin, aside from writing a screenplay at siya ang magdi-direk. Pero sa ngayon, gusto muna niyang lumayo. At alam naman niyang hindi siya puwedeng magleave ng matagal from the office. Kaya nga masakit man ay sinabi na lamang niya kay Madam Ava na magreresign siya.
BINABASA MO ANG
Meant For Love
ChickLitPublished December 2011 by Bookware (under my real name) and posted with permission.