CHAPTER THREE
KANINA pa titig na titig si Carrie sa blue envelope na nasa table niya. More or less ay alam na niya ang laman dahil may seal ng dati niyang school ang labas ng envelope.
Alumni Homecoming ng school kung saan siya nag-aral ng high school. And alam niyang sabay din nun ang kanyang High School reunion.
Sari-saring emosyon ang agad na bumalot sa kanya.
Tuwa dahil maraming masasayang memories noong high school. Doon siya humabi ng mga pangarap. High school pa lang, alam niyang gusto na niyang maging isang manunulat. At natupad iyun. Kahit papano ay may pride siyang naramdaman sa kanyang puso, dahil alam niyang hindi lahat ng tao ay nakakamit ang kanilang pangarap.
Lungkot, dahil alam niyang kahit kelan, hindi na niya mararanasan pa ang saya na dulot ng pagiging bata. Ng pagiging young and carefree.
Excitement, dahil makikita niya ang mga dating kaibigan noong high school, pati na rin ang mga dati niyang crush!
Pero higit sa lahat, nakaramdam siya ng insecurity ngayong alam niyang magkikita-kita silang lahat ng mga dating kaklase. Wala naman siyang kaaway sa kanilang batch, she has always been friendly. Pero ang mga ka-section niya, tulad ng ibang mga section sa mundo, hindi nawawalan ng mga bitchy at maldita!
Bigla niyang naisip sina Bon-bon, Pamela at Ditas- ang tres marias na ipinaglihi kay Bella Flores! Never naman siyang inaway ng mga malditang kaklase, pero minsan siyang nakipagpustahan sa tatlo, out of rage.
SI BON-BON ang nagsimula ng panunukso. Mantakin ba namang sabihan siyang Old Maid dahil ga-graduate na sila ng high school ay wala pa rin siyang boyfriend!
“Alam mo Carrie, idol mo yata si Miss Malvar.” Ang tinutukoy ng kaklase niya ay ang kanilang principal na matandang dalaga at naka-wig. “Sa sobrang pihikan, e napaglipasan ng panahon.”
“Oo nga. Matagal nang may gusto sayo si James pero hindi mo pinapansin. May itsura naman ang tao, kaklase naman natin. Hindi naman siya pobre. Ano pa ang ayaw mo?” litanya ni Ditas.

BINABASA MO ANG
Meant For Love
Literatura KobiecaPublished December 2011 by Bookware (under my real name) and posted with permission.