CHAPTER SEVEN
IT WAS PRICELESS. Yun ang tanging description na naiisip ng dalaga sa reunion nila. Ang sabihing nagkagulo sa reunion nila ay isang understatement. Riot ang reaction ng mga kaklase niya dahil sa pagdating niya with Nathan. Siyempre lahat ay nagulat- hindi makapaniwalang ‘boyfriend’ niya ang pinakasikat na modelo ng bansa. Of course kilala ng lahat si Nathan- with all his giant billboards in Manila and in different provinces- pati na ang mga TV and print ads nito. Lahat ay naintriga kung papano silang dalawa nagkakilala. Mabuti na lang at smooth naman ang naging explanation nila about how they met in Singapore.
Walang masabi si Carrie sa galing ng pag-arte ni Nathan in front of her batchmates! The guy was a natural! Charming ito at friendly- pati si Bon-bon ay tumiklop.
Ang hinding hindi makakalimutan ng dalaga ay kung papano siya ‘inalagaan’ ni Nathan the whole night. He gave his full and undivided attention to Carrie- na para bang ito lang ang tanging babae sa mundo- much to the envy of all her former classmates.
“Grabe ka, paano nahulog sa mga kamay mo ang lalakeng yan?” tanong ni Julian, isa sa mga kaklase niya noong highschool. Lalakeng lalake pa ito noon, pero ngayon ay certified bading na at Juliana na ang tawag sa sarili.
“Juliana, tigilan mo ako.” Napahagikhik na din si Carrie sa panunukso ng kaklase.
“Do you have plans of getting married this year, Nathan?” interesadong tanong ni Ditas.
“Who knows? We might.” Nang kumindat si Nathan ay tila nawala na sa sarili si Ditas- naubos bigla ang hawak na red wine.
Halata naman ni Carrie na hindi inaalis ni Bon-bon ang mga mata sa kanila. Mabuti na lang at hindi rin umaalis sa tabi niya si Nathan- kung hindi nito hawak ang kamay niya ay nakaakbay ito sa kanya. Kaya naman lalong nainggit ang mga kaklase niya.
Si Pamela ay maagang nag-asawa. Nakatuluyan nito ang team captain ng kanilang basketball team noong highschool. She gained weight at hindi na ganun kaporma, but somehow she still looked beautiful.
“Apat na ang anak namin ni Jun kaya nalosyang na ako,” kuwento nito nang tumabi kay Carrie. “Mabuti ka pag, ang ganda-ganda mo ngayon at ang guwapo pa ng boyfriend mo. Nakakainggit ka,” bulong pa nito.
“Mas nakakabilib ka, kasi apat na ang anak mo.”
“Kelan ba ang balak niyong magpakasal? Naku, ang suwerte suwerte mo naman, Carrie. Matalino ka na, maganda pa at tiyak na maganda ang kinabukasan mo. Di ba mayayaman ang mga models?”
“W-wala pa kaming balak..” Naisip ni Carrie na kung totoo lang sana niyang boyfriend si Nathan, siya na siguro ang pinakamasayang babae sa balat ng lupa!
“We’re still enjoying each other’s company,” sabad naman ni Nathan na narinig pala ang pinag-uusapan nila!
“Honey, you’re eavesdropping!” kunwari’y akusa ng dalaga sa lalake. Pero ang totoo’y napahiya siya dahil nakikinig pala ito sa pinag-uusapan nila ni Pamela.
BINABASA MO ANG
Meant For Love
ChickLitPublished December 2011 by Bookware (under my real name) and posted with permission.