Chapter Eight

3.5K 133 10
                                    

CHAPTER EIGHT

NANGYARI ba talaga lahat yun? Eto ang laging tinatanong lately ni Carrie sa sarili. Tatlong araw na siyang nakabalik sa Maynila pero para pa rin siyang nakalutang sa alapaap. Binabalik-balikan pa rin niya ang mga nangyari noong nakaraang weekend- kung saan nakasama niya si Nathan. It was the most memorable weekend of her life.

Pagkatapos nilang mamasyal noon ay niyaya pa niyang magdinner sa kanila si Nathan. He was very attentive to all the stories of her lola and he treated her like a princess. Pakiramdam ni Carrie ng mga oras na iyun ay parang totoo silang may relasyon ng lalake. And bago bumalik sa tinutuluyang hotel si Nathan ay muli nitong ginawaran ng friendly kiss ang dalaga- na nagbigay na naman ng sangkaterbang electric shock sa kanyang katawan at buong sistema.

Pero nung nasa airport na sila para bumalik ng Maynila ay ni hindi na halos kumikibo si Nathan. He was just as polite as ever pero hindi na ito kasing-sweet o kasing attentive tulad ng nakasanayan ni Carrie sa loob ng dalawang araw na magkasama sila ng lalake. Kaya nanibago siya kahit papano. But deep inside, may idea siya kung bakit ganun ang ikinilos ni Nathan- ramdam ni Carrie na alam na rin ng lalake na tapos na kasi ang palabas- nagampanan na nito ang role kaya balik na ito sa normal na buhay.

Of course halos madurog ang puso ng dalaga sa thought na doon na sa airport nagwakas ang kanilang pagkukunwari- after all, talagang hiram na sandali lang naman ang ibinigay sa kanya. In fact she should be thankful dahil kahit papano, naranasan niya kung paano maging girlfriend ng isang tulad ni Nathan. Ilang babae ba ang nabibigyan ng ganung chance? Masuwerte na siya kung tutuusin.

“TALAGANG masuwerte kang bruha ka!” Eto ang reaksyon ni Bronson matapos niyang ikuwento ang lahat. Ilang beses itong tumili-tili sa loob ng Kenny Rogers habang kumakain sila. “Juice kuh pineapple! Hamak na mas maganda ako sayo pero sa’yo ibinigay si Nathan for two days!” Uminom muna ng ice tea ang bading bago nagpatuloy. “Alam mo kung sa akin nangyari yun, day, buntis agad ako! Hahahaha!”

“Lukaluka ka talaga!” Tawa rin ng tawa si Carrie sa kabaliwan ng kaibigan. At least kahit papano ay nagagawa na rin niyang tumawa ngayon dahil ilang araw din siyang matamlay- lalo pa’t ni wala siyang narinig mula kay Nathan. Not even a single text message!

“Mas lukaluka ka day, mantakin mo, panay friendly kiss lang ang naganap sa inyo! Ni hindi mo man lang pinagtangkaan?”

“Artist po ako, hindi rapist!”

“Gaga! Hindi ko naman sinabing mang-rape ka! Sana lang nagpaseksi ka, o di kaya nagkunwaring lasing para buhatin ka, and who knows, halikan ka.. mga ganung drama! Palibhasa wala kang background sa acting kaya saksakan ka ng frigid!”

Meant For LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon