Chapter Ten

3.6K 124 4
                                    

CHAPTER TEN

ALAM ni Carrie na kahit kailan ay hindi na niya makakalimutan ang halik na iyun. Ilang segundo lang yun pero higit pa sa habang-buhay ang katumbas nun sa puso ng dalaga. Kaya naman nang matapos iyun at lumabas na ng cottage si Nathan na parang walang nangyari ay halos fifteen minutes na nakatanga sa may kama ang dalaga- ni hindi siya nakakilos sa sobrang shock!

Hindi niya maintindihan kung bakit ginawa iyun ng lalake sa kanya pero wala na rin siyang pakialam. Ang importante ay nahalikan siya ni Nathan. Kung puwede nga lang ipreserve ang moment na yun!

Pagdating ng dinner ay sa kanya tumabi si Nathan- much to the surprise of the production staff. Normal naman ang kilos nila sa isa’t isa, like two professional people pero ramdam ni Carrie na nagtatanong ang mga mata ng mga tao- lalo na sina Wanda at Mimosa na hindi na mapakali sa isang tabi. Alam niyang gusto na siyang lapitan ng dalawa para usisain!

Dahil na-conscious na, hindi na naman nakakain ng husto ang dalaga. At muli na namang nagbiro ang tadhana dahil nagse-serve na ng dessert ang catering staff nang lumapit ang guard ng resort sa table nila.

“Sino daw po dito si Carrie?”

“Ako po,” Nagtaka ang dalaga kung bakit tinatanong siya ng guwardiya. Naisip niyang baka nagpark siya sa maling space.

“May naghahanap po sa inyo sa may gate. Aldrin daw ang pangalan.”

“Naku Carrie, andiyan ang boyfriend mo!” hindi nakapagpigil na wika ni Mimosa.

Kitang-kita ng dalaga na biglang natigilan si Nathan sa kinakain nitong buko pandan.

“BIGLA kasi kitang na-miss,” ani Aldrin na nagpa-cute pa nang makaharap ni Carrie.

“Ngayon mo ako na-miss e nasa Maynila ka lang at nandito ako sa Pampanga! Ni hindi mo nga ako na-miss noong nasa Canada ka ng ilang taon!” Hindi na napigilan ng dalaga ang magsalita. OA na kasi si Aldrin!

“Sorry na.” Parang batang naglalambing ang itsura ng dati niyang boyfriend, na halos hawig ni Bobby Andrews sa porma. “Dinalhan pa nga kita ng siopao na galing sa Binondo, limang dosena para makakain din ang mga kasama mo.”

Na-touched naman ang dalaga sa ginawa ni Aldrin kaya pinagpasensiyahan na lamang niya ito. Papasok sila ng resort nang makasalubong nila si Nathan. Walang choice ang dalaga kundi ipakilala ang dalawang lalake.

Meant For LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon