Chapter Six

3.1K 133 7
                                    

CHAPTER SIX

DI na makahinga si Carrie. Well, not literally. Maligalig lang siya dahil wala pa rin si Nathan. Biyernes na ng hapon, at bukas na ng gabi ang kontrobersyal na reunion nila. Dapat sa mga oras na iyun ay nasa kanila na sana ang lalake. Or at least man lang sana lulan na ito ng eroplano at bumibiyahe papunta sa kanila. Pero hindi. Nang tumawag si Nathan kanina ay nasa Tagaytay pa umano ito at may photo shoot pa para sa isang magazine.

Hindi naman niya puwedeng iparamdam na nagpapanic siya dahil in the first place, siya ang may kailangan, siya ang dapat magpasensya.

Pero paano kung hindi siya makarating? Ayaw na lang isipin ng dalaga ang puwedeng mangyari kapag nagkaganun. Mapapahiya siya talaga ng todo.

Baka mag-migrate na lang ako sa New Zealand!

Mas nakakadagdag ng tensiyon ang walang humpay na pagtawag nina Bon-bon sa bahay nila para i-check kung dumating na siya- mabuti na lamang at mahigpit niyang ipinagbilin sa kanila na huwag sasabihin na ilang araw na siyang nasa bahay.

“Ang sabi ni Ditas, may van daw na bibiyahe galing Maynila at dadaan ng Mindoro. Gusto nilang malaman kung nakaalis ka na ng Maynila dahil gusto kang sunduin na lang para sure daw na makaka-attend ka,” sabi pa kanina ng mama niya habang nag-aalmusal.

“Anong sabi niyo?”

“Sabi ko may ticket ka na sa eroplano kaya sure namang darating ka.” Nakatinging mabuti sa kanya ang kanyang ina. “Bakit ba pinagtataguan mo ang mga dati mong classmates? E di ba pupunta ka naman talaga doon bukas? Bakit ayaw mo pang makipagkita naman sa kanila?”

“E may mga sarili akong dahilan, ma,” sagot na lamang niya. Pero ang totoo, problemado na siya at nag-iisip ng plan B kung sakaling di nga talaga makaabot si Nathan.

There is no plan B. I am doomed.

SABADO na. Alas nuwebe ay tumawag sa kanya si Nathan. Humingi ng sorry dahil late na natapos ang photo shoot, papunta na umano ang lalake sa airport. He will take the 2pm flight. Kahit naiiyak ay gracious pa din ang dalaga sa telepono. Ni hindi siya nagparamdam ng pag-aalala. Naubos na ang lakas nya kagabi sa kaiisip.

Meant For LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon