Ilang daang siglo na din ang nakalipas simula nang binuo ng Almighty God ang apat na mundo kasama na dito ang pitong Elemental Guardians.Ang unang mundo na kaniyang binuo yun ay ang MERRNIAN. Isang mapayapang mundo kung saan naninirahan ang mga mabubuting nilalang o tao na nagtataglay ng kapangyarihan na walang kamatayan. Ngunit meron silang nag-iisang ipinagbabawal na batas doon, yun ay ang umibig o kaya makipag- ugnayan sa mga ordinaryong mamamayan lalo na kapag hindi nila ito kauri. Kahit gaano kapa kalakas kapag ito iyong nilabag unti- unting hihina ang tinataglay mong kapangyarihan hanggang sa ikaw ay tuloyang bawian ng buhay at isilang muli. Ngunit hindi maging isang Merrnian, kundi isang ordinaryong mamamayan na nabubuhay sa mundo ng mga mortal.
Ang mundong ito din ay isang lagusan papunta sa kabilang mundo. Ngunit isa lamang itong sekreto na walang ibang nakakaalam kundi sila lang upang maprotektahan ang bawat isa, lalo na ang mundo ng mga tao.
Ang pangalawang mundo na kaniyang binuo yun ay ang ERIMETANIA. Mundo para sa mga ordinaryong mamamayan na hindi gaano kalakas ang kanilang tinataglay na kapangyarihan o piling tao lamang ang nagtataglay ng kapangyarihang elemental.
Ang mundong ito din ay pangalawang nagtatagalay ng mga kapangyarihan ngunit limitado lamang, lalo na kapag ikaw ay isang ordinaryong mamamayan.
Ang pangatlong mundo naman na kaniyang binuno yun ay ang EALTHEA. Mundo para sa mga ordinaryong nilalang o tao na wala ni isang kapangyarihang tinataglay, kundi ang prinsipyo bilang isang tao.
At ang panghuling mundo naman na kaniyang binuo yun ay ang EALGREAN. Isang madilim na mundo para sa mga namatay na puno ng lungkot, galit at pagkasuklam o kaya makasalanang nilalang na kailangan harapin ang kanilang kaparusan.
Ang mundong ito ay hindi isang ordinaryong mundo na 'yong inaakala. Kahit buhay kapa ay madali ka lang nakakapasok dito kapag ikaw ay nakaramdam nang kalungkutan, galit, at pagkasuklam ang siyang magdadala sayo rito.
Pagkatapos niyang lumikha ng Mundo. Na mapagtanto niya na may kulang pa at yun ang Liwanag sa madilim na mundo, kaya gumawa siya ng ARAW. Na siyang nagsisilbing liwanag sa umaga at BUWAN na nagsisilbing liwanag sa gabi. At ang panghuli yun ay ang BITUIN na siyang nagsisilbing gabay sa madilim na gabi.
Nagtaggumpay naman siya sa paglikha ng mundo at marami pang iba. Kaya bago siya natulog ng mahimbing ipinagkatiwala niya muna ito sa pitong Elemental Guardians upang pagmasdan at bantayan ang lahat na kaniyang nilikha at hinayaan niya itong mamuhay ng malaya sa kung anong gustong buhay ang gusto nila.
Naging kampanti naman ang Pitong Elemental Guardians. Hanggang sa isang araw ang Reyna ng Bituin at Hari ng Buwan nilabag nila ang nag-iisang ipinagbabawal na pag- iibigan lalo na't hindi nila ito kauri at nagbunga ang kanilang pagmamahalan na siyang lalong ikinagagalit ng pitong Elementalist.
Ngunit nanaig ang kanilang awa sa sanggol na nasa sinapupunan ng Reyna kaya inutusan nila itong itakwil at kalimutan ang kanilang anak, kapag ito ay na isilang.
Ang hindi nila alam isa palang pagkakamali na isilang ang batang may halong maruming dugong nananalaytay sa kaniyang katawan. Dahil sa maling desisyon na kanilang ginawa ang dating mapayapa at masaganang mundo na nilikha ng makapangyarihang Dyos ngayon nabulutan na ng takot at gulo.
Kaya gumawa sila ng paraan bago pa ito lumala. Isang Elemental Guardian ang naka isip ng paraan upang pigilan ang darating na digmaan. Yun ang patulogin ng mahimbing ang prinsesa ng mahabang panahon sa isang lugar na mapayapa na nababalotan ng hiwaga kasama na ang iba't- ibang klasing nilalang at mga naggagandahang bulalak.
Ang lugar na ito ay isang isla sa mundo ng Merrnian. At binansagan nila ang islang ito na Isle Merrnians dahil ito raw ang puso ng mundo na siyang nagkonekta sa tatlong mundo.
Walang nakakaalam kung saan o paano makarating dito. Lalo na't isang malaking bato lang ito na nakatayo sa malawak na karagatan.
Ilang daang taon na ang lumipas at sa pagsapit ng ika dalawang daang taong kaarawan ng prinsesa. Siya ay muling magigising ngunit marami ang nagbago sa kanilang mundo. Dahil ang dating mapayapa at masaganang mundo na kaniyang kinalakihan, ngayon nabalutan na ng kadiliman na siyang nakapagbigay ng takot sa buong mamamayan na nagdulot ng unti- unting paghihina ng mga iba't- ibang uri ng mahika dito sa kanilang mundo.
Bagama't meron pang mga isla na hindi pa tuloyang nasakop ng kadiliman at isa na rito ang malawak na isla ng Ritan. Na may limang kaharian na nakatayo ngunit may isang kaharian ang lumubog sa ilalim ng tubig dahil sa unang digmaan na naganap bago natulog ng mahimbing ang prinsesa na hanggang ngayon ay hindi pa na ibabalik.
Kaya naging dahilan upang unti- unti ng humihina ang kapangyarihan na nakapalibot sa buong isla. Na siyang nagpoprotekta sa buong mamamayan.
At sa kalagitnaan ng limang kaharian matatagpuan ang malawak na paaralan para sa mga mag- aaral na gustong magsanay o pag- aralan ang kanilang kapangyarihan para maghanda sa anomang labanan na darating upang maprotekhan ang lahat ng mamamayan sa buong isla.
At sa pagbalik ng prinsesa maraming sekreto ang malalantad at higit sa lahat ang kaniyang tunay na pagkatao lalo na ang tungkol kaniyang tunay na magulang. At kung bakit kailangan itago ang kaniyang sarili sa lahat ng mamamayan ng dalawang daang taon na walang ibang nakakaalam kundi ang kaniyang itinuring na magulang.
Ang dating kwento noon na hindi pinaniniwalaan, ngayon pinagkakaguluhan ng makita.
Ano kayang kapalaran ang naghihintay sa kaniya?
Na hindi madaling harapin.
Tulad ng kaniyang kaligayahan na kailangan muna niyang isantabi.
Yun ay ang UMIBIG.
Dahil magiging isang malaking hadlang lang ito sa kaniyang misyon.
Pagkat buhay niya at nakakarami ang nakakataya dito.Pero sabi nga ng iba kapag mahal mo ang isang tao kailanman hindi mo ito kayang pigilan.
Ang tanong ?
Matatagpuan na ba kaya niya ang taong naka tadhana para sa kaniya ? O hindi pa ?Kaya tuklasin natin ang kaniyang paglalakbay. Kung paano hinarap ng ating prensesa ang hamon na dumating sa kaniyang buhay.
At sa kaniyang paglalakbay sino-sino kaya ang kaniyang makakasalamuha ? Isa ba itong kakampi ? O kaaway ?
Mataggumpayan kaya niya ito ? O kaya magiging isa siyang hadlang sa kaniyang misyon?
*****
Enjoy reading 💖
YOU ARE READING
ERIMETANIA 1: The Darkness Begin (Awaken)
FantasyA girl named Harriet Dein fell asleep for too long in a peaceful place with different kinds of flowers and creatures around. No one knows that place is hidden behind a boulder that stands in the vast of ocean. Until one day Princess Harriet woke up...