Chapter 1

71 4 0
                                    

Lucas Matthew POV.

" Iho anak, Mag iingat ka sa Manila ha? ma mi miss ka ng mga kababayan natin dito sa Sorsogon, wala ng sisilayan ang mga babae na dadayo dito sa isla. Mag aral ng mabuti iho. Ipinag mamalaki ka namin lahat dito dahil napakatalino at napakasipag mong bata. "

Napangiti na lamang ako sa mga habilin ni nanay Cecil.

" Ano ka ba naman asawa ko, doon lang naman siya mag kokolehiyo sa Manila pero kapag bakasyon babalik siya dito. Wag ka ngang OA asawa ko" sagot ni tatay Uno kay nanay Cecil.

" O siya , sige na Matteo humayo kana para hindi ka gabihin sa daan. Kumain ka lagi sa tamang oras. Wag magpupuyat iho "

" Tumango ako at ngumiti. sign na susundin ko lahat ng habilin nila sa akin. Nagmano muna ako sa kanila bago umalis.

Pasakay na sana ako , nang biglang sumulpot si Therese na kaibigan ko. Akala ko ay makakalimutan na niya na ngayon ang alis ko.

" Hep hep! Abaa dong aalis ka ng hindi nagpapaalam sa akin? nakakatampo ka naman" sambit ni Therese

Naglabas ako ng panulat at papel para sumagot sa kanya.

Habang nagsusulat ako ay nakakunot lamang ang kanyang noo.

Pagkatapos ko mag sulat, ipinakita ko sa kanya ito bilang pagtugon

" Diba nagsabi na ako sayo noong isang gabi?"

"Iba ang ngayon at noong nakaraang gabi. Tss, hay nako matteo. Mag ingat ka doon ha? I mensahe mo na lamang ako kapag nakarating ka na doon . As if naman makatawag ka hahahahhaa" sabi niya na may halong pang aasar.

Sumulat muli ako bilang sagot.

" Abnoy ka, oo at ikaw mag ingat ka din dito. Aalis na ako bebang." pang aasar ko sa kanya habang ibinabalik na sa bag ang aking panulat at papel.

Habang nasa byahe , tahimik lamang ako at binalikan ang mga nakaraan.

Flashback-


Noong araw rin na namatay si mommy ay ang araw din ng pag alis at pag takas ko sa mansyon. Hindi ko kayang tumira sa isang bubong na may kasamang walang hiya. Nagsisisi ako kung bakit ko iniwan doon si mommy pero para sa kanya din itong gagawin ko at para sa sarili ko. Lakad at takbo ang ginawa ko dahil ano mang oras ay pwede niya pa akong mahuli.


Umiiyak ako ng araw na iyon habang naglalakad at hindi ko alam kung saan ako papunta basta ang nasa isip ko lang ay makalayo sa lugar kung nasaan ang aking ama.

Nagluluksa ako sa pagkawala ng aking mahal na ina. Natatakot ako sa kadahilanang pwede rin ako mapahamak, dahil wala akong tiyak na patutunguhan. Napapaisip na lamang ako na bakit sa edad na sampu ay kailangan makaranas agad ako ng ganito.

Hindi ko na iniinda ang gutom at uhaw, Lutang ako at wala sa sarili. Tuwing may nasasalubong akong mga tao na tumitingin sa akin ay nanginginig ako sa takot , Inaakalaang baka saktan din nila ako kagaya ng ginagawa ng daddy ko.

Ngunit mas nagulat ako noong hihingi sana ako ng tulong para makitawag sa mga tito ko pero walang tunog o boses ang lumalabas sa aking bibig . Nagtaka ako kung bakit nag ka ganon. Akala ko lamang at napaos ako kakaiyak pero hindi.
Dahil kinabukasan namalayan ko ang sarili ko na nakatulog pala at nakasandal sa isang puno. Magtatanong tanong muli sana ako sa mga tao dito kung pwede makitawag ngunit wala talagang lumalabas na boses o kahit anong tinig sa aking bibig. Napaiyak na lamang ako ng dahil sa takot at pangungulila.


Your VoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon