Ayesha Venice POV.
" Ayeng gising na aba! puyat ka na naman kakanood mo ng kdrama. Kaya ka tumataba e ,puro kain tulog na lang ginagawa mo!" sigaw ni mama sa labas ng kwarto ko. Charot wala akong kwarto,papag lang.
" Ano ba naman ma! panira ka talaga, hahalikan na ako ni Park Seo Joon e." naghihimutok kong sagot sa kanya. pampam ang wola.
" Gising na anak, nahihibang kana . Akin lang yon no , side chick ko yun .Wag kang maingay sa papa mo " tumatawang sabi niya.
Tignan mo , tignan mo .Kung makapag salita akala mo hindi din sya adik. Inaagawan pa ako ng oppa.
" Tigilan mo nga ako ma. Tanda tanda mo na e , akala mo kung sinong bagets. Act based on your age okay? don't meh mama." sagot ko sa kanya. Ganito talaga kami ni mama ,kaya wag kayo mabibigla kung magsabunutan kami niyan dito. MWHAHAHAHA , charot ulit.
Bumangon na ako at inayos ang pinaghigaan bago pa mapikon sakin si mudrakels na akala mo bagets.
"Dami mo ebas anak di ka naman naliligo. Bilisan mo at kumain kana , pasukan niyo na bukas kaya bumili ka ng mga gamit mo. Wag kang feeling richkid, sa palengke ka lang bumili." sabi niya pa sa akin sabay irap.
Aba, aba palaban talaga si mama. Di papatalo, ayaw masapawan. Sinunod ko na lamang ang sinabi niya.
Naglalakad na ako papunta sa bilihan ng mga gamit na malapit lang sa palengke. Hindi naman kailangan sa mall bumili. Hindi naman ako mag aaral ng mabuti. HAHAHAHAHAHA charot lang ulit.
Sa college life , walang bobo o matalino .Ang mahalaga samin ay ang makapasa at maka survive every semester, wag na wag lang talaga makakuha ng tres sa card.
" Taena naman , napaka init" napasabunot na lang ako sa mala shining shimmering kong buhok. Nakalimutan ko magdala ng payong. Ang negra ko na nga tapos ganto pa. Siguro noong umulan ng kaputian busy ako sa panonood ng porn, charot! Kdrama pala.
" Kdrama is lyf but food is lyfer" linyahan ko yan guys, ako lang to okay? ako lang to.Pumasok na ako sa bilihan ng school supplies, medyo naiilang ako kase pinagtitinginan ako. Nakaka disappoint naman , ngayon lang ba sila nakakita ng mala Song hye kyo? siya yung bida sa DOTS, share ko lang bakit ba?
Napatigil ako sa pagpapantasya ng may kumalabit sa akin, lalaki bessy! Shet potek ang hot. Tila hini -hipnotismo ako ng kanyang singkit na mata. Siya na ba ang aking ka poreber? charot,bawal maharot dito. Tsaka na kapag matalino na ako sa math.
" Bakit ho? Sorry pero taken na ako tsaka hindi kita type. Im really sorry to disappoint you mister." taas noo kong sabi, aba dapat pa Ma. Clara tayo. Pabebe dapat ,huwag marupok kahit yummy yung guy.
Kumunot lamang ang noo niya ng dahil sa sinabi ko. Naguluhan pa ako dahil tinuro niya yung bandang paa ko.
" Ano? anong tinuturo turo mo diyan?" Tanong ko sa kanya.
Hindi siya sumagot. Tinuro niya muli yung paa ko. Napaisip ako, ano bang meron? sa huli ay tiningnan ko rin ito.
Taena , magkaibang tsinelas ang nasuot ko. Amputek talaga. Yung isa , bakya na si mama ang may ari at yung isa naman ay normal na tsinelas lang. Kaya pala parang may mali. Bukod sa pakikipag balikan mo sa ex mo. Hindi ko na napansin kanina bago ako umalis kase nagmadali na ako, dahil kung hindi paghuhugasin niya ako ng isang damakmak na plato.
" Ahh hehe s-style yan n-no , uso kaya yan.
utal utal kong sagot, amputek nakakahiya sobra!Napatango siya, may tinuro ulit sya sa bandang braso ko . Tila nag dadalawang isip pa siya kung ipapaalam niya ba o hindi.
" Pipe kaba? Bat ayaw mo na lang sabihin. hindi yung paturo turo ka diyan, para kang timang." sabi ko sabay tingin sa braso ko.
Taena talaga x 4 . Gusto kong kainin niya na ako ngayon, i mean gusto ko ng magpakain sa lupa dahil sa sobrang hiya.
Yung strap lang naman bra ko ay kitang kita. Hindi ko kase masyadong naayos kanina , kaya ayon lumitaw ng kusa. Buti na lang hindi madumi. Taena talaga, nakakahiya sa mga tao.
" Ahh uso din yan kuya hehe" sagot ko habang nagkakamot ng ulo.
Tumango na lang siya sabay talikod. Aba snobber ang kuya mo. Sayang guwapo pa naman.
Inayos ko na lang yung strap ng bra ko, amputek nakakahiya talaga. Hindi na ako nag abalang bumili pa ng tsinelas sayang pera , pang go surf 50 na din yun no.
Dumiretso na lang ako sa bilihan ng notebook, hmmm dahil college naman na ako , binder na lang bibilhin ko. Laking pasasalamat ko dahil hinayaan na ako ni mama bumili mag isa . For sure kapag kasama ko yon ipipilit na naman niya na bilhin sa akin yung notebook na may mukha nila darna, captain barbel baka nga mayroon na din si Cardo. Lupet din ng isang yon , buhay pa din hanggang ngayon. Mas matagal pa nga ata yung' Ang probinsyano" kaysa sa relasyon niyo.
Dahil education nga ang kinuha ko, kailangan ko ng madaming ballpen, kase more on writing yon. Nagdadalawang isip pa ako kung bibili pa ako ng marami, kase mawawala din naman agad yon. Mapupunta lang din naman sa kaklase mo,sayang kwarta .
Bumili na rin ako ng bondpaper , coloured paper . Alam mo payo ko sayo bilhin mo lahat ng klase ng papel , para mag ka papel ka naman sa buhay ng crush mong hindi ka crinushback. Alamin mo muna kung sino unang nagkaroon ng covid- 19 bago ka humarot hane?
Magbabayad na sana ako sa cashier ng biglang may tumawag sa phone ko. Bestfriend ko si Eloisa
Eloisabog is calling...
Sinagot ko na lang yung tawag niya, ano na naman kayang kailangan nito.
" Hoy ayeng nakabili ka na ba ng mga gamit mo? Agahan mo bukas gaga , balita ko terror daw prof natin sa first subject. " sabi niya sa kabilang linya.
" Hoy ka den demonyo ka. May kasalanan kapa sa akin! pabuhat ka sa ml tanga, nawalan tuloy ako ng star. Lakas mo mag aya cancer ka naman!" pasigaw kong sagot sa kanya, napatingin tuloy sa akin yung babaeng nasa cashier. Pano ba naman kase ng dahil sa kanya nawalan ako ng star. Amputek.
" Easy ka lang bobo, oo na sorry na . Adorble home na lang lalaruin ko. Mag aalaga na lang ako ng mga hayop. Gusto mo alagaan din kita? tutal mukha ka din namang animal HAHAHAHAHA," tumatawa niyang sabi.
" Gago wala kang kwenta, ba bye na ." Narinig ko muna ang malakas niyang tawa bago ko patayin yung tawag.
Lakas mang asar, yari ka sakin bukas na animal ka.
Kahit ganyan kami ng bestfriend ko, mahal na mahal ko yon. Share ko lang ulit.
Matapos kong magbayad sa cashier, nag pasyahan ko ng umuwi pero bago yon kumain muna ako ng kwek kwek sa palengke.
Kailangan ko na umuwi, manood pa ako ng kdrama.
Amputek! Pasukan na naman bukas , naiinis ako kapag naiisip ko yon. I'm not yet ready huhu di ko pa tapos yung what's wrong with secretary Kim.
Pagdating ko sa bahay , inayos ko muna yung gamit ko para bukas. Kagaya nga ng sinabi ko , manonood ako ng kdrama.
Hay nako ayoko pa mag bukas.
BINABASA MO ANG
Your Voice
RomanceTumakas si Lucas Matthew sa puder ng kanyang ama sa edad na sampu, matapos nitong patayin ang kanyang ina sa mismong harapan nito na nagdulot sa kanya ng matinding trauma. Simula noong araw na namatay ang kanyang ina ay hindi na sya nakapag salita...