Chapter 3

38 2 0
                                    

Lucas Matthew POV.

After two years......

Kakauwi ko lang galing sa trabaho. Nag sa- summer job ako sa isang maliit na coffee shop malapit dito sa amin. Isa akong dishwasher , nilagay ako doon ng manager kase hindi pa rin ako nakakapag salita. Gusto ko din makatulong ako kay kuya Zach at para magkaroon ako ng pera pang bili ng gamit sa school. Noong april ay umuwi ako sa Sorsogon gaya ng lagi kong ginagawa every vacation. Bumalik din ako agad dito sa Manila nitong June kase kailangan ko nga mag summer job.

Kumuha ako ng papel at ballpen para magpaalam kay kuya Zach na bibili ako ng gamit ko para bukas.

" kuya Zach, alis muna ako . Bibili ako ng gamit para bukas."

Pagkatapos kong isulat yon, hinanap ko agad sya. Nakita ko siya sa sala nanonood ng basketball habang nag aayos ng bag niya na gagamitin para bukas . Graduating na siya this year and ako naman is 3rd year.

Kung itatanong niyo kung paano ako naka survive sa dalawang taon ko dito sa college. Hindi ko din alam kung paano. Basta ako aral lang aral. Ang daming disadvantage kapag di ka nakakapag salita. Ang hirap makisama sa mga normal na studyante. Naranasan kong ma bully, naranasan kong sigaw sigawan ako sa harap ng maraming tao. Naranasan kong mapahiya, gustong gusto ko ipagtanggol sarili ko non pero wala akong magawa. Si kuya Zach lagi ang nandyan tuwing kailangan ko ng karamay, kaya sobrang laki talaga ng utang na loob ko sa kanya.

Hindi madali ang college life, hindi kailangan ng matalino dito, all you need to do is to be brave, kailangan masikap at madiskarte ka para hindi mapag iwanan.
Lalo na't pag aabogasya ang course na kinuha ko, umaasa ako na makakapagsalita muli ako. Sa katunayan ay nagiipon na ako ng pera pang pa check up , sabi kase ng doctor dati kailangan ko daw mag pa therapy. Wala kaming pera noon kaya sabi ko kay nanay Cecil na hayaan na dahil babalik din naman siguro ako sa dati.I have 2 years left . Kailangan makapag salita na ako dahil kung hindi ,sayang lang ang pag aaral ko dito sa Manila.

And I don't want to disappoint my mommy and also nanay Cecil and tatay Uno.

Lumapit ako kay kuya Zach at ipinabasa ang sinulat ko.

Napatingin siya doon at tumango bilang pag sang ayon.

"Ganon ba? sige mag iingat ka Matteo, umuwi ka agad dahil maaga pasok natin bukas" paalala niya sa akin.

Tumango ako at ngumiti bago umalis sa bahay.

Doon na lang ako malapit sa palengke bibili ng gamit dahil kailangan ko mag tipid at kailangan ko rin mag ipon para mabili ko yung libro na kailangan sa course na kinuha ko. The price is too expensive.

Pumasok na ako sa bilihan ng school supplies, binder lang naman bibilhin ko tsaka ballpen , may mga gamit pa naman akong natira sa bahay na hindi ko nagamit last school year, sayang din yon.Hindi naman kase pinupulot ang pera kaya kailangan magtipid.

Habang pumipili ako ng binder , There's a girl that really caught my attention. Mali, dahil lahat ng attention ng mga tao dito ay nasa kanya. Kunot noo ko siyang tiningnan, tila hindi siya aware na laglag na yung strap ng bra niya at magkaiba ang suot niyang tsinelas. Is she a girl or what? wala ba siyang pakialam sa paligid niya?

Napailing na lang ako at tumalikod na. The hell I care? Hindi ko naman siya kilala kaya hinayaan ko na. Pupunta na sana ako sa cashier para bayaran na ang mga nabili ko pero hindi pa ako nakakalapit ng makarinig ako ng mga tawanan at bulungan. Hay nako mga tao nga naman , imbis na ipaalam doon sa tao e hinahayaan lang nila .Ang mas malala ay pinagtatawanan pa. Yeah it's more fan in the Philippines.

Napairap na lamang ako sa hangin at lumapit doon sa babaeng parang walang alam sa paligid. Concern citizen lang ako. Tsaka madami rin lalaki dito, na tila nag eenjoy sa nakikita.

Lumapit ako sa kanya at kinalabit ko siya, tumingin siya sa akin ng may pagtataka .

Humarap siya na tila naguguluhan sa ginawa kong pagkalabit.

" Bakit ho? sorry pero taken na ako tsaka hindi kita type. Im really sorry to disappoint you mister." kompyansa niyang sagot.

Napakunot ang noo ko. Ano daw? as if naman type ko siya. Tinuro ko yung paa niya , tumingin muna siya sa akin.

" Ano? anong tinuturo turo mo diyan?" tanong niya .

Sa huli ay tiningnan niya din ang tinutukoy ko.

I saw her expression, hiyang hiya siguro siya ngayon, lalo na sa mga pinagsasasabi niya.

Ibinalik niya muli ang tingin sa akin. " Ahh hehe s-style yan n-no , uso kaya yan." utal utal niyang sagot.

Tumango ako, nagdadalawang isip pa ako kung sasabihin ko din ba na litaw yung strap ng ano niya, basta yun na yon. Sa huli mas pinili ko na lang sabihin, andito na rin naman.

Tinuro ko yung sa bandang braso niya, hay nako ang hirap naman nito.

" Pipe kaba? Bat ayaw mo na lang sabihin. hindi yung paturo turo ka diyan,para kang timang. " sambit niya, sabay tingin sa kanyang braso.

Hindi ako pipe babae, gusto ko sanang sabihin yan kaso useless din naman.

Nakita ko kung paano siya nagulat, hindi ba talaga siya aware? ang manhid niya naman.

Tumingin siya sa akin na tila ba hiyang hiya.
" Ahh uso din yan kuya hehe." napakamot na lang siya sa kanyang ulo.

Abnormal.

Tumango na lamang ako at tinalikuran siya. Pagkatapos ko mamili ay umuwi din agad ako. Madami pa akong kailangan asikasuhin para bukas.

Pagkauwi ko sa bahay , kumain muna kami ni kuya Zach bago pumasok sa kanya kanya naming kwarto.


Habang nag pa plantsa ako ng aking uniform na gagamitin para bukas ay naalala ko na naman yung babae kanina.

Ano daw? hindi niya ako type? Lah kung makapagsalita akala mo maganda, Assuming masyado.

Inalis ko na lamang yun sa isip ko at natulog na pagkatapos ko mag plantsa.

Hayy panibagong pakikibaka na naman ito bukas. Goodluck self.

Your VoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon