Lucas Matthew POV.
Pagkauwi ko sa apartment ay wala akong naabutan. Nitong mga nakaraang araw, hindi kami nagpapang abot ni kuya Zach. I know that he's busy with his plates. Nagluto lang ako ng Pancit canton with egg, wala akong ganang magluto ngayon dahil siguro sa pagod. Pero kahit ganoon, hindi ko ikahihiyang aminin na masaya ako. I saw her face, I saw her today but not in the good situation. Kung tutuusin kulang pa ang isang sapak kay Totoy, namamaga kase yung kaliwang pisngi ni Venice. Fuck them, wala silang karapatan manakit ng babae. I'm mad at my self dahil paniguradong ako ang dahilan kung bakit nila iyon ginawa sa kaniya. Hindi ko rin alam kung bakit ganito ang epekto ng babaeng 'yon sa akin. Samu't saring emosyon ang nararamdaman ko kapag nandiyan siya na nagdudulot sa akin ng takot. Takot na baka lumalim pa ito.
Nag chat ako sa kaniya kanina habang gumagawa ng project. Masiyadong madaming sinasabi ang babaeng 'yon , e siya lang naman kausap ko bukod sa isang groupchat. But at the same time natutuwa ako reaction niya. I don't why, maybe because I already had a crush on her? Wtf . Nababakla na ata ako.
Matapos ko mag reply sa kanya ng goodnight ay pinagpatuloy ko na muli ang paggawa sa aking project.Kinabukasan, maaga ako pumasok sa school dahil ayoko talaga sa lahat ay nahuhuli sa klase. Hindi ito magandang katangian ng isang tao. Ganoon pa din naman matapos ang buong araw, puro reporting, recit at digest. Kahit hindi pumasok ang Prof, may iiwan pa din na gawain or may mag sa substitute. Walang ligtas.
Kasalukuyan akong naglalakad ngayon palabas ng school. Nag aya si Franchesca na kumain daw kami sa labas, but I refused. Ayoko na makipag interact sa kaniya hangga't maari. Iwas gulo at iwas issue. Napadaan ako sa building ng mga Educ students, ngunit agad nangunot ang noo ko ng marinig ang malakas na boses ni Ayesha na tila nakikipag away na naman. What the hell? masyadong lapitin ng gulo ang babaeng ito.
" Ano na naman bang kailangan niyo? Mga bakla ba kayo ? Ang dami niyong putak, ang dami niyong sabi. Parang pwet ng manok yang mga bibig niyo. Nakakairita, alam niyo ba 'yon?!" Ayesha said while fixing her books. Nalaglag ata dahil tinulak siya. Muli na naman akong nakaramdam ng galit. Walang pakundangan ko silang nilapitan at pumunta sa harap niya. Nagulat pa sya sa pagdating ko pero hindi ko siya pinansin at itinuon ang tingin sa mga lalaking humaharang sa kanila ng kaibigan niya. " Bakit ka nandito? Mauna kana, baka madamay ka pa dito." Dinig kong bulong nya sa likod habang tinutulak ako paalis. My forehead creased, abnormal talaga. Kung makaakto akala mo siga sa kanto. Ibang klase.
" Oh, dumating na naman yang night and shining armor mong pipe, may kasalanan pa sa amin yang gago na yan, masiyadong hambog. Tang ina mo Villaforte, wala kang mararating sa buhay. Ang pipe ay walang lugar sa paaralang ito! tandaan mo yan gago." Tila nabingi ako sa narinig ko, alam kong may kapansanan ako pero wala naman ata silang karapatan para maliitin ako. Sasapakin ko na sana yung taong nagsabi nun ngunit naunahan ako ni Ayesha, hindi pa ito nakuntento at pinagsisipa pa ang lalaki.
" Mas gago kang hinayupak ka, sa inyong dalawa, ikaw ang walang mas mararating tang ina mo ka. Sa inyong dalawa, mas wala kang kwenta. Mga kagaya niyo ang walang lugar sa paaralang ito. Mga pabigat sa magulang! Sa inyong dalawa, mas ikaw pa ang nag mumukhang may kapansanan. Ikaw na kumpleto at walang deperensya sa katawan ay walang ibang ginawa kundi manlait at manakit ng mga taong walang laban. Napaka basura ng ugali niyo. Mga gago! Sa susunod sasabihin ko sa mga guard na isama na din kayo sa mga kukuha ng basura, bukod sa patapon kayoo, mababaho pa ang mga amoy niyo." sigaw ni Ayesha ng malakas. Hindi ko alam kung anong nangyari sa akin pero namalayan ko na lang na may tumutulong luha sa aking mata. Nakaramdam ako ng kakampi. Buong buhay ko, lagi akong nasasabihan ng masasakit na salita. Buong buhay ko, kinikimkim ko lahat. Ganito pala pakiramdam ng may isang taong handang ipagtanggol ka. Ang sarap sarap sa pakiramdam.
BINABASA MO ANG
Your Voice
RomanceTumakas si Lucas Matthew sa puder ng kanyang ama sa edad na sampu, matapos nitong patayin ang kanyang ina sa mismong harapan nito na nagdulot sa kanya ng matinding trauma. Simula noong araw na namatay ang kanyang ina ay hindi na sya nakapag salita...