Ayesha Venice POV.
Hi guys! welcome back to my YouTube channel. Kung bago ka pa lamang sa aking channel edi welcome, kung ayaw mo naman dito edi umalis ka. Pakialam ko sa' yo HAHAHAHA. So for today's video , me and my classmates have group activity.
MWHAHAHAHA char lang guys, nag pi- feeling vloggerist lang ako.
So ayon nga , may pinapagawang activity sa amin pero by group.
" Hoyy yung mga group 2 diyan pumunta dito sa harapan." sigaw ni Eloisa.
Nagsimula na silang mag puntahan sa unahan habang ako chill chill lang.
" Ayeng ano ginagawa mo diyan?" Eloisa asked.
" Tanga , nakaupo ano pa ba?" sagot ko habang naglalakad papuntang harap.
Inirapan niya lang ako. Hahahaha.
Ayoko sa lahat yung groupings, yung iba kase umaasa lang sa mga leaders. Yung leader na nga ang gumawa at nag isip ng report tapos leader pa rin magiging reporter. Diba? parang tanga lang yung ibang members, tapos kapag hindi nilagay yung pangalan ni sa wamport sila pa may ganang magalit. Mga wala namang ambag kundi kwento lang, minsan nga na ma- minus-an pa dahil maingay sila. Mga kulang sa aruga amputek.
" Guys makinig kayo mabuti, kung ayaw niyo malaya na kayong humanap ng ibang group. Hindi kayo mga kawalan tanga. Ang na assign sa ating topic is Politics and Governance ( with Philippines constitution). Familiar naman na siguro kayo dito kase lahat naman tayo HUMSS noong grade 12. Kung sa 9 discipline ng social sciences, sa political science siya pasok syempre. Ang objectives natin dito is To understand the basic concept of political science, To develop a critical way of thinking in interpreting Politics and Governance. Lastly , to evaluate how they know and understand the topic. Masyadong malawak 'tong topic natin dahil pasok yung mga batas dito, kaya wag kayong patamad tamad diyan. Mag search kayo lahat, ang hindi makapag bigay ng Information ay hindi isasali sa group." mahabang paliwanag ko sa kanila.
Tila natahimik silang lahat dahil sa mga sinabi ko. Sorry sila, ako yung pinili nilang leader e.
" Woah ayeng, feeling ko tuloy kapatid mo si Albert Einstein. " namamanghang tugon niya.
" Tigilan mo ako, ikaw na ang mag assign sa kanila ng topic na pag aaralan at i se search nila. We have 45 minutes to do that report." sambit ko habang umupo muna. Ako naman mag susulat sa manila paper kaya wag na silang umangal.
Hindi ko na kailangan aralin lahat ng 'yon, nag advance reading kase ano nung bakasyon. May utak din naman kase ako pa minsan minsan guys, don't judge me huhu.
" Okay boss." maikling sagot niya.
" Pagkatapos niyo aralin at i search, isulat niyo sa papel. I ta - transfer ko pa yan sa manila paper. Wala kayong karapatan dumaldal kase madami yang gagawin niyo." pahabol ko pang sermon sa kanila.
Shhh lang guys, kunwari matalino MWHAHAHAHHAA.
Mag uuwian na maya maya. Pupunta kaya siya? Hays bahala na nga.
Nakatulala lang ako sa bintana habang sila ay busy doon sa pag se- search, waiting na lang ako sa kanila. Feeling ko hindi naman matutuloy yung reporting ngayon kase kulang na sa oras. Si ma'am Valdez naman tamang nood lang ng ika anim na utos sa YouTube. Paano ko nalaman? nakita ko lang naman nung dumaan ako sa gilid niya para magpunta sa cr. " Para kang aso na mahilig sa tira tira Georgia" dinig ko pang sabi ni Emma doon sa pinapanood ni ma'am. Halatang GG na si ma'am kase ang higpit ng hawak niya sa cellphone.
BINABASA MO ANG
Your Voice
RomanceTumakas si Lucas Matthew sa puder ng kanyang ama sa edad na sampu, matapos nitong patayin ang kanyang ina sa mismong harapan nito na nagdulot sa kanya ng matinding trauma. Simula noong araw na namatay ang kanyang ina ay hindi na sya nakapag salita...