Chapter 15

19 1 0
                                    

Ayesha Venice POV.

" Hoy ayeng anong nangyari sayo? kanina ka pa ganiyan simula ng makabalik tayo dito sa room."  nag aalalang tanong ni Eloisa.

Tama siya , kanina pa ako tahimik simula ng makabalik kami dito sa room. Masiyado akong lutang, bakit kase hindi siya pumasok?  Baka naman tinanghali ng gising o baka may problema lang sa bahay nila . Wag ka ngang OA self .

" Basta, wag kana makulit.  O eto na yung bente , bili ka na ng lunch. Hindi ako kakain ,busog pa naman ako e." sabi ko sabay abot sa kaniya ng bente.

Tiningnan niya ako ng masama. Anong problema nito? Wag niya ako ganyanin aba, badtrip pa ako doon sa babaeng kung makatingin sakin ay akala mo aagawan ng jowa .

" Sayo na bente mo gaga. Anong mabibili ko diyan? burger na sobrang liit ng patty? Alam mo naman na ginto ang mga bilihan sa canteen. Geh lunch muna ako." sagot niya sabay talikod.

GG si ate mo ghorl hahaha. Oks na din na tinanggihan niya, pang load din yun no.

Ginto mga bilihin sa canteen, kaya minsan pinag babaon na lang ako ni mama para makatipid daw.

Lucas Matthew Villaforte? ampucha. Ang ganda ng pangalan. Paano ko kaya maisasauli yung payong at jacket niya? gusto ko din masigurado kung okay lang ba siya .

Nag iisip ako kung paano ko siya ma co contact.

" Amputek! Ang talino mo talaga self MWHAHAHAHA."  exclaimed

Tama, I a - add ko siya sa fb. Meron naman sigurong account yon , dahil kung wala, aba  taong bundok siya. Hindi naman siguro siya doon nakatira hane? nasa Manila kaya kami.

Excited kong inilabas ang aking iPhone, charot. Cherry mobile lang MWHAHAHA.

Nang makuha ko na ito sa bag, binuksan ko agad ang data at nag simula na mag search.

Una kong sinearch yung  Lucas Matthew Villaforte, kaso puro taga ibang bansa yung lumalabas. Meron pala akong nakitang William Villaforte na medyo hawig niya, baka naman tatay niya yon. Inistalk ko yung William, aba sobrang yaman. Wala naman siyang friends na Lucas kaya tinigil ko na.

Sinunod ko naman yung Lucas Villaforte, may mga lumabas naman pero hindi siya yung nasa profile e.

Hay nako, baka naman wala 'tong fb. Wala naman akong Instagram at twitter para mag search don. Ang hirap niya naman hanapin.

Last na tong pag se search ko, pag eto wala susuko na ako. Nakakapagod kaya.

Matthew Villaforte, yan yung sinearch ko. Scroll lang ako ng scroll ng biglang...

" Gago ka nahanap din kita sa wakas!" masayang sambit ko. MWHAHAHAHAHA

Nag send agad ako ng friend request sa kaniya.

Mapapamura ka talaga sa Profile picture niya e.  Nasa gym siya 'non. Nakaupo  na tila ba katatapos niya lang mag work out.
Naka black siyang damit, yung walang sleeve sa magkabilang gilid.

" Potaena, ang yummy." namamanghang sigaw ko .

Napatingin tuloy sa akin mga kaklase ko.

Gusto ko ng kape guys huhuhu, may pandesal si Matthew. Ang hot hot niya doon sa profile niya.

Tiningnan ko kung ilang reacts, potek 589 tapos puro heart lang. Napakunot yung noo ko ng makitang puro babae 'yon. Aba aba dami atang nagkakagusto sa bebe ko ah.

Your VoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon