Chapter 12

23 2 0
                                    

Lucas Matthew POV.

" Nandyan kana pala Lucas, o bakit basang basa ka? wala ka bang dalang payong? " tanong ni kuya Zach pagpasok na pagpasok ko sa bahay.

Pagkakaba ko ng tricycle kanina, tumakbo agad ako. Sana lang hindi nabasa mga gamit ko. Fuck!

Umiling na lang ako kay kuya bilang pagsagot. Kahit na ang totoo ay nagdala naman talaga ako ng payong kanina.

" Ganun ba? bakit hindi mo ako tinawagan para nasundo kita. Ikaw talaga, sige na magbihis kana doon. Ako na bahala magluto ng dinner Matteo, magpahinga kana lang." nag aalala niyang sambit.

Ngumiti ako kay kuya bago pumasok na sa kwarto ko.

Tiningnan ko agad kung nabasa ba yung mga gamit ko sa loob ng bag. Fuck, sana hindi. Mahahalaga pa naman lahat ng nakalagay doon, lalo na yung libro na ke mahal mahal .

Nakahinga ako ng maluwag dahil hindi ito nabasa, Lalabhan ko yung bag ko, baka mamaho yun bukas sa room. Advance ako mag isip e.

Nang matanggal ko na yung mga gamit sa loob ay dumiretso na ako sa cr, isasabay ko na sa pag ligo ko.

Hindi ko na tinagalan maligo dahil nilalamig ako, gusto ko na magpahinga. Masyadong maraming bagay ang nangyari ngayon.

Bago ako matulog, isang tao lang ang nasa isip ko. Nakauwi na kaya siya?

Napangiti ako ng maalala yung mga nangyari kanina. Hindi ko alam kung bakit ko ginawa lahat ng iyon, kusa na lang akong nagugulat kung ano yung inaakto ng katawan ko. Hindi ko naman siya kilala diba? so dapat wala akong pakialam sa kaniya, pero bakit ganon?

Kanina nung nasa school pa kami, naiirita ako sa mga nakatingin sa kaniyang lalaki, mga manyakol. Hinintay ko talaga siya kanina kahit pwedeng pwede naman na akong umuwi.

" Ahh hehe. Maraming salamat pala boy, libre na lang kita. Ano ba gusto mo? me ? myself or i? "

Napangiti ako ng maalala yung tanong niya kanina. That girl is really cute. Noong una kaming nagkita, she said " taken na ako tsaka hindi kita type. Im really sorry to disappoint you mister." tapos kanina , bumanat siya ng ganon. HAHAHAH abnormal talaga.

Siya yung babaeng kung kumilos ay lalaki. Wala siyang pakialam sa paligid niya na tila ba may sarili siyang mundo.

She's beautiful. Her long eyelashes, her hazel eyes, her nose and pinkish lips.

Fuck! what the hell is that? bakit masyado ko ata siyang pinupuri.

Pero yeah, she's really beautiful in her simple gesture. Hindi niya na kailangan mag effort para mag make up, teka nga make up? parang wala nga siyang alam doon e.

Isa pa, napansin ko din na pala mura siya. Pasmado ata bibig ng babaeng ' yon, boses lalaki naman hahaha.

Inakbayan ko siya kanina nung lumulusong kami sa baha, masiyado kase siyang malayo dahilan para mabasa yung braso niya. Hindi ko na inisip kung ano yung iisipin niya, concern citizen lang naman ako no. No need to explain.

" Hindi naman ako masiyadong basa e, ikaw din magpunas kana. Basang basa ka kaya kaysa sakin."

Bigla na lang pumapasok sa isip ko yung mga sinasabi niya kanina. Nang makita ko na basa yung mga braso niya , kinuha ko agad yung face towel sa bag at ibinigay ito sa kaniya. Ang totoo, mas basang basa pa ako sa kaniya pero hinayaan ko na lang. Malakas naman resistansya ko ,hindi kagaya ng sa kaniya na medyo payat. Babae din pati siya. Fuck! bakit ba ako masiyadong nag aalala, e hindi ko naman siya kilala. Name niya nga hindi ko alam e .

Your VoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon