Chapter 6

32 2 0
                                    

Ayesha Venice POV.

Mabilis lang lumipas ang mga araw, kasing bilis kung paano kayo nag break ng jowabels mo dahil ipinagpalit ka niya sa malapit. Opss sorry pasmado.HAHAHAHHA char!

September na ngayon, isang buwan na din ang lumipas mula ng mag start na ang klase. So far , hindi pa naman masyadong stress. Puro reportings pa lang ang pinapagawa ng mga prof.

Today is Saturday!  kagaya ng nakagawian namin ni Eloisabog , pupunta kami mamaya sa favorite place namin.  Overlooking ' yon na medyo malapit lang dito sa lugar namin. Every saturday ng  hapon kami pumupunta doon. Wala lang, na re-relax kase kami kapag nasasaksihan namin yung paglubog ng araw. Sa lugar kase na ' yon kitang kita mo lahat. Maganda din siya sa gabi kase makikita mo yung city lights.

10 am na pala, tanghali na naman ako nagising syempre , ano pa bang bago?bukod sa ex mong naghanap ng bago. Hala sorry nadulas HAHAHAHA.

Pumunta na akong kusina pagkatapos ko ligpitin ang aking higaan. Gutom na ako bessy!

Aba, himala ah. Tahimik sa bahay ,ibig sabihin wala si mama . Siya lang naman kase maingay dito, sobrang tahimik ko kaya. O bakit may angal?

Binuksan ko kaagad  ang kaldero dahil I'm so hungry na talaga  , pero amputek pagtingin ko walang laman.  Agad na nag init ang ulo ko.  Wala pa naman si mama dito, tapos sila kuya at ate nasa trabaho . Si papa ata nandon sa vulcanizing shop.

Uutang na lang muna ako siguro ako kay aling berta na sobrang chismosa .  Akalain mo 'yon? may jowa daw ako. Nakita niya kase ano non na lumabas sa bahay nila Sky,   e gumawa lang naman kami ng group projects. Madami kami roon sa bahay nila tapos nung alam akong 7 pm na nagpaalam ako na uuwi na kase baka hinahanap na kako ako ni mama . Palusot ko lang yon siyempre  MWHAHAHAHA, manonod lang talaga ako ng kdrama.  Syempre pumunta ako dahil baka hindi nila ako isama sa listahan ng members no! tsaka sayang din pancit canton na niluto nila. Hinatid pa ako ni Sky non hanggang gate , yan tuloy nakita kami ni aling berta. Tapos ayon nga kinalat niya na baka buntis na daw ako o ano.  Tinawanan na lang siya ni mama kase di naman daw siya naniniwala na mabuntis ako e wala nga daw nanliligaw sa akin kase 'di daw ako naliligo. amputek! minsan minsan lang naman kapag inatake ako ng katamaran.

Lumipas ang ilang araw ng makasagap kami ni mama ng balita. MWHAHAHAHA alam mo ba kung ano? syempre hindi pa , bobo mo talaga.hahaha char. Ayon nga nalaman namin na yung anak ni aling berta ay apat na buwan ng buntis.  Tumawa na lang kami non ni mama . Chismosa kase e ayan tuloy sa anak niya nangyari .

Hala ang daldal ko talaga!

Lalabas na sana ako ng pinto ng makita ko si papa sa labas, pinapakain yung mga kapatid ko.

Taena, mas mahal pa ata ni papa yung mga manok niya kaysa sa akin. Kaya pala wala ng kanin sa kaldero kase ipinapakain niya dito. Nakakainis.

" Oh ayeng gising kana pala" sambit niya.

"  Ay hindi pa, tulog pa kaya ako. " pambabara ko sa kanya.

Nagulat ako ng bigla niya akong sinampal.

" Ayeng gising na! naglalakad ka na naman ng tulog ."  nag aalala niyang tugon.

Amputek? naniwala  talaga si papa? ang sakit ng sampal niya nakakainis.

" Ano ba naman pa? bakit kailangan manampal? nagbibiro lang ako sumakay ka naman! "  sabi ko sabay himas sa pisngi ko na sinampal niya.

" Ay joke ba 'yon anak? dapat pala tumawa ako, korni mo naman mag biro ayeng." sagot niya habang papasok sa loob ng bahay.

" Dami mong ebas pa! pahingi na lang po ako ng pera, bibili akong pagkain. " 

Your VoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon