Chapter 4

36 2 0
                                    

Lucas Matthew POV.

" Damn! it's already 6:15 in the morning!"
napasigaw na lang ako sa isip ko. As if naman makapagsalita ako. Why kuya Zach didn't wake me up? Arghhhh!

Hindi ko na inayos yung hinigaan ko dahil wala na akong oras, dumiretso na agad ako sa cr para maligo.

Natulog naman ako kagabi ng maaga, then nagising ako ng 3:00 am , sabi nila kapag nagising daw ng ganoong oras it means may demonyo daw na nakatingin sayo.

Napailing na lang ako sa naiisip ko, gago self  ' di ka bakla. Dahil hindi na ako makatulog mula sa pagkaka gising ko  , kinuha ko na lang yung sketch pad ko para mag drawing, malamang sketch pad nga e tss. Bukod sa pagtugtog ng piano, mahilig din ako gumuhit. Namana ko lahat ito kay mommy.

Nagsimula na ako mag drawing, nagbabaka sakali na antukin muli ako. Lumipas ang isang oras at dinalaw na ako ng antok, bago ako humiga chineck ko muna yung alarm sa phone ko.

Kasalanan to ng alarm e .pag tingin ko kanina sa phone ko,  bago ako pumasok sa   cr para maligo ,low battery na pala. Damn it!

Wala na akong sinayang na oras, nagmadali na akong kumilos . Binaon ko na lang yung sandwich na inihanda kuya para sa akin hindi ko naman na kase makakain dito dahil ma le- late na ako.

Lakad at takbo ang ginawa ko papunta sa terminal ng tricycle. 

Laking pasasalamat ko ng makita na isa na lang ang hinihintay ng driver para makaalis na.

Anim na pasahero kase ang kailangan sa isang tricycle bago ito mamasada. Apat sa loob at dalawa sa labas.

Tumakbo na ako para sumakay doon. Nang biglang..

" Hep hep! Ako ang nauna ! ako ang nauna dito! doon kana lang  sa susunod na tricycle sumakay " sabi niya hinaharangan ako.

Siya na naman? napatitig ako sa mukha niya na halatang tumakbo din. Pawis na pawis at hindi pa nakakasuklay.

Tss pakialam ko ba dito? e ako naman ang nauna ,hinarangan niya lang ako.

" Hoy kayong dalawa diyan!  sumakay na yung isa dito oh! para makaalis na ako at makapag sabong! lintek nakaka perwisyo kayo e !" sigaw niya sa amin. Akala ko naman kung ano, gusto lang pala mag sugal tss.

Tiningnan ko yung relo ko, shit it's already 6:45 am. 

Humarap ako sa kanya at inalis  ang pagkakaharang niya sa akin. Tinasaan ko siya ng kilay. No, not this time miss. Hindi kita mapagbibigyan ngayon, dahil kagaya mo ma le- late na din ako.

Tinulak ko siya ng bahagya para makasakay na  ako.  Kinalabit ko si kuya na driver at sumenyas na pwede na kaming umalis. Hindi na siya nagtanong kung saan ako ibababa dahil nakita niya naman yung uniform ko.

" Pakyu ka sagad! " sigaw niya sabay pakita ng middle finger niya. "  Makarma ka sanang tarantado ka!  tamaan ka sana ng kidlat!" pahabol na sigaw niya bago siya tumalikod at mag hintay muli ng tricycle.

Pasmado masiyado ang bibig ng babaeng 'yon, palamura.  Kulang ata sa aruga.

Napailing na lang ako sa sinabi niya. Tamaan daw sana ako ng kidlat? What the fudge, e putok na putok nga yung araw.

Abnormal.

Agad akong nagmadali ng makababa ako sa tricycle.  Tumakbo na ako papasok sa school. Nagdarasal na sana wala pa doon yung prof namin. Pangit ang magiging first impression sa akin kapag na late ako.

Napabuga ako ng hininga sa hangin ng malaman na wala pa doon si prof. Sinalakay na naman ako ng kaba.

" Kakayanin mo yan Lucas! laban lang!"  sambit ko na lamang sa aking isipan.

Sino pa bang mag chi- cheer up sa akin kundi sarili ko lang. I can do this, naka survive nga ako ng 2 years sa college e ngayon pa kayang malapit na ako makatapos. Hoping na makapag salita na ako this time. Nararamdaman kong malapit na.

Mommy guide me ,  I miss you so much.

Pumasok na ako sa room, siyempre suot ko na naman ang aking maskara na siyang nagtatago kung ano ang totoo kong pagkatao. Wala  mababakas na emosyon sa mukha ko kumbaga. 

Napatingin sila sa akin nung pumasok na ako, pamilyar yung mukha ng iba kase kaklase ko din sila last year.

" Ang ganda ng mata niya, chinito si papi! teka parang may hawig siyang oppa."

" Shet naman Mariae! bakit di mo sinabing may ulam dito, sana nagdala ako ng kanin."

" Gwapo nga pipe naman."

" Harot mo gaga.  Wag ka diyan, ' di yan nagsasalita. "

" Ulol ka Matthew bakit kaklase ka na naman namin?  Pabibo ka palagi e ! pipe naman."

Dinig kong bulungan nila about sa akin. Bulong nga ba ang mga 'yon? e dinig na dinig ko nga e. Idiots tss.

May mga tao talagang ibababa ka, kahit wala kang ginagawang masama sa kanila. Hindi naman mawawala ' yon e.

Remove toxic people in your life. Wala silang maitutulong sa 'yo.

Don't let other people brings you down. Kill your enemy  with success and bury them with a smile.

I pity them.

Humanap  na lamang ako ng mauupuan at buti na lang meron pa . Thanks God, malapit ako sa bintana. Para naman makalanghap ako ng sariwang hangin bukod sa hininga nilang lahat.

Hindi rin nagtagal at dumating na yung prof namin. Sabi niya pa nga magpakilala kami isa isa sa harapan but we refused. Hindi na rin naman kami mga bata.

Wala naman masyadong ganap ngayong araw , hassle lang talaga kaninang umaga. Kagaya ng ibang prof, nagbigay lang sila ng schedule at iilang rules sa amin.  First day of school nga naman kase , chill chill daw muna kami. Kase for sure next month , madugong labanan na naman ito lalo na sa kagaya naming pag aabogado ang kinuha.

Pagkatapos ng klase ay umuwi na din agad ako. Pagkadating ko sa bahay ay walang tao, siguro pauwi pa lang si kuya Zach.

Tumungo ako sa ref para tignan kung anong pwedeng mailuto. Sa huli, napagpasyahan Kong adobo na lang ang ulamin namin.

Hinintay ko pa si kuya Zach ng ilang minuto pero hindi pa din sya umuuwi, so i decided to eat .

Hinugasan ko muna ang pinagkainan ko bago pumasok sa aking kwaro. Wala naman kaming assignment or quiz for tomorrow kaya nag cellphone na lang ako.

Maglalaro muna ako ng ML, kuya Zach teached me how to play this game last month. Nakakaadik din pala.

Bullshit!  defeat na naman kami. Pabuhat kase mga kakampi ko! Mga cancer.

Isa pa ang  galing nung isang kalaban namin, halatang binubuhat niya din ang mga kakampi niya.

AVingot?   taeng panagalan yan , ang bantot hahaha. 

Finollow ko siya, baka maging kakampi ko din to no, sayang.

Maglalaro pa sana ako ng biglang nag text si Therese sa akin.


From: Bebang

"Hoy ! ano walang paramdam? "


Napangiti ako at nagtype ng i re reply.

"Patay na ba ako para magparamdam? by the way I'm fine here. How about you? sila nanay Cecil kamusta?"

Nag reply agad siya. Aba ang bilis ata ng signal sa Sorsogon ngayon.

From: bebang

" Ambot, spokening dollar kana ngayon ah. Okay lang naman ako, maganda pa din hehehe! Maayos naman sila tiya Cecil dito.
Kamusta naman pag aaral mo?

Mag rereply na sana ako, kaso biglang nag text na yung tnt . Expired na daw yung gosurf 50 ko. Hays. Maglalaro pa naman sana ako.


Sa huli napag desisyunan ko na matulog na lang, baka ma late na naman ako bukas. Mabuti ng advance mag isip.


Your VoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon