Chapter 25

41 1 5
                                    

Lucas Matthew POV.

" Sige na, mag iingat ka pauwi. Salamat sa paghahatid dong." nakangiting sambit niya sabay kurot nya sa magkabilang pisngi ko. Damn! bakit ganito yung pakiramdam. Napaka cute niya, ang sarap tirisin. Just kidding lol. Tumango ako sa kaniya at ako na mismo ang nagtulak sa kaniya ng mahina papasok sa kanilang bahay. Dahil kung hindi ko pa gagawin yon, kung ano ano muna sasabihin niya. Napaka daldal kase e.


Pagka pasok niya sa loob ng kanilang bahay ay agad na din akong umalis.  Hindi ko alam kung ilang beses ko ba itong sasabihin pero ang saya saya ko talaga kapag kasama siya. Napakaraming what if's ang tumatakbo sa isip ko ngayon. What if, mahulog ako pero hindi niya pala ako gusto. What if may iba pa lang siyang nagugustuhan, kahit ganoon siya makintungo sa akin. Tila ganon naman siya sa lahat. What if hindi niya ako matanggap dahil sa disabled ako. Mariin akong napapikit sa huling naisip ko.  Ayos lang kung hindi niya maibalik yung nararamdaman ko. Wait, so sinasabi kong may feelings na ako for her? shit!  tinamaan na ni Cupid.  Muli na naman akong napangiti ng maalala na naman siya. Tama siya, madami na nga akong damit na hindi niya pa naiibalik. Pero it's okay with me, mas gusto ko iyon kaysa ibang lalaki pa ang gumawa niyon sa kaniya.


Pagkarating ko sa bahay ay wala na naman akong naabutan. So  i decided na kumain muna bago maligo.  Marami akong tatapusin na activities ngayon kaya hindi ko namalayan ang oras matapos kong maligo dahil dumiretso agad ako sa aking table para gawin ang mga dapat gawin. Being a college student is never been easy. Marami kang pagdadaanan dito, maraming failures pero dapat hindi ka panghinaan ng loob. Dapat may courage at determination ka, wag susuko dahil malapit kana sa rurok ng tagumpay. So for those people na pinanghihinaan ng loob, PADAYON!!



2 days passed, naging sobrang busy namin. Napakaraming ginagawa.  Buti na lamang ginagawa ko agad ito dahil kung hindi, for sure tambak ako sa mga schoolworks. Pero kahit ganoon pa man, sinisigurado ko na naihahatid ko pa rin si Venice. Hindi ko pwedeng kalimutan yun, dahil ayokong balikan na naman siya nila Totoy. She still a lady, kahit pa sabihin nating malakas sya at kaya niya. Iba pa rin kapag babae, dapat iniingatan dahil hindi natin alam pinagdadaanan nila buwan buwan. Kahapon nga noong pauwi kami, kasabay namin si Eloia at hinatin din namin siya. Nagulat na lang ako dahil bigla silang nagsabunutan sa daan. Akala ko totoong nag aaway sila but I was wrong. Pagkatapos noon ay bigla silang nagtawanan, parehas silang abnormal lol. But I'm so happy too , seeing Venice laughing so hard.
Ang ganda niya panoorin. Nakakahawa yung pagiging masayahin niya.


Today is Friday, ngayon din yung sinasabi ni kuya Zach na may ipapakilala siya sa akin. May kasama din  silang isang babae na irereto daw sa akin. Hindi man lang ako nakakaramdam ng pagka excite dahil sa isang babae lamang ako interesado. Hindi ko nga sila naihatid ngayon dahil papasok ako sa work, yung coffee shop malapit sa bayan. Working student kase ako. Pero nag chat naman ako sa kaniya, baka kase maghintay sila e. Ang saya niya pa rin kausap kahit sa chat.



Matthew Villaforte: Hi, hindi ko kayo maihahatid ngayon. May work kasi ako e. Takecare.

Ayesha Venice: Hala!

Matthew Villaforte: Why? what's wrong? anong nangyari pupuntahan kita!

Ayesha Venice: Tulok!  HAHAHAHA ang OA mo. Ayos lang yun, hindi mo naman ako kailangan samahan pag uwi. Kahit sa pagtanda mo na lang ako samahan hihi.

Ayesha Venice: Joke!

Matthew Villaforte: Do you want me to take care of you until our last breath?

Ayesha Venice: Ay shet, nag english! Iba talaga mga lawyer student!

Matthew Villaforte: Insane.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 15, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Your VoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon