Chapter 8

30 2 0
                                    

Zachary Anderson POV.

Hanggang sa makauwi ako ng bahay, hindi pa rin mawala sa isip ko si Ayesha,  yung babaeng nag ayos ng motor ko kani - kanila lang.

" Damn , sobrang astig at ang lakas ng dating niya." sambit ko sa aking sarili.

Hindi siya ganon kaganda kagaya ng mga modelo ,pero may iba sa kaniya na magugustahan mo talaga.

Shit! ano ba ' tong naiisip ko, crush ko na ba siya? fuck ang baduy ko.

Talong talo niya pa ako sa pag aayos ng sasakyan.

Dumiretso na agad ako sa kwarto ko at nahiga.  ' Di na rin siguro ako kakain dahil busog pa naman ako. Mag a alas otso na ah? bat wala pa din si Matteo. Nag overtime na naman siguro sa work niya. Makulit masiyado yung bata na ' yon, sabi ko wag na siya magbigay sa akin ng pera para sa apartment kase pinapadalhan naman ako ni mommy. Tsaka binilin siya sa akin nila auntie Cecil. Kapatid na turing ko kay Matteo , siya lang naman yung kasundo ko sa probinsya kase wala naman anak sila auntie Cecil.  Matthew is kind and smart. Nakakaawa nga lang dahil lagi siyang na bu bully kahit sa ganitong edad, hindi pa rin kase siya nakakapag salita. Naki-usap lamang si Matteo sa mga prof  niya na bigyan siya ng isang taon  na palugit upang makapag salita at kapag hindi nangyari ' yon , it means hindi na siya pwedeng magpatuloy sa 4th year. Pumayag naman yung mga prof. And lastly, kasama si Matteo sa dean' s list.

Sobrang laki ng impact kay Matteo ang pag kamatay ng mommy niya. Kaya lawyer ang pinili non' dahil  bukod sa pangarap niya na ito simula pagkabata,  gusto niya rin bigyan ng justice si tita Alliana.

Matutulog na sana ako ng biglang kong naalala yung number ni Ayesha! Tumayo ako at kinuha yung phone ko sa lamesa.

I te - text ko siya para mag thank you ulit. Tsaka gusto ko siya makausap hehe.

Ano kayang sasabihin ko? teka nga, bakit ba ako kinakabahan e mag papasalamat lang naman ako.

Nag type na ako ng message at sinend agad ito sa kanya.

" Hey naka uwi kana? i mean kayo ni Eloisa?"

" Btw, si Zach ito, save mo number ko."

Shit! sana mag reply .

Wala pang isang minuto, nag reply agad siya.

From: Ayesha:

" Yes, how about you? "

Damn! nag compose agad ako ng reply.

" Yes, kani - kanina lang din. Thank you nga pala ulit, babawi ako next time. I promise."

Ang saya ko , hindi ko alam kung bakit. Crush ko ba siya? Fuck! ang baduy.

From: Ayesha

" Ahh okay, your always welcome. "

Hala ano i re - reply ko? ayoko pa matapos pag uusap namin .

Maya maya ay may message ulit siya.

From: Ayesha

" Goodnight Zachary, see u soon. Take care."

Dali dali akong nag type.

" Alright , sweet dreams. Take care of your self too. "

Pagkatapos ko i send ' yon , hindi na siya nag reply pa. Sayang naman.

9 pm na ah? wala pa din si Matteo? hayaan na nga, matutulog na ako . Pupunta pa kase ako bukas sa gym ng maaga ,para wala masyadong tao.

Naghintay muna ako ng ilang minuto at natulog na din agad.

Eloisa Aquino POV.

" Oh bakit umuwi ka pa? "  tanong ni nanay pagkapasok ko ng bahay.

Ay grabe, may hater ako . Gusto ko sana sabihin na " Nay, lumandi ako wag kang magulo," kaso baka batukan ako kaya wag na lang.

" Kasama ko si Ayeng nay. Nagpasama siya sa bayan, inutusan siya ng kumare mo." pagpapaliwanag ko.

" Ano daw nangyari sa ninang mo nak? " tanong ni nanay na halatang nag aalala.

" Hala nay, wala kang kwentang kaibigan! ni hindi mo alam ang nangyayari kay ninang! plastik ka nay! plastik ka! " birong tugon ko sa kanya.

" Share mo lang bunso? paniguradong nahihirapan na naman tumae ninang mo. Maliit kase butas ng pwet non, kasing liit ng utak mo nak." pambabara niya sa akin.

" Ows? talaga ba?sml? ewan ko sayo nay, magsama kayo ni ninang." inis na sambit ko habang naglalakad na papunta sa lamesa para kumain.

Narinig ko pang tumawa si mama pero dinedma ko na lang.

Habang kumakain ako, ay biglang tumunog yung cellphone ko. Si Ayeng 'yon for sure. Kukulitin na ako 'non sa load.

Kinuha ko ito at tiningnan, Unknown number? sino naman to. Inopen ko agad yung message, kapag ito isang scam na naman, edi wow.

Laking gulat ko ng makita kung sino ang nag text ! 

Potaena!

" Nay ! ako na maghuhugas ng plato! Umakyat kana sa taas at ako na bahala diyan! " sigaw ko kay mama.

" Lah feeling ka bunso, ikaw naman talaga mag huhugas ." sagot niya.

Tumango na lang ako hehe ' di na ako umangal. Kase naman potaena! si Zach nag text kung nakauwi na daw kami.

" BWHHAHHAAHAHA , I WILL MAKE YOU TO FALL INLOVE WITH ME MR. ZACHARY ANDERSON! "  sigaw ko ng malakas. Buti na lang umakyat na si nanay.

Pero napaisip ako, siguro crush niya si Ayeng. Kase iba yung ngiti niya sa kaniya kanina e. Pero hayaan mo na , hindi naman siya type ng kaibigan ko BWHAHAHAHA.

Nagpalitan lang kami ng ilang text ni Zach tapos nag paalam na din agad ako na matutulog na.

Sobrang kinikilig ako ! alam mo ' yon? BWHAHAHAHHAHA, excited na ako sa next time na sinasabi niya. BWHAHAHAHHAHA.

a few minutes later, tumunog na naman yung phone ko , excited kong kinuha iyon , umaasang si Zach ang tumatawag.Pero nawala ang pag ka excited ko ng si Ayeng pala ' yon, anak ng putakte naman oh.

AVingot is calling.....

" [ Hoy gago, yung load ko. Wag kang scammer.] "  sigaw niya sa kabilang linya.

" [ Gago ka din, boses lalaki ka tanga wag ka sumigaw , masakit sa tenga!  may i ku - kwento muna ako sayo gaga!] "  excited na sagot ko sa kanya.

"[ Bilisan mo sabihin mo na, don't waste my time.] " mayabang niyang sagot. Wow englishera 'kala mo naliligo.

So ayon nga, sinimulan  ko na mag kwento sa kanya. As in lahat sinabi ko. Walang labis si Zachary na lang ang kulang. BWHAHAAA.

" [ Ayusin mo buhay mo gaga, mamaya madamay pa ako diyan. Sabihin mo agad sa kaniya na ikaw yung kausap niya at hindi ako. Baka sabihin nung tao niloloko natin siya .] " pangangaral niya.

" [ Oo na! alam ko naman na concern ka sa akin, and thank you for that BWHAHAHA.  Sana hindi ka niya crush Ayeng, iba kase yung ngiti niya sa 'yo kanina e.]" malungkot na sambit ko.

"[ Gago, wag mo ' ko idamay diyan sa kalandian mo,  Wala pa akong panahon sa nga ganyan , alam mo naman ang motto ko e . Kdrama is lyf but food is lyfer." ]  tumatawa niyang sagot sa kabilang linya.

"[ Oo na bwiset ka! punta na ako sa tindahan, off mo na data mo" ] ani ko sa kaniya.

"[ Bilisan mo! larong laro na ako! Ingat sa daan ,bobo ka pa naman." ]

Pinatayan ko na siya ng tawag. Dami pa ebas e. Pagkatapos ko siya paloadan , naghugas muna ako ng Plato bago matulog.

Hays sana I crushback ako ni Zachary

Your VoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon