Hindi ako mapalagay sa higaan ko dahil naghihintay ako ng text nila. Kapag naman naging scam 'to, yari sa'kin si kuyang guard. Gegerahin ko siya do'n.
Sobrang tuwang tuwa pa ako nang tumunog ang selpon ko.
From: TNT
Naubos na ang UnliSurfInternet mo, para makakuha ng points....
Ampotek. Sayang pagka excite ko. Hinintay ko na lang ulit na baka magtext. Konting pasensiya pa.
At nang tumunog itong muli, hindi na ako nagkamali dahil sila na nga yon.
From: ***
Good day, Ms. Maria Magdalena Burkot! We would like to inform you that-
Napanganga na lang ako kahit ine expect ko naman talagang ih-hire ako dahil wala naman silang choice. Nagtatatalon ako kunwari. Kunwaring masaya ganoon. Kahit salitang "hire" lang naman naintindihan ko.
"Hoy, Dalen! Huwag ka ngang tumalon talon diyan! Hinayupak ka! Kita mong pipitsugin lang 'tong kisame natin!" Sigaw ni Nanay mula sa ibaba.
"Woooh, Nay! Tanggap na ko, Nay! May silbi na ako dito sa bahay!" Sigaw ko pabalik.
Hinanda ko na ang kakailanganin kong isuot bukas. Pinapasuot muna ako ng white shirt at pantalon kaya yun ang hinanda ko.
Ayos din 'tong papasukan ko ha. Twice a month kang susweldo. Secret na muna kung magkano, basta kaya ng makapag Jollibee sa isang linggo ang sweldo.
Tinext ko naman ang dalawa kong kaibigan na mukhang supportive na hindi.
To: Maximo and Eric
HOY MAY TRABAHO NA KO
From: Maximo
Kunwari di mo alam no?
From: Eric
CONGRATS PAREKOY!!! TAGAY NA DIS
To: Maximo and Eric
Epal ka talaga, Max. Hayaan mo Eric, ikaw lang talaga lilibre ko dito. Hayaan mo yung isa dyan, napaka pilosopo.
Maaga akong gumising at maaga akong gumayak dahil ayoko namang ma late sa bago kong trabaho. Late na nga ako nung hayskul ako, pero ngayon, syempre, di tayo papayag don.
Dinala ko ang sumbrero ko at ang malakasan kong bag na binili ko sa bangketa. Malakasan talaga dahil hanggang ngayon, sira sira man 'to sa paningin ng iba, waterproof parin 'to mga tsong.
"Kuya, bayad ho. Isa lang. La Costa Corporation,"
Ngayon lang din ang araw na makikilala ko ang mga tao doon. Sana'y mababait sila dahil kung hindi, papasabugin ko 'yon.
Naisip ko na naman si Abigeyl sa kawalan. Kamusta na kaya siya? Gusto ko siyang kamustahin ulit dahil namimiss ko na siya. Okay lang kaya sila ng anak namin?
Pero charot lang syempre. Di ko pwedeng amin yung bata. Wala naman akong alam niyo na.
Pero, seryoso. Kahit na mukhang happy happy ako ngayon, sobrang sakit pa rin talaga ng ginawa niya. Kung hindi lang siya babae at kung hindi ko lang siya mahal, siguro nagsapakan na kaming dalawa.
Bumaba na ako nang makita ko na ang matayog na building ng La Costa Corporation. Ito ang unang pagkakataon na nakita ko ito nang mas malapitan sa loob. Hindi ko alam anong meron dito, basta dito ako magtratrabaho.
Tumagal pa ng isang oras bago ako ininstruct ng pinaka head ng mga staff sa gagawin ko.
"Ito, pindutin mo 'tong 11. Dito ka lagi maglilinis ha. Ang duty mo laging 10 am, 3pm at bago umuwi ang nandito," Inimuwestra ako ng pinaka head sa isang malaking office room. Hayop. Ang laki masiyado. Dalawang unit na 'to ng bahay ha.
"Lagi kang naka duty dito, ha. Pero tandaan mo ang sched na binigay ko sa'yo sa kailangan mo ring linisin na bathrooms,"
Iniwan niya na ako at nagpalinga linga pa ako sa bakanteng office room. Ang laki talaga nito. Pati ang malalaking mga salamin nito, kitang kita mo ang labas. Parang ang liliit ng mga tao sa paningin ko.
Magkano kaya ang ganito? Yawa. Bigla akong napaisip kung bakit hindi ako anak ng senador.
Agad na akong naglinis pagkatapos ng pagdedemo sa'kin ng head sa kung ano mga dapat gawin. Binigyan niya ako ng isang oras para linisan ang buong espasyong ito. Ewan ko ba't niya ako pinagmamadali.
Sa kalagitnaan ng paglilinis ko, narinig kong muli ang boses ng head.
"Bilisan mo na diyan, Dalen," Aniya.
"Ha? Bakit?"
"Paparating na si Boss,"
"Ha?! Agad agad?! Bakit hindi mo sinabi sa'kin, te?" Kinuha ko na ang mop at walis ko at dinukot lahat ng alikabok.
"Binigyan kita ng isang oras, hindi ba? Nakalagpas ka na nga ng sampung minuto,"
"Ay ganun ba. Sige sige, aayusin ko na,"
Bumaba na siya habang binubulungan pa rin ako na bilisan ko. Konti nalang matatalo ko na si The Flash. Pero, kahit na mabilis kong niligpit ang lahat, sinisigurado ko paring masinop ako sa mga gamit. Mahirap kami pero hindi kami dugyot sa bahay, ano.
Habang pinupunasan ko ang lamesa, napansin ko ang nakalagay dito. Balak ko sanang basahin kung anong pangalan ng boss ko pero tumunog na magmuli ang elevator.
Napayuko ako bigla nang marinig ko ang mga hakbang niya. Naku. Sana hindi ito mataray. Unang araw ko palang 'to sa trabaho. Nakakahiya naman kung mapapatalsik ako.
"Here's your office, Sir," Ani ng isang babaeng malambing ang boses.
"Thank you, Althea,"
Pamilyar ang baritonong boses na 'yon sa'kin at iningat ko ang ulo ko.
At pucha.
Sana pala hindi ko nalang inangat.
Nagtama ang mga mata namin. Gulat na gulat ako pero siya, parang wala lang sakaniya.
'Di siya surprised ganon. Baka OA lang talaga ako.
Yumuko ako ulit sa kaniya upang batiin siya.
"Magandang hapon po, Sir,"
"You're the one in charge of cleaning my office?"
Tumango ako sa kaniya. Huminga naman siya ng malalim at tinanggal ang coat niya. Niluwagan niya ang unang dalawang butones niya maging ang mga butones sa sleeves niya. Itinaas niya ito hanggang braso niya.
Kinginang 'yan. Bigla akong nainggit sa hubog ng kamay. Susunod nga tanong ko saan siya nag gym at makakuha din ng ganyang asset. Baka maglaway sa'kin si Abigeyl.
Akmang aalis na ako pero bigla siyang nagsalita.
"Where's my coat? Kailan mo ibabalik 'yon?"
"Ha? Anong pinagsasabi mo?"
Narealize ko lang na ang pabalang ko pa lang sumagot. Onga pala. Boss ko na siya.
"The one I gave you that night, Dalen. Don't you remember?" Tinaasan niya ako ng kilay.
"Ah, balik ko na lang bukas, p're." Kaswal kong pagsagot sa kaniya.
Hawak ko na ang pinto pero bigla itong sinara ng isang matikas na kamay. Amputa. Napatalon ako, gago.
"Respect me while you're in my office, woman,"
Hindi niya nagustuhan ang pagsagot ko sa kaniya ng kaswal. Kala ko ba naman close na kami. Tawagin ba naman akong Dalen.
Siguro, siya lang pwede maki fc. Tas, ako hindi. Odi sige.
"Pasensiya na ho, Sir," Mahina kong bulong at nagpa excuse.
Napaka arte. Mukhang pinaglihi talaga sa sama ng loob. Marami sigurong chismosa sa kanila at nung buntis Nanay niya, pinaglihi siya sa irita.
Pati araw ko nasisira. Hinayupak.
BINABASA MO ANG
Wrong Send si Dalen
RomanceKANTOBOYZ SERIES # 1 (COMPLETED) - Kwento ni Maria Magdalena Burkot, isang babae ngunit lalaki by heart! Isang malaking sayang sa kaniya ang pagkawala ng matagal niya ng girlfriend na si Abigeyl Rae Mendoza, kaya naman to the rescue ang mga bugok ni...