10

257 16 0
                                    

Patuloy ako sa paglilinis ngayon rito sa office ng lalaking 'to. Last na duty ko na 'to ngayong pauwi. Hanggang ngayon, dalawang linggo na ang lumipas, pero ganon ang turingan namin gaya ng gusto niya. Boss at taga linis.

Pero, may mga bagay na gusto kong itanong sa kaniya. Lalong lalo na kay Abigeyl. Hindi madaling mag move on, ano. Lalo na sa lagay ko. Pera at panahon ang ibinigay ko para dito. Pero, sabi nga nila, ang tunay na pogi, marunong magparaya. Kaya 'yon ang gagawin ko.

Akmang iiwan niya na ang office niya pero agad ko na siyang tinanong. Wala ng hiya hiya dito. Wala naman talaga akong hiya.

"Sir, kamusta na si Abigeyl?" Mas nakakakaba pang magtanong sa kaniya kaysa mag exam. Hayop na 'yan. Napaka suplado kasi ng tingin. Akala mo gwapo.

Oo, gwapo siya. Pero, mas pogi ako.

"Why do you still ask about her?" Aniya't lumingon sa'kin.

"Nakita ko kasi na ano... Pupunta siyang Paris..." Napakamot ako sa ulo ko. Sana naman ay huwag niyang sabihin sa'kin na umalis na siya.

"Uh-huh. Pupunta nga siya. At bukas na 'yon,"

Nanlaki ang mata ko. Shet? Bukas na agad? Kailangan ko siyang makita kahit sa airport man lang!

"S-Sir, pwede po ba muna akong mag leave bukas? Sir, alam mo naman na--"

"Where's your professionalism? Hahayaan mong mag absent ka para lang sa personal mong problema?" Pagsusungit niya na naman. Magkakamag anak nga itong mga 'to. Walang duda.

"Hindi naman, Sir. Ano lang... Isang araw lang naman yun."

"And if I'll allow you... Do you think Abigeyl will let herself to see you?" Pinaningkitan niya ako ng mata.

"Hindi naman ako umaasang babalik siya sa'kin, Sir, e. Gusto ko lang siya makita kahit sa sandaling 'yon lang,"

"You're not allowed to absent, Magdalena. I already have my word in you. Please, obey it," Pagmamatigas niya at iniwan ako dito.

Napakasuplado. Akala mo naman kikidnappin ko ang pinsan niya. Pero, syempre, hindi ako makikinig sa kaniya. Magmamakaawa na lang ako o kaya magpapalusot na nilagnat ako ng isang araw.

Alam kong hindi maganda 'yon at huwag niyo talagang gagayahin. Pero, wala na akong choice, e. Taena. First love ko 'yon kahit naka lima akong babae bago siya.

"Saan punta?" Pagsulpot ni Eric na nakapagpabigla sa'kin.

"Hayup ka. Kabute ka bang hinayupak ka't bigla ka nalang lumalabas diyan," Konti na lang lumundag puso ko sa gulat.

"Amoy na amoy lalaki ha. May kikitain ka? Bagong bebot na ba 'to?" Pang aasar niya.

"'Raulo, hindi. Pupuntahan ko si Abigeyl,"

"Ha? Hindi ka pa naka move on?! Tatlong linggo na 'yon ha?!"

"Hindi naman ako tulad mo na kinabukasan pa lang, nakakalimot na. Pogi ako pre, pero loyal ako, ano."

"Pero, kahit na, tsong. Ang mga ganyang babae, dapat kinakalimutan. Nagloko ba naman sa'yo. Hindi na karapat dapat na pinagkakatangahan 'yan," Words of wisdom ni Eric.

May punto nga rin naman siya. Pero, kung makakahanap lang din 'to ng taong katapat niya, maging chicken na ang ulam naming tuyo, magiging tanga rin 'to.

Tatawanan ko na lang 'to kapag ito na brokenhearted.

"Last na 'to, pre. Iu-unfriend ko na siya sa facebook. Buburahin ko na rin number niya sa selpon ko," Pagmamayabang ko.

"Ulol. Buburahin mo number niya pero memorize mo, ano?"

"Kakalimutan ko rin 'yon. Pupukpok ko na ulo ko mamaya sa pader para matahimik ka diyan,"

"Sino pa lang kasama mo? Tsaka, ang aga pa ha? Ala sais?"

"Si Maximo. Ewan ko nga sa bantot na 'yon. Napakupad kumilos," Sinamahan niya ako na puntahan si Max sa bahay nila at tama nga ang hinala naming dalawa dahil tulog pa rin siya.

Sinalubong kami ni Ninang Basyang at pinagkape pa kami pero tumanggi ako. Pero, syempre, kilala niyo na kung sino ang pumayag kapag libre ang usapan.

"HOY MAXIMO, GUMISING KANA DIYAN TUMITILAOK NA ANG MGA KABAYO!" Sigaw ni Eric habang sinasawsaw ang pandesal niya sa kape.

"GISING NA 'KO GAGO!" Rinig kong sigaw pabalik ni Maximo.

"Ingat kayo doon, anak, ha. Alam kong magaling naman 'tong si Maximo sa mga direksyon, pero may pagkatanga pa rin dahil hindi masiyado marunong tumawid," Paninira ni Ninang Basyang sa anak niya.

"Opo, Ninang. Tsaka nga po pala, salamat po sa bestidang binigay niyo po sa'kin,"

"Nagustuhan mo ba? Si Maximo ang pumili ng mga iyon. Hindi ko nga alam kung paano niya nalaman na gusto mo pala ang mga plural plural hehe,"

"Wow, Dalen. Nagsusuot ka ng bestida?" Pange epal ni Eric pero pinakyuhan ko lang siya. Oo, sa harap ni Ninang.

"Opo, Ninang. Ang ganda po hehe," Sabi ko na lang at naghintay pa kay Max.

"Ma, napakadaldal mo. Tara na, Dalen," Pagsulpot ni Maximo pagkatapos kong maghintay ng halos isang oras. Kapag hindi namin naabutan si Abigeyl, sasakalin ko 'tong hayup na 'to.

Kaya ko nga inagahan ay para walang kawala kung anong oras man lilipad si Abigeyl don. Pero, ito naman napakakupad.

"Hoy, Eric! Ubusin mo 'yang kape ha!" Sigaw ni Maximo at sinaluduhan siya ni Eric.

"Ingat, mga pare! Iuwi mo ng chixx si Dalen para hindi na malungkot!" At tumawa pa ang kurimaw.

Dapat si Eric ang isasama ko ngayon, kaya lang tumanggi siya. May kailangan daw siyang asikasuhin ngayong umaga.

Hindi ko alam kung sinong mas excited sa'ming dalawa e. Si Maximo ba o ako dahil mas gayak na gayak pa siya sa'kin. Japorms ang pormahan ko 'to pero siya naman nagmukhang koryanong hilaw na tambay. Pero, infairness, may taste pala 'to sa mga damit.

"Ayos na ayos tayo, tsong, ha?" Pagkomento ko sa kaniya habang tinutusok ang tagiliran niya.

"May date ako, e." Mahinang bulong niya.

"Ha? Sino? Ba't ka pa sumama sa'kin?"

Ngumisi siya sa'kin at inilingan na lang ako. Kaya walang jowa 'to hanggang ngayon kasi lagi niyang hindi sinisipot.

"Ah, basta, mamaya. Gabi pa date namin. Tara na," Inakbayan niya ko papunta ng waiting shed at naghintay kami ng jeep papuntang terminal.

Isang beses na lang ako magpapakatanga sa'yo, Abigeyl. Tandaan mo 'yan.

Nag iba na sa paningin ko ang Mang Inasal dahil sa ginawa mo.

Wrong Send si DalenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon