"Hoy Max, tulungan mo ako dito na kunin yung panggatong!" Sigaw ko sa kaniya dahil nakatutok pa rin ang mga mata sa pagseselpon.
"Eto na, wait," Aniya habang nagpipindot pa rin. Kaya nilapitan ko siya para bigyan ng pingot.
"Aray! Shet ka talaga, Dalen!" Dinadaing niya ang pagkapingot ko sa kaniya at nilapag niya naman ang selpon niya.
Tinulungan nya akong kunin ang iilang mga kahoy upang ilagay sa loob ng bahay namin. Tinulungan niya na rin akong magkumpuni ng iilang mga bagay dahil hindi na masiyado kaya ni Tatay ang paga ayos pa lalong lalo na kung sa bubong.
"Dalen, paki abot sa'kin yung pantapal diyan!"
Hinanap ko naman ito at initsta sa kaniya. Kaya lang, natamaan ito sa ulo na kinaungol niya. Nag peace sign lang ako sa kaniya at nagpa sorry. Alas kwatro na at medyo hindi na rin mainit, pero tagaktak ang pawis ni Max nang makababa na siya.
Kumuha ako ng pamunas at pinunasan ang mukha niya. Pumikit ito at nilapit lalo ang mukha sa'kin.
"Grabe, nasunog agad mukha mo," Pagkomento ko sa kaniya. Namumula pa ang mukha nito dahil ni hindi man lang nagsuot ng sumbrero.
"Gwapo pa rin ako, okay lang 'yan," Ngumisi niya at iniwan ko ang pamunas sa balikat niya. Niligpit ko ang mga gamit na hiniram namin sa kapitbahay namin. Tinignan ko kung mayroon bang mga nangawala, pero mabuti na lang ay wala naman.
"Salamat, Kuya Boy,"
"Walang anuman, Dalen. Basta kayo ni Max, malakas kayo sa'kin," Ngumiti ito.
Isang linggo na ang makalipas nang magbreak kami ni Hugo. Ngayon ko lang narealize na ni hindi ko man nakuha ang number niya. Tanging sa Facebook lang kami friends. Para akong tangang tingin nang tingin sa selpon ko.
May parte pa rin sa'king umaasa ako, na baka magsorry siya. Baka bumalik pa siya. Dahil, miss na miss ko na siya. Pero, sa tuwing sasagi sa isip ko na engaged na pala siya... na nagsinungaling siya sa'kin... nakakalimutan kong namimiss ko siya.
"Dalen, tawag ka ni Max," Sabi ni Nanay mula sa baba. Nakita ko namang sumilip ito sa may hagdanan namin at kinawayan ako. Kaya naman bumaba ako upang tignan siya at kung tanungin anong ginagawa niya dito.
"Wassup, parekoy," Salubong ko sa kaniya. Nakapamulsa ito.
"Tara. Perya tayo," Pagyayaya niya.
"May peryahan ba? Malapit na ba pista?"
Nagkakaroon lang ng peryahan dito tuwing may spesyal na okasyon, kaya nagtaka ako kung bakit nag aya 'to ng perya.
"Oo, tara na. Libre ko," Ngumiti ito at dali dali akong umakyat para maghanap ng kumportableng damit. Dinala ko ang sumbrero ko at sinuot ito pabaliktad.
Nang makababa ako, nakita kong nagpapaalam si Max sa Nanay ko. Sakto namang kakatapos lang namin kumain at wala na akong ginagawa kaya pumayag ito.
"Max, samahan mo 'yan pag-uwi ha," Pagpapaalala ni Nanay.
"Luh, Nay. Kaya ko na 'to,"
"Ay hindi. Hindi mo masasabi ang mga tambay diyan sa daan. Ingat kayo ha!" Kinawayan niya kami at nagsimula na kaming maglakad ni Max sa malapit na peryahan.
Medyo maaga pa lang pero napakarami ng tao agad. Sigurado ako, mamaya ay mas dadami ang mga tao. Mas siksikan na.
Agad akong pumunta sa nagcocolor color. Hindi ko alam anong tawag dito, pero basta parang sugal na taglilima lang.
"Oh color coding color coding! Lima lang lima lang!" Anunsyo ni Kuya habang naghahanap pa ng customer. Sinamahan ako ni Max at binigyan niya ako ng iilang limang piso, pero binalik ko ito sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Wrong Send si Dalen
RomanceKANTOBOYZ SERIES # 1 (COMPLETED) - Kwento ni Maria Magdalena Burkot, isang babae ngunit lalaki by heart! Isang malaking sayang sa kaniya ang pagkawala ng matagal niya ng girlfriend na si Abigeyl Rae Mendoza, kaya naman to the rescue ang mga bugok ni...