"Tatang, ito na po ang nirequest niyong sunny side up," Sabi ko sa kaniya at nilapag ang pagkain sa harap niya.
"Pasensiya na, hija at mukhang nakalimutan ko na naman ang pangalan mo. Ano kasing pangalan mo?" Tanong niya at kinuha ang kutsara's tinidor sa tabi niya.
Ngumiti naman ako sa kaniya. Ang cute naman ni Tatang.
"Dalen po, Tang. Maria Magdalena po ang totoo kong pangalan,"
"Magdalena? Aba'y bagay na bagay sa'yo ang pangalan mo dahil napakagandang bata mo,"
Gusto ko sanang kiligin pero mukhang mali ang nasabi ni Tatang. Nagpasalamat na lang ako sa kaniya. Ilang taon na akong hindi nakakarinig na may nagsabi sa'king maganda ako. Puro pogi lang.
Masaya niyang inubos ang pagkain niya habang kinuhaan ko naman siya ng isang basong gatas. Infairness dito sa bahay nila ha. Sobrang linis kahit na malaki. Ni alikabok o sapot, wala kang makikita. At isa pa, lagi pa itong mabango.
Pumunta naman ako sa kwarto naming mga kasambahay at nakita ko ang text ni Eric at Max.
From: Eric
Hoy! Balita ko lumipat ka ng trabaho ha?
To: Eric
Hoy, hinayupak ka! Miss na kita!!! Oo, saan mo naman nahagilap 'yang chismis na 'yan?
From: Eric
Kanino pa ba? Edi sa number one kong tagabalita.
From: Max
Kamusta ka diyan?
Hindi ko nireplyan si Max at si Eric lang ang nireplyan ko. Bumalik naman ako sa loob pagkaraan ng limang minuto upang tignan kung ano na ang ginagawa ni Tatang. Ngunit, nagulat ako nang makita si Sir Hugo na kakauwi pa lang.
Nakarolyo ang long sleeve niya hanggang forearm niya at tanging necktie lang ang nakasuot sa kaniya. Wala na ang coat niya.
"Magandang gabi po, Sir," Pagbati sa kaniya ng iilang mga kasambahay, pero parang wala siyang narinig.
Tinignan niya ako pagkapasok ko at ang pagka irita ang halata sa mukha niya.
"Where did you go, Dalen?" Aniya habang nakakunot ang noo.
"Ah... Sir. Nagreply lang po ako sa mga kaibigan kong nangangamusta,"
"But, your work is not yet done, Dalen. Hindi mo dapat iniiwan nang ganun ganun na lang si Lolo! You know his situation, Dalen," Tumataas na ang boses niya pero halatang pinipigilan lang nito ang sarili na huwag tuluyang sumabog.
Napayuko naman ako. Natagalan siguro ako sa pag reply kay Eric.
"We are paying for you, so please, do your job, Dalen," Striktong anas niya at umakyat na. Napatahimik ang buong paligid. Hindi ko alam pero biglang kumirot ang puso ko kahit na kasalanan ko naman talaga.
"Pasensiya na po, Sir," Yumuko ako sa kaniya.
Lumapit ako kay Tatang na masayahin pa rin. Na parang hindi niya narinig kung ano ang nangyari. Wala na rin kasi ang nurse ngayon. Umuwi na. At ako nga dapat ang magbantay kay Tatang.
"Tatang, pasensiya kana kung iniwan kita," Sabi ko sa kaniya.
Tumango lang ito. Binantayan ko siya hanggang sa matapos niya ang pinapanood niya. Nang hikabin ito'y agad ko siyang inalalayan sa kwarto niya.
Ang kwarto niya'y puro puti lang. May iilang litrato doon na nakasabit sa pader niya at iilang paintings din. Namangha ako nang makita kong siya ang nagpinta ng halos sa mga ito.
Nakita ko naman ang babaeng kasama niya. Wedding picture nila ito. Ang dyosa rin pala ng asawa niya. Sana ganiyan kagandang chixx ang mabingwit ko sa susunod.
"Salamat, Magdalena," Sabi niya sa'kin nang makahiga na siya. Inangat ko naman ang kumot niya at naghintay na makatulog na siya.
"Wala po 'yon, Tang. Tulog kang mahimbing ah,"
Tinanguan niya lang ako at nginitian.
Binuksan ko ang mini ref niya at kinuhaan siya ng tubig. Napansin ko kanina na mahilig uminom ng tubig itong si Tatang. Kaya siguro pogi pa rin hanggang ngayon dahil laging hydrated.Hindi ko pa rin matanggal sa memorya ko kanina kung gaano nairita si Sir Hugo sa inasta ko. Mapagkumbaba naman akong tao. Gusto kong magpa sorry sa kaniya, pero nahihiya ako. Hindi ko alam kung paano gawin.
"Oh, Dalen. Nakatulog na si Lolo Edward?" Tanong ng isa sa mga kasama ko dito sa kwarto ngayon.
"Ah, oo. Kanina pa,"
"Okay ka lang ba kanina? Pasensiya ka na at ikaw pa mukhang napagbuntungan ni Sir,"
Nginitian ko lang siya kahit na biglang kinurot muli ang puso ko.
"Wala 'yon. Ako naman ang may kasalanan. Kaya tama lang 'yon. Naiintindihan kong naga-alala siya sa Lolo niya,"
Nakaramdam naman ako ng pagkatuyot ng lalamunan kaya pumasok muna ako sa loob upang kumuha ng tubig. Ganito pala ang bahay nila kapag gabi na. Medyo dim na ang mga ilaw. Nakasara ang mga malalaking bintana ng naglalakihang kurtina.
Papunta na sana ako sa ref nilang kaylaki nang maaninag ko si Sir Hugo na may hawak na baso sa kanang kamay niya. Nasa counter siya ng bahay nila. Nakatalikod siya. Hindi ko alam kung ano iniinom niya dahil hindi naman nito kahugis ang empi o gin. Siguro, pang mayamang alak 'to.
Hindi ko na lang siya pinansin at dali daling pumunta upang kumuha ng tubig. Sa gilid ng mata ko'y nakita ko siyang tumingin sa gawi ko. Muntik ko nang matapon ang tubig dahil sa talas ng tingin niya.
Ibinalik ko na ang pitsel at babalik na sana sa kwarto namin upang matulog, ngunit bigla niya akong tinawag.
"Dalen," Mukhang antok na ang mga mata niya, pero ang talas parin kung tumingin. Nag angat ako ng tingin sa kaniya.
"Bakit po?" Nakainom na ako ng tubig pero, bakit gan'to pa rin boses ko? Biglang nanuyot na naman.
"I didn't mean to raise my voice to you earlier. I'm sorry." Aniya.
"Wala po 'yon, Sir. Hindi naman po ako natakot sainyo. Pasensiya na po dahil kasalanan ko rin,"
"You just can't leave Lolo Edward like that..." Dagdag pa niya.
"Opo, Sir. Pasensiya na po. Hindi na po mauulit,"
Hindi niya ako sinagot at lumagok lang sa basong hawak niya. Ang bilis ng tibok ng puso ko sa maliit na usap na 'yon. Akala ko mawawalan na ako ng trabaho.
Pero, ganoon na ba ako kahalata para mabasa niya ang emosyon ko?
BINABASA MO ANG
Wrong Send si Dalen
RomanceKANTOBOYZ SERIES # 1 (COMPLETED) - Kwento ni Maria Magdalena Burkot, isang babae ngunit lalaki by heart! Isang malaking sayang sa kaniya ang pagkawala ng matagal niya ng girlfriend na si Abigeyl Rae Mendoza, kaya naman to the rescue ang mga bugok ni...