26

219 19 1
                                    

"Ha?! Ano kamo?! Pinagamot ka ba ng amo mo diyan? O baka naman sinasadya ka nilang ganyanin ha! Jusko, irereklamo ko na 'yan sa pulis!" OA na sermon ni Nanay. Sabi ko na nga ba e.

Kapag sinabi ko 'to sa kaniya, ganitong ganito ang magiging reaksyon. O kaya naman, kung nalaman niya siguro kung sino naghatid sa'kin noong lasing ako at ang amo ko ay iisa, hindi 'yan magsasabi sabi dito.

"Ano ka ba, Nay! Pinaalam ko lang naman po sa inyo na nadisgrasya ako, pero hindi ko naman sinabing kasalanan nung amo ko. Tanga lang talaga ako, Nay,"

"Aba. Malay malay ko ba. Ganyan ang mga nakikita ko sa telebisyon e! Kunwari, hindi sinasaktan ng amo, 'yon pala ay pinagbabantaan upang protektahan imahe ng mga amo nilang Satanas!"

Natawa ako sa sinabi ni Nanay. Kahit na OA 'to manermon, alam mong sa kaloob-looban, sobrang concerned nito. Hindi niya lang talaga masabi sa'kin ng maayos.

"Nay, huwag ka ng mag alala masiyado sa'kin. Hindi pa naman ako baldado. At saka, nagpapahinga ako ngayon. Sagot ng amo ko ang pagpapagamot. Kung mamaltratuhin man ako dito, Nay, una pa lang nakipaghampasan na ako ng dos por dos dito. Alam mo namang hindi ako papayag na inaapi, 'di ba?"

Ilang beses ko siyang sinabihan na ayos lang ako kahit nangingirot na naman ang poqerat na balakang ko. Pinipigilan ko lang talagang mapabulalas.

"Osiya sige, anak. Alam mo naman ha... Yung lagi kong sinasabi sa'yo. Lagi kang magi-ingat diyan," Aniya sa isang malambing na boses.

"Yes naman, madam! Laging nakapasok sa utak ko 'yan,"

Hindi ko na masiyado nakakausap sina Nanay at Tatay, maging sina Eric at Max dahil sa ginagawa namin dito. May mga panahon na sobrang busy talaga namin. O kaya naman, nakakaligtaan kong mangamusta dahil bagsak agad katawan ko sa pagod at itutulog na lang. Pero, masaya ako ngayon na marinig ang boses ni Nanay at Tatay.

Matapos ang usapan namin, sakto namang may kumatok sa kwarto namin. Ako na lang ang mag isa rito dahil lahat pa rin sila'y nagtratrabaho sa mansyon.

Pero, kahapon, nang buhatin ako ni Sir Hugo ng pa bridal style, kita ko ang pagaaalala sa mukha ng lahat. Marami pa ang nagtanong kay Sir Hugo at kinamusta ako.

"Pasok po!" Sigaw ko. Hindi naman naka lock 'yon dahil iika ika akong maglakad ngayon. Iniluwal ng pinto si Sir Hugo na may hawak na isang bed tray. Naaninag ko ang lugaw na may itlog sa taas, nakahiwang apple at mangilan ngilang orange, pati tubig at gatas.

Lumapit ito sa'kin habang dahan dahang inilapag ito sa pagitan ng binti ko. Katulad ng kung paano niya ako tignan kahapon, nanatili ito ngayon.

"I know that your hips still hurt, so I brought you foods," Aniya. Umusog ako dahil nagulat ako nang bigla siyang umupo sa tabi ng may tray.

Dahan dahan akong umupo sa pagkakasandal ko sa pader. Halos tumama na ang ulo ni Sir Hugo sa kama sa taas ng double deck na kinakaupuan ko ngayon. Sobrang laki niya tignan dito sa kwarto namin.

Inalalayan niya ako at nagpasalamat na ako. Akala ko'y aalis na siya, pero mas lalo akong nagtaka nang bigla niyang kunin ang kutsara.

Baka naman hindi para sa'kin 'to? Dinala niya lang kunwari tapos dito siya kakain. Charot.

Bigla siyang kumuha ng lugaw gamit ang kutsara at hinipan niya muna ito bago itinapat sa bunganga ko.

"S-Sir, kaya ko naman po. Hindi naman po ako baldado," Sabi ko sa kaniya  habang hindi pa rin sinusubo ang kutsara.

"Sino bang nagsabi sa'yong baldado ka? Kahit na hindi ka baldado, alam kong hindi ka pa rin makakakain nang maayos," Nginusuan niya ang kutsara at sinubo ko na lang 'yon. Pinapaalam ko lang naman na kaya ko naman kumain, pero bakit parang galit pa 'tong hinayupak na 'to.

Katahimikan ang naghari sa'ming dalawa. Infairness, naubos ko ang lugaw pati ang mga prutas. Medyo nagugutom na rin talaga ako e, mabuti na lang sinapian ng pagka anghel 'tong si Sir Hugo dahil kasalanan niya namang natumba ako. Kung sanang nilagay niya lang 'yon sa tamang lalagyan. Charot.

Natapos na akong kumain at akala ko'y aalis na siya pero hindi dahil balak pa niya yatang makipag staring contest. Mukha na akong kawawa sa paningin niya panigurado.

"Ah, Sir... Pakisabi po kay Tatang Edward na kahit dalawang araw lang po para makapagpahinga ako at maaalagaan ko na siya,"

"I already told him what happened to you. Nandiyan naman ang nurse niya at iilang maids. Magpagaling ka rito,"

"P-Pero, Sir, hindi ba po sinabi niyo sa'kin na trabaho ko 'yon?"

"That's a different story, Dalen. You are injured right now. I can't let you do the task while enduring pain,"

Ngumiti ako sa kaniya at tumango. Pero, parang timang siya dahil bigla siyang tumayo at dinala ang tray. Para pa siyang galit. May saltik yata 'to sa utak e.

Sa pagtalikod niya, narinig ko pa siyang bumulong na hindi ko mawari kung tama ba ang narinig ko.

"Damn it. Even her smile looks perfect,"

Umalis na siya na parang nagdadabog pa rin. Sa susunod, ako naman tatawag ng doktor pero sa mental hospital naman.

Dahan dahan na akong humiga nang marinig kong tumunog na naman ang selpon ko.

From: Max

Narinig ko ang balita tungkol sa'yo. Kamusta na balakang mo?

Kay bilis naman talagang makarating ng chismis. Wala ako doon ha. Ang bilis naman mag teleport.

To: Max

Eto, balakang pa rin naman

From: Max

Kelan ba kita makakausap ng maayos, Dalen? Alalang alala ako sayo.

To: Max

Wag kang mag alala sakin. Parang balakang lang to e

From: Max

Ewan ko sayo, Dalen. Lahat na lang iniismol mo. Pero, ingat ka lagi ah. Gusto mong padala akong gamot dyan? Kelan ka ba uuwi?

To: Max

Wag kana mag abala. Napagamot na ako ng boss ko. Di ko pa alam kung kelan ako uuwi. Basta suprays na lang

Humagikhik ako kahit hindi niya naman nakikita. Sinilip ko ang balakang ko at may kaunting pasa pa rin doon. Parang pinagtambayan ni Barney sa pagka banjolet.

Wrong Send si DalenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon