04

286 22 6
                                    

Mukhang hindi lang pinaglihi itong si Shainah at kapatid niya kay Pinocchio ah. Pati, kapatid niya ipinaglihi yata sa sama ng loob!

"Parang awa! Hayaan niyo akong makausap si Abigeyl at lalayas ako dito ngayon din!" Pagmamakaawa ko pa rin kahit na mukha na akong tanga dito sa labas.

Akmang papasok na sana silang dalawa sa loob pero napatigil ang mukhang pinaglihi sa sama ng loob na kapatid ni Shainah.

"I already told you that she's not her-"

"Sir, nagmamakaawa ako sa'yo. Sigina, sir. Mahal na mahal ko yung tao, oh. Huwag niyo naman siyang ipagkait sa'kin. Hindi niyo alam ang pinagdaanan ko para lang matawag ko siyang mahal ko!"

Tignan na lang natin ha. Hindi lang pala si Abigeyl ang may kailangan ng santong paspasan, mukhang pati rin ang hinayupak na 'to, makiki usyoso. Lalabasan natin to ng mala Nora Aunor na aktingan.

"Please, stop making those paawa faces because to tell you honestly, she's not here," Pagmamatigas pa niya talaga. Aba. Hindi nadadala sa mga mata ko ha? Halatang hindi nanonood ng TV!

Pero, pinangalanan ba ako ng Tatay kong si Bonjong ng Magdalena kung hindi ako matapang?!

"Sir, please. Hindi ko alam kung inutusan ba kayo ni Abigeyl o ano, pero sana sir, kahit ako na lang, pakinggan niyo naman po ako. Pagkatapos naming mag usap, kung ano ang desisyon ni Abigeyl, yun ang masusunod," Sabi kong punong puno ng sensiridad.

At mukhang nauto naman 'tong hinayupak na 'to dahil lumapit siya upang pagbuksan ako ng gate. Amoy na amoy ko pa ang panlalaking pabango niya. Akala ko ba naman pakikinggan niya lang nang papakinggan ang mga bulong ng dimunyu sa paligid niya. Pero, mabuti na lang malakas anting anting ko.

Kung dadalin ko 'to sa baryo namin, kanina pa siguro 'to nilapa ng mga kababaihan doon.

Inayos ko ang damit ko at buhok ko habang hinihintay na tawagin niya si Abigeyl. Pinagpractice-an ko na naman ang mga lines ko kagabi pero shet. Ewan ko. Kinakabahan pa rin talaga ako!

"Kuya Hugo naman! Hindi ba't sinabi kong sabihin niyong umalis na ako ng bansa?!"

Malayo pa lang pero naririnig ko na ang mga katagang 'yon. Halos tusukin at durugin ang puso ko. Siguro nga, seryoso si Abigeyl sa pakikipagbreak sa'kin at ako lang ang hindi.

Nagkunwari akong hindi ko narinig 'yon at pinilit na ngumiti. Tangina naman. Yawa. Ang sakit sakit pala magpanggap. Yung taong walang bukambibig dati kun'di ang pogi mo, Dalen. Siya na ang sumisira ng puso ko.

Hawak ng lalaking pinaglihi sa sama ng loob ang braso ni Abigeyl at nilalapit ito sa'kin.

"Do as what you promised me," Pagbabanta nito sa'kin at binitawan ang braso ni Abigeyl.

Hindi ko na siya pinansin at huminga na lang nang malalim. Hindi ko maatim na hindi na ako makayang tignan ngayon ni Abigeyl ng deretso sa mata.

Parang dati lang na sinasabi niya sa'king ang cute ng mga mata ko. Pinapag twinkle twinkle niya pa nga ito.

Pero, ngayon, pandidiri na lang ang nakikita ko sa mga mata niya.

"K-Kamusta, Abigeyl?" Hindi ko inaasahan na hanggang dito magiging garalgal ang boses ko. Punyeta. Ang dami kong hinandanh sasabihin at lumabas lang sa bibig ko ay kamusta? Putanginang 'yan, Magdalena. Mag ayos ayos ka nga.

"Hindi pa ba klaro ang sinabi ko sa'yo nung araw na 'yon, Dalen? Ayoko na nga hindi ba?!" Paninigaw niya.

"Pero, bakit? Tangina naman, Abigeyl! Ang ayos ayos nating kumakain ng Mang Inasal no'n! Naghahanap ka pa nga ng extra rice hindi ba?! Pero, bakit bigla mo na lang akong tinalikuran no'n! Nakalimutan mo pa ang halo halo mo!"

Pinagtinginan pa kami ng mga tao do'n! Hindi ko siya mahabol habol ka agad dahil ang haba ng pila sa Mang Inasal. Pero, siya, agad siyang nakalusot do'n.

"Huwag ka ngang magbiro, Dalen! Bahala ka! Basta ako, para sakin, break na tayo! Ewan ko na lang sa'yo kung matatanggap mo o hindi!" Akmang tatalikuran niya ako pero hinawakan ko ang braso niya.

"Shit, Abigeyl. Mag usap tayo ng maayos, please. Huwag yung ganito, sexyloves, please?" Tinawag ko siya sa endearment namin tuwing nagchuchukchukan. Bahala na.

"Huwag mo akong tawaging sexyloves, Dalen!"

"Darling? Babes? Sweetie pie? Anong gusto mo, Abigeyl, ha? Susundin ko lahat, huwag ka lang maging ganito sa'kin! Kailangan ko ng rason, Abigeyl!" Pagmamakaawa ko. Inabot ko sa kaniya ang chocolates at teddy bear, pero tinabig niya lang ito.

Napunta lang pala sa wala ang panunuthot ko ng pera kina Max at Eric. Sige na. Aminin ko na. May ambag yung dalawang 'yon dito.

"Kailangan mo ng rason, 'di ba?! Buntis ako, Dalen!"

Parang tumigil ang mundo ko nang sabihin niya 'yon. Para akong nabingi. Ano kamo? Buntis siya?

Isali ko yata to sa Showtime, eh. Pwede niya na palitan si Donna sa sobrang laptrip ng joke niya.

"HAHAHAHAHAHA LT KA NAMAN, KUMARENG ABIGEYL," Pagkukunwari kong humahalakhak at hinahampas siya sa sobrang tawa kahit na nangingilid na ang mga luha ko.

Kinunot niya ang kaniyang noo at pilit na inaalis ang braso niya.

"I'm dead serious here, Dalen."

"Putangina. Shit." Hindi ko mapigilan ang damdamin ko.

"Bakit, Abigeyl? Tangina, bakit?! Hindi ba ako kuntento sa'yo?!" Napuno na ako at nasigawan ko na siya. Sobrang bigat ng puso ko ngayon.

"Tangina, Abigeyl. Aakuhin ko ang bata. Tangina, papasukin mo lang ulit ako sa buhay mo!" Lumuhod na ako sa harapan niya. Punong puno na ng luha ang buong pisngi ko pero wala akong pakelam.

"Hindi mo ako kailangang akuhin dahil papanindigan ako ng tatay," Pagmamatigas niya.

"Bakit mo nagawa 'to sakin, Abigeyl? Tangina. Sweet naman ako! Malambing ako! Laging mabango! Putangina, pati nga yung paborito mong pabango sa bench na panlalaki, pinatos ko na! Punyeta, saan ba ako nagkulang, ha?! Dahil ba wala ba akong putanginang- Shet! Bakit ka ganito, Abigeyl?!" Nanginginig na ako sa hinagpis at lungkot. Ang sakit naman. Sobrang sakit. Puta. Totoo pala. Solid ang sakit pag sayo nangyari.

"Wala kang kasalanan, Dalen. Ako ang may mali,"

Ayan na naman ang dahilan na it's not you, it's me. Dahil sa sobrang panghihina ko, nakawala na siya sa kamay ko at tuluyan nang tumalikod. Hinayupak na ulan, nakisabay pa.

Tangina naman.

Umuwi na ngang luhaan.

Uuwi pang mukhang basahan.

Putangina na lang talaga, Magdalena.

Wrong Send si DalenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon