53

209 11 0
                                    

Kakabukas pa lang ng pinto at hindi pa nakakatapak ang isa naming paa palabas, kaagad na nagdasaan ang mga photographers at taga interview. Halos hindi na ako makakita sa dami ng flash mula sa mga camera ang nakatutok sa'min.

Nakasukbit ang kamay ko sa mga braso niya. Nang makababa kami ay mas hinigpitan niya ang paghawak ko roon. Nakita ko ang iilang tingin ng mga nagdududang taga interview maging ang photographers.

"Sir, ano pong masasabi niyo bilang tagapagmana na ngayon ng La Costa Corporation?"

"Sir, based on your statement last month, when you are being hailed as the next CEO, you will get married. Is it true?"

Halos hindi na kami makalakad dahil sa dami ng nakapaligid sa'min. Mabuti na lang ay to the rescue ang iilang mga guards at tinulungan kami. May iilang mga tao na tinitignan ako nang taimtim, pero nginingitian ko lang sila ng tipid.

Tumungo kami sa isang lamesa na engrande, kung saan nagsama-sama roon ang iilan sa mga sikat na businessmen and women, kasama na rin ang mga pamilya nila. Nakita ko roon si Abigeyl na nagulat nang makita muli ako. Maging si Drascilla ay saglit lang nagulat. Pero, kalaunan ay mas tinuon ang tingin nito sa entablado.

"Break a leg, son," Ngumisi ang kaniyang ama at tinapik ito sa kaniyang balikat.

Kinausap ako ni Hugo na umupo muna sa iilang reserved seats para sa mga businessmen at women. Kaya 'yon ang aking ginawa. Umupo naman siya medyo malayo sa'kin.

Ilang sandali pa ay nag umpisa nang umilaw nang maliwanag entablado. Tinawag na rin si Hugo. Samu't saring palakpakan ang naghari sa buong lugar. Napangiti na rin ako nang umakyat na ito.

"I'm still on cloud-nine, to be honest," Tumawa si Hugo at ganoon din ang audience.

"For the past 35 years, La Costa Corporation has paved its way to more successful and noble journey. For the past 35 years, we have seen how La Costa Corporation has grew into something excellent. I won't deny it..." Pagpapakatotoo ni Hugo. Habang tinitignan ko siya, para akong proud na nanay sa kaniyang anak. Siguradong sigurado akong ganito ang nararamdaman ng kaniyang mga magulang.

Sinuri ko ang paningin ko. Katulad ko, kahit hindi sabihin, kitang kita sa kanila ang pagka bilib nila kay Hugo habang confident itong nagsasalita. Kung hindi nga lang pormal ito, baka nagdala pa ako ng pompoms at tarpaulin.

"I am not sure if what waits for the corporation in the long run. I am not even sure if I am worthy and versatile enough to handle this gem. But, one thing's for sure... I am honored to be hailed as the next CEO,"

"I already salute you when you were still studying, Hugo! What's with the sudden doubt?!" Mula sa gilid habang nagsasalita ito, may nag cheer sa kaniya na kinagulat ng marami. Nagsitawanan na lang ang buong paligid.

"Thank you, Sir Hausmann. I'm humbled," Tugon niya rito. Nagsambit pa ito ng iilang salita at nang matapos ito ay nagsitayuan ang mga tao at umani ito ng panibagong palakpakan. Kinamayan niya ang iilang mga businessmen at women na lumapit sa kaniya para i-congrats siya.

Napalibutan siya ng mga ito. Nakita kong nililinga-linga nito ang kaniyang ulo na para bang may hinahanap. Nang magtama ang mga mata namin, ngumiti ako sa kaniya. 

Ilang segundo akong tumayo roon dahil hindi ko alam kung anong dapat kong gawin. Pero, naramdaman kong naiihi ako kaya pumunta ako sa banyo.

Hindi pa ako nakakapasok ay nakarinig ako ng mga tawanan. Kaya tinungo ko pa rin ito habang nakayuko. Dahan-dahan kong pinihit ang pintuan sa banyo upang maka ihi na.

"Oh, Abigeyl. You are here pala," Rinig ko mula sa labas.

"Uh, yeah. I-I'll just retouch..."

"Alright. Una na kami ha. Puntahan namin kayo sa table niyo mamaya," Nakarinig ako ng mga yapak na papaalis na. Lumabas na ako pagkatapos ko at parang hindi man nagulat si Abigeyl na ako ang niluwa ng pinto. Naghugas ako ng kamay.

Wrong Send si DalenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon