44

186 15 1
                                    

Hindi matigil si Nanay sa pag iyak nang madala namin si Tatay sa ospital. Mabuti na lang at mabilis mag drive si Max, nakakasunod kami sa ambulansya.

Patuloy kong inaalo si Nanay dahil sa walang humpay na pag iyak niya. Na stroke si Tatay dahil sa diabetes niya. Matagal na siyang diabetic, pero dinadaanan namin siya sa iba't ibang mga treatments.

"Nay, inom ka muna ng tubig..." Inabot ko sa kaniya ang isang bote ng tubig. Medyo humuhupa na ito, pero bakas na bakas pa rin ang mga luha niya sa mata.

Pinagpahinga ko muna si Nanay dahil madaling araw na rin. Bumaba ako upang tignan kung nandoon pa rin si Max.

"Max, maraming salamat sa paghatid sa'min,"

"Walang anuman, Dalen. Sana maging maayos na si Tito. Ito nga pala... Bumili ako ng prutas diyan sa supermarket kanina," Binigay niya ang isang supot na may lamang iba't ibang prutas.

"Naku, nag abala ka pa," Nahihiya kong tugon sa kaniya. Ayaw ko pa itong tanggapin, pero dahil ini-insist niyang kunin ko, tinanggap ko na rin.

Binuhay niya na ang kaniyang tricycle at sumakay ito. Kinawayan ko siya at sinabing mag ingat pauwi. Umakyat ako muli kung saan kami nags stay ni Nanay. Nasa ICU ngayon si Tatay at tinitignan pa siya ng iilang mga doktor.

Nagising ako sa mahinang pag iyak ni Nanay. Humihikbi ito umagang umaga. Kaya naman agad akong bumangon.

"Nay, bakit ka umiiyak?" Tanong ko nang makalapit ako sa kaniya. Tahimik itong umiiyak na para pigilan kahit papaano ang mga hikbi. Pero, hindi 'yon nakatakas sa kaniya.

"H-Hindi ko alam kung saan tayo kukuha ng pera, anak... Y-Yung Tatay mo..."

Kinabig ko siya sa isang mainit na yakap. Nagpakawala siya ng sunod sunod na mga hikbi. Pinakalma ko siya at binalatan ng prutas. Ibinigay ko ito sa kaniya.

Nanghihina ako sa tuwing nakikita ko si Nanay na umiiyak. Ayaw na ayaw ko na nakikitang umiiyak ang mga magulang ko. Para kaming mga naka konektadong kable. Kung anong nararamdaman ng isa, 'yon din ang nararamdaman ko.

Taimtim kong inisip ang mga gastusin namin. Hindi imposibleng magpatong patong ang mga bayarin. Sa ngayon pa naman, sobrang sapat lang ang kinikita ko para makakain kami. Para ma survive namin ang isang araw.

Napapikit ako at napahawak sa ulo ko dahil sa biglang pagkirot nito. Narinig at naramdaman ko namang nag vibrate ang selpon ko. Nang tignan ko, si Eric ang tumatawag.

"Eric... Kamusta ka?"

"Ako dapat ang nagtatanong niyan sa'yo, Dalen. Kamusta ka?" May bahid nang pagaalala ang boses ni Eric. Malamang sa malamang ay nabalitaan niya na ang nangyari sa'min.

"A-Ayos lang ako... Pero, si Tatay... hindi," Nagpakawala ako ng isang malakas na buntong hininga. Tinignan ko ang dako ni Nanay. Tahimik itong kumakain ng prutas, pero nakatulala pa rin ito.

Tumagal nang ilang minuto ang pagu-usap namin ni Eric. Kahit may pagka gago ito at pagka bugok, sa tuwing kailangan mo naman siya, hinding hindi magiging bakod ang distansya para maipa abot ang tulong niya. Nagpahiram ito ng sampung libo sa'kin. Hindi ko alam kung paano niya naipon ang ganitong kalaking pera.

Nahihiya na ako sa kaniya, sa totoo lang. Sa treatment din ni Tatay noon, kapag wala kaming mahihiraman ng pera, laging tumutulong si Eric sa pagpapahiram ng pansagot sa pinansyal namin. Kahit marami siyang kulang sa ambagan tuwing inuman, ewan ko saan niya nahuhuthot ang mga binibigay niya sa'min.

Nanonood na ngayon ng telebisyon si Nanay. Nang tignan ko ang plato, dalawang slice na lang ng mansanas ang naiwan doon.

"Nay... Bababa lang ako saglit,"

Napalingon ito sa'kin. "Saan ka pupunta?"

"Ah... Nalaman kasi ni Eric ang nangyari kay Tatay, Nay... K-Kaya pinahiram niya tayo ng bayad dito sa pinansiyal,"

Tumango na lang si Nanay at kinuha ang selpon niya upang tawagan at pasalamatan si Eric. Bumaba na naman ako gamit ang elevator.

Pero, hindi ko pa ito nasasara ay may isang pamilyar na tao na akong nakita. Biglang lumakas ang tibok ng puso ko. Sa ilang buwan ko siyang nakasama, halos natutunan ko na rin siyang kabisaduhin. Akmang sasakay na ito sa elevator. Bumukas ito... at hindi lang siya mag isa.

Dahil, nakita ko si Drascilla na nakahawak sa tiyan niya. Medyo malaki na ito.

Nabigla si Drascilla nang makita ako. Pero, si Hugo, parang wala lang sa kaniya na nagkita kami dito sa Ospital. Katulad lang ng dati, maitim at matalas pa rin ito kung tumingin. Inalalayan ni Hugo si Drascilla habang hawak hawak nito ang kaniyang kamay.

Napuno ng katahimikan ang buong paligid. Pero, ang mga katanungan sa isip ko ay biglang nagsisisilputan. Isip ko naman ang maingay ngayon. Nagpakasal na ba sila? Magkakaroon na sila ng pamilya? Kailan pa?

Pero, pilit kong winaksi ang mga ideyang 'yon dahil biglang sumagi sa utak ko na hindi ko na dapat pang inaalala ang mga ganoong uri ng katanungan. Simula nang umalis siya sa buhay ko, wala na akong karapatan na kuwestiyonin pa ang mga nangyayari sa kaniya.

Tumunog ang elevator, hudyat na nasa ground floor na kami. Pinauna ko na silang dalawa. Nakahawak si Hugo sa baywang ni Drascilla. Ingat na ingat ito na huwag madapa ito.

Huminga ako nang malalim at ako naman ang nagsimulang maglakad. Isang taon na rin ang nakalipas, pero naramdaman ko pa rin ang kaunting pagpiga sa puso ko. Na sa tingin ko... ay normal pa rin naman, dahil minsan na rin siyang naging parte ng buhay ko.

Nang makalabas na ako nang ospital ay nakita ko ang kotse nilang humarurot na paalis. Hindi ko na lang ipinukaw ang mga mata ko roon.

Isa ito sa mga pinakakinakatakutan kong mangyari. Ang pagbabago ng tao. Kahit sabihin na nangyayari talaga 'yon at hindi maiiwasan, may parte pa rin sa pagbabago ng isang tao na sa ibang punto... masasaktan ka ng husto.

Kahit hindi ako malambing na tao, alam na alam ko na mahal na mahal ko si Hugo. Siya lang ang nakikita ko noon. At alam kong ganoon din siya sa'kin dahil nararamdaman ko 'yon.

Pero, may mga bagay nga talagang dumadaan lang sa buhay mo. Sasaktan ka at iiwan na parang wala silang ginawa. Na parang hindi sila nangakong hindi ka sasaktan.

Wrong Send si DalenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon