12

232 15 0
                                    

Nakarating na kami sa Airport at para lang kaming namamasyal sa Mall. Alam niyo yon. Yung tambay tambay diyan sa gilid. Kunwari tingin tingin, pero wala naman talagang bibilhin. Oo, secret lang natin na ganoon ako minsan.

"Ang laki pala nito," Pagkamangha ni Max.

"Syempre, dito nila tinatago mga eroplano nila kapag gabi,"

"Seryoso?" Uto utong tugon ni Max.

"Tanga. Malamang Airport 'to kaya malaki talaga. Lika na nga. Hintay muna tayo rito," Hinila ko siya malapit sa entrance. Mabuti na lang ay may upuan dito.

"Paano natin malalaman kung nandiyan na si Abigeyl?"

"Kaya nga tayo nandito naghihintay sa harap ng entrance, 'di ba?" Pambabara ko.

"Suplada mo ngayong araw. Meron ka?" Nilapit niya ang mukha niya at nginisihan ako.

"Oo, meron. Manahimik ka diyan at baka masampal kita ng napkin ko,"

"Kadiri ampota," Sagot niya.

Palinga linga ako sa nandito sa loob. Ang laki nga ng Airport na 'to. Andaming mga produktong naka display. Kung hindi lang siguro krimen ang pagnanakaw, baka naka sampung chocolates na 'ko dito.

Naalala ko noon na pangarap ko ang maging Flight Attendant noong bata pa ako. Noong tinanong kami ng teacher ko, wala pa akong maisip kung ano ba talaga gusto ko paglaki.

Isasagot ko sana na gusto kong maging teacher. Pero, naisip ko yung kalaro ko dati na nagt-teacher-teacher-an na mukhang tanga kasi hindi naman kami nakikinig kami kunong mga estudyante niya.

Kaya nang makita ko ang laruang eroplano ng kaklase ko, napaisip na lang ako na gusto ko mag flight attendant.

Noong bata ako, pinangarap kong makapag suot ng palda. Pero, hindi mo nga talaga mapagkakatiwalaan ang panahon. Dati, gusto kong magsuot. Ngayon, gusto kong ako na nagtatanggal.

"Saan mo gustong pumunta, Dalen?" Tanong ni Max sa'kin.

"Bakit? Libre mo?"

"Ano ka? Sinuswerte?"

"Baka."

"Dali na nga. Saan mo gusto pumunta?" Pangungulit niya sa'kin. Kawawa naman 'to. Baka mawalan na ako ng tropa kinabukasan sa kakabara ko sa kaniya kaya sinagot ko na nang maayos.

"Gusto ko sa Iceland,"

"Siguro, doon galing ang mga pinagagawa sa Halo halo," Pagpapatawa niya.

"Ang galing mo talaga, Max. Paano mo nalamang doon nga galing?" Pumalakpak pa ako sa kaniya at pinakitang proud na proud ako sa joke niya.

"Ang galing mo talaga makiride, ano,"

"Pero, seryoso na sige. Kawawa ka naman. Gusto ko doon kasi ang ganda. May nakita ako sa facebook non, Iceland daw 'yon. Yung may green green yung langit nila kapag gabi. Ang astig lang,"

Totoong namangha ako nang makita ko sa facebook 'yon. Sinave ko pa nga at ginawa kong wallpaper dahil ang ganda.

"Ah... Ako naman, gusto ko sa Boracay," Pags share niya.

"Bakit?" Kuryoso kong tanong kahit alam ko na ang dahilan kung bakit.

"Kasi ang ganda ng beach doon. Napaka linaw ng tubig,"

"Paano mo nalaman?" Hinikab ako habang nakikipagkwentuhan sa kaniya. Para na kaming tangang nakatunganga dito nang mahigit limang oras. Paano pala kung umalis na siya, madaling araw pa lang?

"Nakita ko sa facebook," Aniya.

"Same lang tayo. Kawawa naman tayo. Hanggang facebook lang,"

Inilinga ko ulit ang ulo ko sa paligid. Konti nalang magiging Giraffe na ako.

Wrong Send si DalenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon