19

210 12 0
                                    

"Hanggang kailan ka doon?" Nakapalumbabang tanong sa'kin ni Max. Kinuwento ko kasi sa kaniya ang tungkol sa paglipat ko sa trabaho.

"Pagkatapos ng tatlong buwang panganganak noong assistant," Sabi ko at kumagat ng binili kong putok bread. Ito talaga ang pinakapaborito kong tinapay sa lahat. Bukod sa mabantot ang pangalan, masarap naman at sobrang mura. Dalawang piso lang kada isa.

"Doon ka ba titira niyan sa bahay ng boss mo?" Hindi parin inaalis ni Max ang tingin niya sa'kin.

"Oo. May room sila para sa mga maids nila doon,"

Nang sinabi ko kay Nanay na lilipat ako ng trabaho, noong una'y takang taka pa siya ngunit nang sabihin ko kung ano ang makukuha ko, kinumbinsi niya na rin pati na si Tatay na payagan nila ako.

Pero, itong si Max, daig pa Nanay at Tatay ko dahil hindi parin siya pumapayag. Naaalala niya pa rin daw ang ginawa ni Sir Hugo sa akin sa Airport no'n. Bakit 'yon tandang tanda niya pa e yung mga inutang niyang ambag niya sana sa inuman hindi niya pa nababayaran?

"Paano na niyan, Dalen?"

"Oh? Napano?"

"Alam mo naman kung anong ginawa niya sa'yo sa Airport, hindi ba? Ayoko ngang pumayag na doon ka pa magtrabaho sa kaniya," Pagsusungit niya.

"Ikaw na ngayon ang hindi pumapayag pagkatapos mo akong dalhin do'n?" Tamang kagat lang sa panlima kong putok bread.

"Eh syempre, hindi ko alam na mabantot pala ugali ng boss mong 'yon. Mabuti nalang, sinamahan kita noon. Mukhang wala kang balak magsabi sa'min ni Eric kung ano na nangyayari sa'yo doon,"

Noong nakauwi na kami galing Airport noong panahong 'yon, nabigla ako dahil kinabukasan ay alam na agad ni Eric. Nagdala pa ito ng props na itak.

"Wala naman akong magagawa, Max. Alam mo namang kapos kami, 'di ba? Hindi namang pwedeng sila Nanay at Tatay lang ang gagalaw. Isa pa, ilang taon na akong tambay. Oportunidad ko na 'to para naman magkaroon ng silbi,"

Napakamot siya sa ulo niya at napamura sa hangin. Hindi ko talaga alam kung ano pinuputok ng buchi nito at agad agad na lang naiirita.

"Hindi ka na bang pwede pang lumipat?"

Sinamaan ko siya ng tingin. Kitang hayskul lang natapos ko, at saan naman ako lilipat?

"Siraulo ka ba? Ang ganda na nga ng offer dito tapos tatanggihan ko pa? Hindi ko alam kung bakit iritang irita ka diyan, Max. Labo mo," Nginatngat ko ang huling putok bread ko at iniwan ko siya.

Hinabol niya naman ako pero hindi ko parin siya pinapansin.

"Sorry na, Dalen. Iniisip ko lang kasi sitwasyon mo doon. Paano kapag mas lalo ka nilang abusuhin? Wala ako doon sa tabi mo. Wala ako doon para protektahan ka,"

"Alam mo, Max, ang sweet mo sa part na 'yan pero nakikita mo 'tong masels ko? Sino maghahamok ng away sa'kin doon? Baka masapak ko lang 'yon. Kaya kong protektahan ang sarili ko. Hindi mo ako kailangan bantayan, hindi na ako bata, Max,"

"Pasensiya na, Dalen. Masiyado akong naging makasarili," Narinig ko ang mabigat na paghinga niya. Naiintindihan kong concern siya sa'kin bilang kaibigan, pero sana maintindihan niya na kailangan ko 'to para sa pamilya ko kahit na hindi siya uma agree doon sa boss ko.

Kahit naman ako noong una, ayaw ko sa hinayupak na 'yon, pero sabi nga nila sanayan lang 'yan.

-
"Pack your things up, Dalen. Wait for me on the ground floor,"

Tinanguan ko si Sir Hugo at pumunta na sa pahingahan naming mga staff para kunin ang iilan kong mga gamit. Ngayong gabi niya na ako dadalhin sa Mansion nila matapos naming mag-agree sa bawat isa tungkol sa mga terms na kailangan naming pag-usapan.

"Dalen, ingat ka doon ha. Sana magkikita kita pa tayo," Ani Rey.

"Oo naman, paps. Hindi naman ako mamamatay. Masamang damo, matagal mamatay," Tinapikan ko siya sa balikat niya.

Bigla namang sumingit si Sab sa gitna namin.

"Uy, Dalen. Pagbalik mo dito dapat may gift ka sa'kin ah," Sabi ni Sab.

"Anong ireregalo ko sa'yo aber, eh wala pa akong kuray ngayon," Tinaasan ko siya ng kilay.

"Hindi mo naman kailangan ng malaking kuray dito e. Lakas lang ng loob," Napangisi siya habang nag iisip nang kung ano ano.

Pinulot ko ang iilang mga gamit ko at inilagay sa bag ko. Isinukbit ko 'yon sa balikat ko.

"Oh? Anong gusto mo?"

"Kahit boxer lang ni Sir Hugo, Dalen,"

Nanlaki ang mata ko sa gusto niya. Seryoso ba 'tong babaeng 'to? Nakulam yata ito e.

"Gaga ka ba? Bakit kita reregaluhan no'n?" Ungas ko.

"Ito naman. Parang wala tayong pinagsamahan, Dalen. Parang 'yun lang, eh," Nagtatampo tampo siya. Bahala siya dyan at magtampo siya buong maghapon. Sino namang matinong mangunguha ng boxer ng ibang tao?

"Bibili na lang kita sa bangketa, bagong bago pa," Suhestiyon ko.

"Ih. Ayokooo. Gusto ko yung kay Sir Hugo. Dapat yung kakahubad niya lang ay kunin mo na hihi,"

"Ano tingin mo sa'kin? Manyakol? May tililing ka na Sab," Tinawanan ko siya at inilingan.

Hinabol niya ako hanggang sa ground floor pero hindi ko parin ina accept ang request niya.

"Sigina, Dalen,"

"Hoy, Sabrina Tolentino. Baka gusto mong ipapulis kita? Ako pa talaga gagamitin mong tulay ha. Tsaka, seryoso ka ba?!"

"Basta kay Sir Hugo, seryoso ako ano!"

"I heard my name. What's the matter?" Nakakunot noong tanong ni Hugo sa likod ni Sab. Ang masayahing mukha ni Sabrina ay biglang napalitan ng kaba at gulat.

"H-Ha? Hoy, Dalen, bakit mo binanggit pangalan ni Sir?" Pagtuturo niya sa'kin. Lumipat naman ang tingin ni Sir Hugo sa'kin. Sa'kin na tuloy nakataas ang kilay niya.

"Hoy, boba. Huwag mo 'kong idamay," Bulong ko.

Napaismid na lang si Sir Hugo at tinawag na ako. Nagpaalam na ako sa mga kasama ko dito at nagpasalamat. Akala mo naman talagang hindi na ako babalik dito ano.

"You will start your work tomorrow. Bago ako aalis bukas, I will introduce you to my grandfather, so be sure that you will wake up early,"

Tinanguan ko siya. Nagtagal ng mahigit 30 minutes ang pagbyabyahe namin hanggang sa makita ko sa harapan ko ang isang malaking bahay. Naknampucha. Bahay nila 'to?! Bakit ang laki masiyado?

"Siya na po ba ang magbabantay kay Sir Edward?" Usisa ng nagbabantay sa harap ng gate nila.

Tumango lang si Sir Hugo at ipinasok na ang kotse sa loob. Literal na halos malula na ako sa ganda at laki ng bahay nila. Mayamang mayaman talaga. Sa facebook lang ako nakakakita ng ganito.

"Let's get inside," Aniya. Dinala ko naman ang mga gamit ko at sinundan siya sa loob.

Wrong Send si DalenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon